vhelzerotwo's Reading List
9 stories
Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 99,627
  • WpVote
    Votes 1,531
  • WpPart
    Parts 19
"And if I'm under your spell, I wish to stay bewitched forever..." Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy. Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim. Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake. Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito. Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 974,610
  • WpVote
    Votes 15,318
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 80,449
  • WpVote
    Votes 1,660
  • WpPart
    Parts 11
It's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hindi siya iibig, hindi niya hahayaan na umiyak ng dahil sa lalaki. Kasabay ng pangako niyang iyon, ay ang pagkamuhi niya sa mga lalaking nanloko at naging dahilan sa pagkabaliw ng Ate niya. Ngunit nakilala niya si Glenn Pederico, ang guwapong negosyante at Doctor. Pinakita agad nito ang interes nito kanya, pilit niya itong iniwasan at tinaboy palayo dito. But fate always brought them together. Hanggang sa natutunan niyang tanggapin ito sa buhay niya. And then, she woke up one morning falling deeply in love with him. Okay na sana ang lahat, ngunit isang masakit na katotohanan ang bumulaga sa kanilang dalawa. Hindi niya matanggap na isa pala si Glenn sa mga nanloko sa kapatid niya noon. At ang pinakamasakit sa lahat, bakit hindi niya kayang kamuhian ito?
Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine Despuig by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 113,894
  • WpVote
    Votes 2,261
  • WpPart
    Parts 10
TEASER: Nang dahil matinding pangangailangan sa pera. Napilitan si Sumi na balikan ang isang gawain na matagal na niyang tinalikuran at pinangako na hindi na muling babalikan pa. At ang naging target niya, ay ang guwapo at mayaman na si Miguel Dustine Despuig. Okay na sana ang lahat ng mabuking nito ang modus operandi niya. Saka niya napag-alaman na isa pala itong pulis. Ngunit sa halip na hulihin siya nito at ikulong. Isang parusa ang ginawad sa kanya nito. Ang maging kasambahay at tumira sa piling nito. At sa pagtagal ng mga araw na nagsasama sila sa iisang bubong. Unti-unti ay nahuhulog ang loob niya dito. Hanggang sa magising siya isang umaga, na mahal ang lalaking nagmistulang anghel na pinadala sa kanya ng Diyos. Okay na sana ang lahat sa buhay niya, dahil sa pagmamahal na inuukol din sa kanya ni Miguel. Pero dumating ang isang pangyayari na siyang nagdulot ng panganib sa kanyang buhay. Handa na ba siyang iwan si Miguel, at sumuong sa kamatayan?
Car Wash Boys Series 3: Marvin Ison by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 104,708
  • WpVote
    Votes 2,290
  • WpPart
    Parts 10
"I'm in love with you from the start. And I'll be loving you 'till the end." Teaser: Razz has set her eyes on Marvin since high school. He was the campus most popular boy. Kulang na lamang ay tumalon ang puso niya palabas ng dibdib niya sa tuwing nginingitian siya nito. Pero parang mantilikilya na natunaw ang paghanga niya dito ng pahiyain siya nito sa mismong araw ng stage play nila. And she hated him, since that day. Pinangako niya sa sarili na iyon ang una't huling beses na magsasama sila sa isang proyekto. Iyon din ang araw na dineklara niya sa sarili na isa ng mortal na kaaway na ang turing niya dito. Sa paglipas ng panahon, dumating ang pagkakataon na kinailangan nilang muling magsama sa isang proyekto. Dahil kapwa sila mahilig sa bata, inatasan sila ng Barangay na maging bida sa isang pagtatanghal na para sa mga bata. Ang pagpayag niya sa proyektong iyon yata ang isa sa malaking pagkakamali niya. Dahil sa paglipas ng nga araw na kasama niya ito, hindi niya maiwasan na muling tumibok ang puso niya para dito. Handa na siyang ipaglaban ang pag-ibig niya para kay Marvin ng dumating sa kanya ang isang balita na muling dudurog sa puso niya. May iba nang minamahal ito.
The Tanangco Boys Series 7: Jared Bandonillo by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 127,724
  • WpVote
    Votes 2,444
  • WpPart
    Parts 10
Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabayaran, hiniling nito na magsilbi siya dito bilang isang 'housemaid' nito sa loob ng dalawang buwan. Labag man sa kalooban niya, pumayag siya dahil wala naman siyang choice. Ngunit iyon na yata ang pinaka-malaking pagkakamaling ginawa niya. Dahil habang tumatagal siya sa pagsisilbi sa binata. Kasabay niyon ay ang unti-unting pagtibok ng puso siya para dito. Paano na lang kung isang araw ay matuklasan niyang isang malaking kalokohan lang pala ang lahat ng iyon?
The Tanangco Boys Series 6: Ken Charles Pederico by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 114,951
  • WpVote
    Votes 2,071
  • WpPart
    Parts 10
"The moment I laid my eyes on you. Alam ko nang ikaw ang babae para sa akin." Teaser: Dahil sa matinding problema sa pamilya, pinili ni Myca na lumayo pansamantala. At sa kanyang pag-alis, tinulungan siya ng kaibigan niyang si Abby. Doon sa Tanangco Street siya dinala nito kung saan ito nakatira. There she met, the handsome and the ever bubbly Doctor Ken Charles Pederico. Simula nang makita siya nito, hindi na siya nito tinigilan. Hanggang sa naging masugid niya itong manliligaw. At dahil sobrang kulit nito, nainis na siya dito ng tuluyan at binasted niya ito sa harap ng mga barkada nito. Dahil labis na nasaktan sa hayagan niyang pagtanggi dito. Nangako itong hindi na siya kakausapin pa. At tinupad naman nito iyon. Pero bakit hinahanap naman niya ang presensiya nito? Na-in love na ba siya ng tuluyan sa Tanangco Boy na ito?
Stallion Riding Club 6: Neiji Villaraza (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 391,888
  • WpVote
    Votes 8,651
  • WpPart
    Parts 10
Boring ang buhay ni Winry. Wala na siyang social life, wala pa siyang lovelife. And she's not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang dalaga niyang tiyahin, nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya matutulad dito na namatay ng malungkot at walang kasama. Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makita niya isang madaling araw ang takaw-trabahong si Neiji Villaraza sa isang café bar. She immediately fell for him. Ang problema, isang beses lang niya itong nakita at imposible na uli silang magkasama. Hanggang sa manalo siya sa isang raffle promo. And premyo? A date with one of the commercial's hunks. Kung saan isa roon si Neiji. She could have her chance again. Pero iba ang sumundo sa kanya. Where's her chance?
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 631,348
  • WpVote
    Votes 16,579
  • WpPart
    Parts 10
Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper nagn sumulpot na lang ang lalaki mula kung saan. Nailigtas siya nito. Kaso, ang pera niya, hindi. Importante pa naman iyon sa kanya. Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nagn dahil dito. Kaya bigla na lang siya nitong ipinakulong, saying na isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ang lalaki sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya akalain, sa lahat ng santo rin iyon siya haharap...kasama ng lalaking isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Eto ang matindi, narinig at nakita pa niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O di ba ang saya? ***side note*** Post ko muna itong story ni Jubei dahil may kailangan akong gawin dito sa Wattpad. Sa mga di pa nakakapagbasa nito, hope you'll enjoy reading the first ever Stallion boy. Sa mga nakabasa na at nami-miss uli ito basahin, hope you'll enjoy re-reading this. Sa mga nakabasa na na ayaw na basahin uli, apir na lang tayo hehehe!