LeksieCute
Na-love at first sight. Nahulog. Na-fall. Kinilig. Ngumiti. Nainspire. Umasa. Nasaktan. Patunay lamang na ang pag-ibig ay parte na ng ating buhay saang anggulo man natin tingnan. Kasabay ng patuloy na pag-ibayo ng panahon ay ang pag-usbong din ng iba-ibang anyo at uri ng pag-ibig. Dagdag pa rito ang pagkabuo ng iba-ibang kwento ng pag-ibig, na kapupulutan ng mga gintong aral.
Kung masaya ka na sa relasyon at feeling mo ay perfect na ito, inspired, nagmahal at minahal...
Naging tanga (at tanga pa rin hanggang ngayon), bitter, gaga, timang, hindi makapagmove-on at let go, sinaktan, pinaasa, isama mo na rin ang lahat ng zone, at lahat na ng kaek-ekan si lovelife mo...
Ito ay para sa'yo dahil napagdaanan mo na ito o mapagdadaanan mo pa lamang.
Ito na ang iba-ibang level na iyong pinagdaanan at pinagdaraanan. Hanggang anong level kaya ang love story mo?