shadows trilogy.
10 stories
Chasing Shadows (Shadows Trilogy Book 1) by undecidedpotato
undecidedpotato
  • WpView
    Reads 4,259
  • WpVote
    Votes 630
  • WpPart
    Parts 51
Si Maria Camila Gregoria Bonifacio ay isang dalagang nangangarap maging psychiatrist, tulad ng kanyang yumaong ama na labis niyang hinahangaan. Bata pa lang siya ay may kakaibang kakayahan na-ang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng karamihan. Noong una, takot at pagkalito ang naramdaman niya, pero habang tumatagal, natutunan niyang tanggapin ang kakayahan niya. Ang mga anino at boses na dati ay nagbibigay ng takot sa kanya ay naging parte na ng araw-araw niyang buhay. Sanay na sanay na siya-iyon ang akala niya. Pero ang buhay ni Camila ay hindi lang umiikot sa kanyang kakayahan. Sa kanilang bayan, may mga kuwento at kababalaghan na hindi pa nalulutas. Mga misteryosong pagkawala, kakaibang pangyayari, at mga tanong na walang kasagutan. Habang nag-aaral siya para abutin ang pangarap niyang trabaho, hindi niya alam na mas matitinding pagsubok at hirap pa ang darating sa kaniya. Ngunit habang tumatagal, napagtanto niya na ang kakayahan niya ay maaaring may mas malalim na dahilan. Parang ito ay bahagi ng isang mas malaking misteryo na konektado sa kasaysayan ng kanilang lugar at sa hiwagang pagkamatay ng kanyang ama. Pero ang tanong, kakayanin ba ni Camila na pagsabayin ang paghahanap ng sagot sa mga tanong tungkol sa mga multo ng nakaraan, sa mga lihim ng kanilang bayan, at sa sarili niyang pagkatao? Sa harap ng lahat ng pagsubok, mapapatunayan kaya niya ang tapang at tibay ng loob para harapin ang lahat, o malulunod siya sa takot at pagdududa? Ang kanyang kuwento ay hindi lang tungkol sa pagsunod sa mga anino, kundi sa paglalakbay ng isang taong naghahanap ng liwanag sa gitna ng dilim. Start: April 24, 2018