Kuya_Jun
- Reads 2,168
- Votes 33
- Parts 1
Alamat ng Ahas
Kuwento ni: Segundo D. Matias Jr.
Guhit ni Ibarra Crisostomo
Noong araw sa isang lugar na hindi na matukoy, may dalawang lalaking matalik na magkaibigan: Sina Arman at Dumaz. Si Arman ay may kasintahan na nagngangalang Doray, na ang pangarap ay makatulong sa kanyang mga kanayon.
Sa kagustuhan nilang matupad ang pangarap ni Doray, tinunton nina Arman at Dumaz ang isang yungib na may nakabaong ginto.
Ngunit dahil sa ginto, nasira ang pagkakaibigan nina Arman at Dumaz. Ipinagkanulo ng isa ang buong pagtitiwala ng isa.
Alamin sa makabaong alamat na ito ang pinagmulan ng ahas at kung bakit nanunuklaw ito.