sunmaruuramnus's Reading List
3 stories
Breaking the chains of his Obsession (Azrael Damon Severino) by sunmaruuramnus
sunmaruuramnus
  • WpView
    Reads 41,659
  • WpVote
    Votes 553
  • WpPart
    Parts 54
Nanginginig ang aking mga kamay habang pilit kong nginunguya ang pagkaing nasa harapan ko, alam kong nakamasid siya. "Good girl..." bulong niya, malamig ang tinig, kasabay ng marahang paghagod ng mga daliri niya sa mahaba kong buhok. Hindi ko na napigilang mapaluha nang unti-unting bumaba ang kamay niya, mula sa buhok patungo sa batok, hanggang sa baywang ko. Hindi ako nakakibo at pinapakiramdam Lang Ito. Sabi niya asawa KO daw siya pero wala talaga akong matandaan at bakit ikinukulong niya ako dito. Dahan-dahan akong napatingin sa vanity mirror sa tapat ng lamesang kinakainan ko. Doon, nagtagpo ang aming mga mata. Ngumisi siya.At sa ngising iyon, parang unti-unting nilamon ng dilim ang lahat ng pag-asang makakatakas pa ako. Wala akong ideya kung anong oras na. Walang bintana ang kwartong ito - walang palatandaan ng araw o gabi. Ang tanging liwanag ay mula sa flourisine na ilaw sa kisame. Wala akong alam Kong ilang araw na BA akong nakakulong dito, hindi ko pa rin masanay ang sarili sa katahimikang minsan ay nababasag lang ng tunog ng kuliglig sa gabi o ng mahihinang lagaslas ng dahon sa labas. Doon ko lang napagtanto... nasa gubat ako. O sa lugar na napapalibutan ng kakahuyan. Walang ingay ng sasakyan, walang boses ng tao - puro kalikasan, puro isolation.Ang buong bahay ay malamig, konkretong sementado ang mga pader. Walang palamuti, walang kahit anong magbibigay ng aliw sa mata. pakiramdam ko Bihag ako... bihag ng isang lalaking ang presensya pa lang ay nakakakilabot. parang Isang lalaking makapangyarihan-isang halimaw. at ginapos ako sa kanya, hindi sa pamamagitan ng pag ibig kundi ng takot, kapangyarihan... at isang uri ng pagnanasa na madalas Kong Makita SA Mga Mata niya...tuwing ako ay tinititigan." Doon KO na pag tanto "Hindi ito pag ibig, isa itong Obsesyon...." THIS IS A DARK ROMANCE STORY.. IT'S NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.. MARAMING WARNING SCENES😜😜😜😜
TRAPPED IN HIS OBSESSION (ASMODEUS) by sunmaruuramnus
sunmaruuramnus
  • WpView
    Reads 31,412
  • WpVote
    Votes 461
  • WpPart
    Parts 60
Kabado akong sumiksik sa ilalim ng kama ko... Hindi ko alam kung anong nangyayari sa baba, pero naririnig ko ang pag-iyak ng aking ina. "M-master... maawa po kayo... wala pa po talaga akong pambayad sa utang ko..." Aniya ng aking ama, nanginginig ang boses, habang umiiyak. Napatakip ako sa aking bibig nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kwarto. Nakita ko ang makintab na black shoes na marahan humahakbang sa sahig... nakita kong hinawakan nito ang picture frame na nakapatong sa drawer ko. Maya-maya, binitawan niya iyon at umikot sa kabilang side ng kwarto. Pinigil ko ang paghinga ko, halos gusto kong mawala sa paligid. Mahigpit kong niyakap ang munting teddy bear na iniregalo pa sakin ng aking ama noong 12th birthday ko... pero agad akong napatili nang may marahas na humila ng paa ko palabas sa pinagtataguan ko.
THE BILLIONAIRE'S PLAYGROUND (ZPHYR) by sunmaruuramnus
sunmaruuramnus
  • WpView
    Reads 24,274
  • WpVote
    Votes 421
  • WpPart
    Parts 56
HIS DANGEROUS WAY. LET'S PLAY A GAME . "Let's play a game..." aniya ng lalaking may hikaw sa kaliwang tenga, malamig ang tinig na para bang may itinatagong kasiyahan. "You-Number 28...lapit." Parang kumislot ang buong katawan ko nang marinig ang pagtawag. Alanganin akong lumapit, nanginginig ang tuhod. "A-ano po 'yon... M-master?" mahina kong tanong, pilit pinipigil ang kaba na bumabalot sa dibdib ko. Nagpalitan ng mga titig ang apat na lalaki. Ang isa, seryoso, may suot na makapal na kwintas na ginto, tumitig sa akin nang direkta, para bang sinusuri ang buong katawan ko. "Maglalaro tayo. All you have to do... is run." Ngumisi siya, at doon ko naramdaman ang unti-unting pag-igting ng takot sa sikmura ko. "Mabilis ka bang tumakbo, Number 28?" tanong ng lalaking may kwintas.. Hindi ako makasagot. ngumiti Yung nag ngangalan na Asmodeus, puno ng kasadistahan. "Kapag ako ang nakahabol sa'yo..." Humakbang siya palapit, nasilayan ko ang matalim niyang tingin. "...may isang parte ng katawan mo ang mawawala." Sabi nito na kinalaki Ng Mata ko. "Asmodeus," tawag ng isa, halos matuwa pa. "Napakabrutal mo talaga..." sabay tawanan ng tatlo. Ngunit ang tawa ay walang halong ginhawa-mas lalo itong nagdulot ng takot sa kaluluwa ko. Samantala, ang isa umupo ulit si Zephyr, hindi kumikibo. Tila walang pakialam, pero KO ang mga mata niya'y nakatitig sa akin. Tahimik siyang tumungga ng alak, hindi inaalis ang tingin sa akin. Pagkatapos ay marahang ngumisi. "Ano pang ginagawa mo?" Inilapag niya ang baso at bahagyang tumagilid ang ulo, parang isang pycho na tila nananakot. "Takbo na." Nanlaki ang mga mata ko. Sa isang iglap, kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto-habang rinig ko ang mga halakhak at mabibigat na yabag ng mga halimaw na iyon na nagsimulang sumunod sa akin.