KristineClaireDabuco's Reading List
69 stories
MY ENIGMATIC STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 283,597
  • WpVote
    Votes 8,469
  • WpPart
    Parts 22
Sa tagal ni Coffee sa industriya bilang isang showbiz reporter ay halos alam na niya ang lahat ng tungkol sa mga celebrities na kinagigiliwan ng lahat ng tao. Walang sikretong hindi niya alam at kung mayroon man ay gumagawa siya ng paraan upang malaman iyon. Pero may isang tao na kahit anong gawin niya at ng mga tulad niyang reporter, ay hindi nila mapiga-piga nang tungkol sa nakaraan at iba pang personal na bagay tungkol dito - si Ace Ricafort, isang sikat na modelo. Pero isang gabi ay aksidenteng nalaman niya ang pinakamatinding sikreto nito. ang malala ay nabisto siya nito na nalaman niya ang sikreto nito. dahil doon ay hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil nainis siya sa kasupladuhan nito ay ipinangako niya sa sarili niya na hindi siya nito mapipigilang alamin ang lahat ng sikreto nito. Pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng lahat. Pero hindi lahat ay umayon sa plano niya. Kasi sa tuwing may nalalaman siyang tungkol dito ay mas lalo niya pa itong gustong makilala. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan - nahulog ang loob niya rito. Nang malaman niya iyon ay bigla siyang natakot. Alam nya kasing walang kahahantungan iyon. Dahil para kay Ace isa lamang siyang makulit at pakielamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis sa buhay nito.
Love and hate series : Valderama Sisters The Lost sheep(Lea Isabelle) COMPLETED by greencrossbabypowder
greencrossbabypowder
  • WpView
    Reads 239,495
  • WpVote
    Votes 3,954
  • WpPart
    Parts 44
Chiffy aka Lea Isabelle .Pinalaking masayahin palakaibigan ,maprinsipyo at matapang ng kinalakihan niyang magulang . She is the 1/2 of Valderama sisters . the long lost sheep. Makakaya niya kaya ang transition sa buhay nito? Ang Arrange marriage na sa pelikula niya lang nakikita masusubukan nia Arie Kim Carlos Villaruel. He belonged to an elite class . Upper 1 percent ng mayayaman sa Pinas . Gorgeous in every sense of the word . Athletic , Smart , suplado, most importantly a chauvinistic man alive . Hindi siya papayag na saklawan ang buhay niya ng kanyang Pamilya . He knew from the very start his life will be dictated and controlled by His family . Even his heart will be broken knowing the girl he love is not the one he will supposed to marry. Will Chiffy be able to teach this Chauvanistic man to treat women equally? Will she be able to surpass heartaches knowing the man she love , love another woman .
THE STORY OF US 2: AZENITH & ZARDOU (published under PHR1847) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 99,528
  • WpVote
    Votes 2,048
  • WpPart
    Parts 10
Ang akala ni Azenith ay tahimik na ang mundo niya. Sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay maraming oportunidad ang kumatok sa pinto niya. Subalit nang makarating sa kanya ang balita na nasa Maynila rin si Zardou-- ang lalaking pinakaiiwasan niya -- ay naalarma siya. Hindi nito dapat malaman ang kanyang kinaroroonan. Mayaman ang lalaki at kayang-kaya nitong bawiin sa kanya ang lahat, maging ang kanyang dignidad. Pero nangyari ang kinatatakutan ni Azenith. Hindi sinasadya ay nagkrus ang kanilang mga landas. Natuklasan niyang hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang mahikang dulot ni Zardou sa tuwing matitigan siya nito. Ngunit sa estado nito ngayon, alam niyang hindi na maaaring dugtungan ang kanilang nakaraan...
MECHANIC OF THE DAY : MR. SUAVE (Men in Blue) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 61,444
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 11
Nandidiri si Dulce kay Galileo dahil lagi itong nanlilimahid sa langis at grasa. Ganoon na nga ang lalaki pero nuno ng yabang at matindi ang bilib sa sarili. Never na papatol siya sa isang kagaya ni Galileo. After ten years, hindi akalain ni Dulce na makikita niya uli ang lalaki. Hindi niya akalain na aasamin niyang makulong sa malangis at magrasang mga braso nito...
Midnight Blue Society Series 3 - POCHOLO aka CHOLO (COMPLETED) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 136,571
  • WpVote
    Votes 2,646
  • WpPart
    Parts 11
Masakit man para kay Yanni, napilitan siyang samahan si Cholo nang bumili ito ng engagement ring para sa babaeng pakakasalan daw nito. Nakalimutan naman niyang isauli ang singsing at nakatuwaang isukat. Pero nang huhubarin na niya ay hindi niya mahugot sa daliri. "A-ano'ng gagawin n-natin?" tanong ni Yanni sa kawalan ng masabi. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang ilapit ni Cholo sa bibig nito ang kanyang daliri at slow motion na isinubo. Pakiramdam niya ay para siyang kandilang unti-unting nauupos. It seemed that she was being hypnotized. Nanatiling nakatitig siya sa mga mata ni Cholo. At ano itong nababasa niya sa mga mata nito? Was it desire? Paano na kung hindi lang ang kanyang daliri ang pangahasan nito? At noon lang natiyak ni Yanni, mahina ang kanyang depensa kapag si Cholo na ang nasa harap niya.
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #5 - NICOLO aka NICO by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 118,657
  • WpVote
    Votes 2,090
  • WpPart
    Parts 10
Si Joey Agoncillo ang nag-iisang babae sa limang arkitekto na napiling mag-bid sa isang malaking kontrata. She needed that break to prove something to her ex-boyfriend who dumped her for a rich woman. Si Nico Madrigal naman ang pinakamahigpit niyang kalaban sa proyektong iyon. He, too, needed to get that contract so badly. Kailangan nitong mapatunayan sa inang napaka-domineering and manipulative na may narating ito without her help. Mukhang mahihirapan si Joey kay Nico. From what she gathered, he was as stubborn as a bull. A typical Taurean. "What Nico wants, he gets." Hindi nga lang niya alam kung kasama siya sa gusto nitong makuha. Hindi naman siya papayag na mangyari iyon. He had his motives. Gusto siya nitong sirain at guluhin ang diskarte niya para hindi mapunta sa kanya ang kontrata. But when he kissed her... now, that was another story. Saka na muna ang agam-agam. Meanwhile, she would enjoy his advances. Saka na siya mag-iisip...
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4  - PICOLO aka PIOLO by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 132,456
  • WpVote
    Votes 2,463
  • WpPart
    Parts 11
Labinlimang taon si Amparo nang maramdaman ang unang pag-ibig at matikman ang unang halik. Si Piolo ang kanyang hinangaan, sinamba at pinangarap na makasama habambuhay. Pero mayaman ang lalaki at ayaw ng matapobreng mama nito sa kanya. At nasaktan ang batang puso niya nang iwan siya ni Piolo. Pagkaraan ng mahigit sampung taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. At kahit isa nang sikat na modelo at sinasamba ng mga kalalakihan ay hindi nagbabago ang epekto ni Piolo kay Amparo. Pero kailangan niyang maging matibay. Kung noon ay muntik nang may mangyari sa kanila, ngayon ay ipinapangako ni Amparo: kahit si Piolo pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo, hindi niya ipagkakaloob ang sarili rito. Pero ano ang ginagawa ni Piolo sa kanyang kuwarto? Nakatayo ito sa harap niya. At siya, naghihintay lang sa susunod nitong hakbang...
ASERON LOVERS by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 127,212
  • WpVote
    Votes 1,211
  • WpPart
    Parts 6
Dana thought her love life will never have a happy ending. Lagi na lang kasi siyang nabibigo sa pag-ibig. Kung iyon ay dahil sa pagiging unconventional niya kaya kadalasan ay sumasakit ang ulo kahit ng sariling mga kaibigan niya sa kanya, hindi niya alam. But when she met the gorgeous cousin of her friend's groom-to-be, she thought that finally, this time she will not be just the bridesmaid but the bride! Ang problema nga lang ay kung paano niya kukumbinsihin si Flynn "Mr. I-Don't-Gamble-With-My-Money-Only-My-Life" Aseron. Lalo pa at tila wala sa bokabularyo nito ang salitang pag-ibig at mas lalo na ang kasal! Subalit ano pa at nariyan si Lolo Nemo na unang kita pa lang sa kanya ay kumbinsido nang siya na ang natatanging babaeng makakapag-paamo sa apo nitong mas gustong isugal ang buhay kaysa ang puso. And so with the help of the crafty old man, she set out to win herself her own Aseron.
The Rebellious Wife (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 564,177
  • WpVote
    Votes 12,443
  • WpPart
    Parts 29
Caleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has thought to be. Pero responsableng tao si Caleb. Aayusin niya ang gulo na siya mismo ang gumawa. Pinakasalan siya ni Serena dahil sa pera niya. Ipapakita naman niya sa asawa na may mas mahalaga pang "asset" sa kanya na dapat ay pansinin nito...
The Playboy Millionaires 1: In Love With Cash (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 328,409
  • WpVote
    Votes 6,456
  • WpPart
    Parts 19
Kakikilala pa lang ni Charity kay Cash ay sinabi agad niya rito na pera ang problema niya. Tinulungan naman siya ni Cash. Ang kapalit niyon ay magpapakasal sila para makuha na ni Cash ang nais nito mula sa tiyahin nito. It was a marriage of convenience and she was okay with it because she had no plans of getting married in the future with the purpose of love. Isa pa, hindi naman sila nagsasama at malayo sila sa mga mata ng tiyahin nito kaya feeling dalaga at binata pa rin sila. Sa papel lang talaga sila kasal. Hanggang sa dumating si Angelo sa buhay ni Charity. She fell in love with him and after months of being together, he finally asked her to marry him. Kinain niya ang lahat ng sinabi niya na hindi siya iibig at magpapakasal dahil sa pag-ibig. Gustong-gusto ni Charity na umoo sa proposal ni Angelo pero kasal siya kay Cash. At dahil nagbago na ang ihip ng hangin sa buhay niya, nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa asawa niya. Pero ayaw pumayag ni Cash unless magpapanggap uli siya na asawa nito sa harap ng ama ng babaeng nais pumikot dito. For the last time, pumayag siya para tuluyan nang makawala rito. What she didn't know, it was the start of something more than their "business transaction" years ago. Nagbago uli ang ihip ng hangin. She wanted to be Cash's forever.