Jheliane's Reading List
15 stories
The Tanangco Boys Series 1:  Darrel James Luciano by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 96,883
  • WpVote
    Votes 2,058
  • WpPart
    Parts 10
Nang dahil sa naudlot na kasal ni Allie ay mas pinili niyang lumayo. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan ay natagpuan niya ang katahimikang hinahanap niya at unti-unti ay nakalimutan niya ang masaklap na kapalaran sa buhay pag-ibig. Pero ginulo na naman ang isip niya ng isang misteryosong lalaki sa kanyang panaginip. Mabuti na lamang at may nakilala siyang bagong kaibigan -- si Darrel James Luciano. Tuwing napapanaginipan niya ang lalaking iyon na tuwina ay hindi niya nakikita ang mukha ay inaaliw siya ni Darrel at inaalis nito ang inis niya. Sa muling pagbangon niya ay nakaalalay ito sa kanya. Kaya sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito ay hindi napigilan ni Allie ang puso na mahalin ito. Masayang-masaya siya nang magpahayag ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit agad din pala iyong mapuputol dahil sa pagbabalik ng isang taong ayaw na niyang makita at pagsulpot ng lalaki sa kanyang panaginip.
Tanangco Boys Series 2: Rene Roy Cagalingan by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 116,264
  • WpVote
    Votes 2,620
  • WpPart
    Parts 11
"I want to spend my life waking up in the morning and stare at your beautiful eyes and tell you how much I love you." Hindi na bago sa lugar nila ang lantaran niyang paghayag ng matinding paghanga kay Victor. Kulang na nga lang ay patayuan niya ng altar sa gitna ng kalyeng iyon ang lalaki. Akala niya ay tunay na pag-ibig na ang nararamdaman niya para kay Victor. Nagbago ang lahat ng kinailangan niyang makisama sa numero unong kontra sa buhay niya. Si Rene Roy Cagalingan. Kaya ganoon na lang ang inis niya para sa lalaki. Hanggang sa isang araw ay magising siya na tila may nararamdaman na para dito. Mahal na niya ito. Would she be able to fight for her love? Sa kabila nang katotohanang ang kaibigan niya ang mahal ng lalaking mahal niya.
The Tanangco Boys Series 9: Justin Karl Chua by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 104,832
  • WpVote
    Votes 1,734
  • WpPart
    Parts 10
Justin and Nancy Jane were childhood sweethearts. Kasama nila ang isa't isa sa lahat ng oras. Magkakampi sa lahat ng bagay. Highschool sila nang mag-desisyon ang mga magulang ni Nancy Jane na mag-migrate sa America. Masakit man ay wala siyang nagawa kung hindi ang lumayo kay Justin nang hindi nasasabi dito ang tunay niyang damdamin. Sampung taon ang nakalipas nang kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Ganoon na lang ang gulat niya na sa kanyang pagbalik, iba na ang Justin na dinatnan niya. Kasabay niyon ay ang muling pagbangon ng inakala niyang pagmamahal para dito na matagal nang naglaho. Pero mukhang huli na ang lahat para sa kanya. Dahil, may iba nang nilalaman ang puso nito. Dapat pa nga ba niyang ipaglaban ang pag-ibig para sa lalaking una't huli niyang mamahalin? O hahayaan niyang mawala ito sa ikalawang pagkakataon?
The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 125,685
  • WpVote
    Votes 2,199
  • WpPart
    Parts 12
Sa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakakalungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito. Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilanga beses at kahit alam niya kung gaan ito kahirap mahalin.
Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!) by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 28,468
  • WpVote
    Votes 778
  • WpPart
    Parts 11
Okay guys, this is another story of Fan-Kpop Idol kind of Story. Alam ko na marami sa ATIN ang makaka-relate at aasam na sana TAYO RIN... :) "I want you to stop look at me as the Kpop idol you once knew. This is real life. I want you to see me as an ordinary man looking at an ordinary woman like you." TEASER: Edgell woke up one morning on somebody else's house, feeling wasted, may hang over at higit sa lahat... NAKED under that white blanket! Kasunod ng isang lalaking lumabas mula sa banyo na walang ibang suot kung hindi tuwalyang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito. Ang sumunod na nangyari? Panic! Chaos! Agad binalot ni Edgell ang sarili ng kumot sabay talon pababa at siksik sa pinakasulok ng kuwarto habang sumisigaw. Horror. Iyon ang tamang salita para ilarawan ang nangyari. Dahil sa takot, hindi na niya pinaunlakan ang hiling ng lalaking iyon na mag-usap sila. Sa halip ay mabilis siyang nagbihis at tumatakbong lumabas ng bahay dahil sa sobrang taranta, takot at pagkapahiya. "Shocks, Edgell! What the hell did you do?!" Buong ang akala niya ay iyon ang una't huli nilang pagkikita ng lalaking iyon. Pero isang araw, pagpasok ng opisina ay muling nag-krus ang landas nila. And little did she know, that the guy is their company's CEO's son. Simula noon, araw-araw ay hindi alam ng dalaga kung paano niya ito kakausapin sa tuwing nagkakaharap. Kaya naman lahat ng iwas ay ginawa niya. Ngunit dumating ang araw na kinailangan harapin ni Edgell ang binata matapos manganib ang buhay nito. Sa pagligtas niya dito, she realized something, as she stared at his handsome face. This man is none other than Lee Youngjae, ang dating miyembro ng pinaka-favorite niyang Kpop Group na five years ng disbanded. "Lufet mo girl, naka-one-night stand mo ang bias mo? Syet!"
Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The Rain by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 54,239
  • WpVote
    Votes 1,189
  • WpPart
    Parts 11
Isa sa pangarap ng bawat fangirls ay mapansin ng kanyang iniidolo. Minsan, mas mataas pa sa "mapansin" ang pangarap natin, dahil ang totoo, gusto natin maranasan na masuklian ang damdamin na binibigay natin sa kanila. Ang mahalin din tayo nila Oppa. Sa kuwento ni Lai at John Lee, alamin kung paano magmahal ang isang fangirl. Ano ang kaya nating isakripisyo alang-alang sa pagmamahal at suporta para sa kanila? Kahit minsan, masakit na. Kahit na ang totoo, hindi sila magiging sa atin. Pero paano kung mahalin ka rin ni Oppa? ☺😘
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 77,415
  • WpVote
    Votes 1,745
  • WpPart
    Parts 10
Hindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko, she still felt the emptiness insider her. Nang masangkot siya sa dalawang magkasunod na eskandalo na labis na ikinagalit ng mga magulang niya at sumira sa magandang imahe niya, pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. Mabuti na lamang at nakilala niya si Humphrey, ang sikat na photographer na minsan na rin niyang nakatrabaho sa isang photo shoot. Hindi niya inaasahan na dadamayan siya nito sa pinagdaraanan niya. Nangako pa ito na tutulungan siyang magtago sa media. Magulo na nga ang siutwasyon niya, tila Lalo pang pinagulo iyon nang makisali sa issue ang puso niyang tila unti-unting nabibihag ni Humphrey. At sadya nga yatang matigas ang ulo niya dahil binuksan niya ang kanyang puso sa isang bagong pag-ibig kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang damdamin niya para kay Humphrey.
The Tanangco Boys Series 5: Joneil Victor Pineda by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 85,895
  • WpVote
    Votes 1,845
  • WpPart
    Parts 10
"Having someone like you in my life, is the best thing that happened to me." Teaser: Third year highschool nang mag-transfer sa Buting National Highschool si Abby. Doon niya nakilala ang guwapo at sikat sa buong campus at basketball player na si Victor. Naging magkaibigan sila and later on, they became bestfriends. Ngunit kasabay nang paglalim ng pagkakaibigan nila, ay paglalim din ng nararamdaman niya para sa binata. Hanggang sa lumaki sila ay mahal pa rin niya ito. Ngunit paano niya masasabi sa bestfriend niya na higit pa sa pagiging magkaibigan ang tunay niyang damdamin para dito? Kung hanggang sa kanilang paglaki ay ang tingin nito sa kanya ay isang tomboy.
The Tanangco Boys Series 3: Rio Vanni Cruz by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 100,101
  • WpVote
    Votes 2,091
  • WpPart
    Parts 10
"I've been in love with you the moment that I met you. At kung itatanong mo sa akin kung paano kahit minahal. Hindi kita masasagot dahil hindi ko rin maipaliwanag. Basta gumising ako isang umaga na ikaw ang tinitibok ng puso ko..." Teaser: Hindi napigilan ni Madi ang sarili nang mag-krus muli ang landas nila ng taong naging dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho. Si Chef Rio Vanni Cruz. Kaya sa sobrang inis ay bigla niya itong sinuntok sa harap ng maraming tao. Nangako din siya sa kanyang sarili na gaganti dito. Kaya nag-apply siya sa restaurant na pag-aari nito para maisakatuparan ang plano niya. Ngunit nakalimutan niyang bigla ang planong pagganti nang unti-unti'y makilala niya ang tunay na Vanni. At hindi rin napigilan ang puso na ibigin ito. Pero mukhang may hahadlang pa yata sa bonggang pagmamahal niya para sa binata.
Devil Beside Me by pinkyjhewelii
pinkyjhewelii
  • WpView
    Reads 11,315,981
  • WpVote
    Votes 201,595
  • WpPart
    Parts 63
Started: December 02, 2013 Finished: