raindelune
- Reads 7,108
- Votes 169
- Parts 28
(Novel - Ongoing)
Si Aina 'yong tipo ng babaeng hindi pansinin. Bukod kasi sa tahimik ay madalas lang siyang makikita sa isang tabi, nagmamasid o di kaya'y nakayuko sa sketchpad. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay mas pipiliin na niya ang gano'n: invisible parang hangin, mag-isa, at walang nakakakita. Ayon kasi sa kanya, walang drama kung hindi ka makikihalubilo sa iba. Pero gaya ng lahat, mayroon din namang bagay na bukod-tanging nagpapasaya kay Aina--ang sining.
Bukod sa mahilig ay magaling sa paglikha ng art si Aina. Kaya nang mapadpad sa partikular na museong iyon ay hindi maitago ang tuwa niya.
Sa buong oras ng paglilibot ay may isang bagay na sadyang pumukaw sa atensyon ni Aina. Isang napakagandang estatwa. Kaso sa halip na ipagpatuloy ang pagsusuri ay hindi inaasahang napamulagat siya. It wasn't because the sculpture was awfully made, but because it did something out of the ordinary.
It suddenly winked at her!
And, as if things couldn't get any more terrifying, nagawa pa nitong kausapin si Aina. Mukhang desperado ang estatwa na hingin ang tulong niya.