ruriscribes's Reading List
17 stories
After the Chains (Costa Leona Series #13) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 18,891,694
  • WpVote
    Votes 751,381
  • WpPart
    Parts 32
O
One Rebellious Night (DEL FIERRO SERIES 1) [to be published MPRESS] by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 20,095,305
  • WpVote
    Votes 660,969
  • WpPart
    Parts 28
GLS second generation. 1 of 3 Roscoe del Fierro Completed on Jonaxx Stories App
Love, Mary by sgtsendo
sgtsendo
  • WpView
    Reads 9,091
  • WpVote
    Votes 591
  • WpPart
    Parts 65
Mga tambak na sulat ni Mary Magallanes para sa taong lubos niyang hinahangaan.
Binukot: The Native Princess ✓ by desiderattaaa
desiderattaaa
  • WpView
    Reads 12,492
  • WpVote
    Votes 666
  • WpPart
    Parts 26
Si Farrah ay isang binukot (native princess) na hinirang ng isang araw ay naligaw sya sa isang kagubatan at pinili syang gawing prinsesa ng mga tao dito dahil na din sa natatangi nitong kagandahan sa edad na 5 taon. Pagkatapos nun ay sinanay sya at tinawag na prinsesa Sulaya. Hindi lingid sa kaalaman ng nayon Wattak na si Sulaya ay may kakambal na nagngangalang Farreit. Makalipas ang 12 taon sa ika-18 kaarawan nila ay hinanap ito ni Farreit at swerte syang naaalala pa sya nito. Ngunit hindi niya alam na si Sulaya ay may karamdaman na ayaw nitong ipaalam sa nasasakupan. Dahil kapag nalaman nila ito ay ipapapatay ang lahat ng mga naging alipin niya, maging mga personal na tagapagtanggol at isasama sa hukay niya kapag siya ay namatay. Nang mamatay siya ay ibinilin niya kay Farreit na huwag pababayaan ang Wattak at ilihim ang pagkamatay niya hanggang sa ika-25 niyang kaarawan na maaari nang palitan ang binukot. Kasama si Hayun na kasintahan ng walang alam na si Rihiya ay dinala nila ito sa siyudad at ipinaalam sa mga magulang niya ang nangyari at inilibing ito. Sa kasalukuyan ay siyang ang namumuno sa Wattak at maigi niyang pinag-aralan ang mga epiko maging si Rihiya na tanging nakakakita sa binukot ay hindi naipagtanto na hindi na sya ang tunay na prinsesa Sulaya. Ngunit ayaw niya na makulong habambuhay sa tagong kagubatan kasama ang mga taong may malalalim na paniniwala sa kanya at sa kanilang kultura. Sinunggaban niya ang pagkakataon nang may Tagalabas na napadako duon at pinakasalan niya ito. Nagkaroon sya ng dahilan para makapunta muli sa Manila at ipagpakunwari si Rihiya bilang siya. Ngunit hanggang kailan ang pagkukunwari? Maging ang nararamdaman niya ba ay magiging huwad na din? O magkakatotoo at siya pala itong niloloko? ~~~~~~~~~~~ --under editing--
Neneng Makiling by Lumang_Kabalyero
Lumang_Kabalyero
  • WpView
    Reads 3,783
  • WpVote
    Votes 42
  • WpPart
    Parts 9
Si Divina ay isang simple,masunurin at masayahing dalagita na maagang naulila sa kinilalang Ama.Na siya ring nagbunyag sa kanya ng tunay niyang pagkatao bago ito malagutan ng hininga.Isa pala siyang anak ng Diwatang si Mariang Makiling sa isang mortal.Lumaki man sa pagpapahirap ng kanyang madrastang si Tiya Dora at mga kinikilalang kapatid na sila Cindy at Rhianna,hindi naging hadlang kay Divina na gampanan ang kanyang kakaibang tungkulin habang pinagsisilbahan ang pamilya. Ang maging Super Heroine ng Bayan! Maaaliw kayo sa kanyang kakaibang pakikipagsapalaran! Kilalanin si.... NENENG MAKILING!
KALISKIS (Munting Handog - Book 1) by AngHulingBaylan
AngHulingBaylan
  • WpView
    Reads 454,867
  • WpVote
    Votes 3,485
  • WpPart
    Parts 9
Simula na ng bakasyon. Ito ang panahon na pinakahihintay ni Roselda. Magagawi na naman siya sa dalampasigan upang mamulot ng kabibe at batotoy. Subalit nang bakasyong iyon, higit pa sa kabibe at batotoy ang kanyang natagpuan. Nakipagkaibigan siya sa isang engkantong lalang ng tubig at nananahan sa ilalim ng karagatan. Napalis siya sa mundo ng mga engkantong-tubig. At sa kanyang huling pag-ahon, siya ay nabago habam-buhay. Anong hiwaga ang kanyang natagpuan? Inyong tunghayan ang kanyang istorya. Sumama ka't ating sisirin ang k'wento sa likod ng mga... KALISKIS. - - - - - - - - Kaliskis (Munting Handog - Book 1, Stand Alone) Binhi (Munting Handog - Book 2 (On-going), Stand Alone)
Sulyap by LorreRiftnak
LorreRiftnak
  • WpView
    Reads 26,004
  • WpVote
    Votes 551
  • WpPart
    Parts 42
"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinaniniwalaan ay namaniobra pala. Ito ang katotohanang haharapin ni Lawren at ng sangkatuhan.
Batang Maktan by Lumang_Kabalyero
Lumang_Kabalyero
  • WpView
    Reads 4,468
  • WpVote
    Votes 184
  • WpPart
    Parts 31
Sa isla ng Maktan, minsang nabuhay ang isang magiting na mandirigma. Ang kauna-unahang bayani ng Perlas ng Silangan - isang anak ng lupa at dagat na buong tapang na tumindig upang hindi malapastangan at masakop ang kanyang Inang Bayan. Ngayon, sariwain natin ang kanyang pinagmulan sa sarili niyang tinig. Kilalanin si Cali Pulacu - mas kilala sa pangalang Lapu-Lapu.
Ragasa 1898 by JoseOcampoAsis
JoseOcampoAsis
  • WpView
    Reads 470
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 13
1898: Taon na inakala ng lahat ay ang pagtatapos ng pagdurusa ng marami sa nakaraang mahigit tatlong siglo sa ilalim ng pananahan ng Espanya. Mula sa pagkasawi sa laban ng mga rebolusyonaryo sa Maynila at hindi nagtagal ay ang pagsunod na pagkakagapi maging ng Republika na itinatag sa Kabite. Sa pag-uumpisa ng kasunduan sa ilalim ng panibagong kolonyang Amerikano, umusbong ang nag-aalab na diwa ni Ramon Ragasa na nag-aral at natuto ang musmos na isip at pangangatawan sa isla ng Dapitan na kung saan ang kanyang isip ay tutungo sa nagkakagulong rebolusyon ay nagnanais na maghandog ambag at pagmamahal sa sarili, sa pamilya at sa bansa mula sa natutulog nitong bayan na kanyang kinalakhan sa Kabite. Sa kanyang pagtuklas ng kanyang sarili ay mapapagpasiyahan ang dumako sa pangunahing kolonya ng Estados Unidos: ang Maynila sa pagsisimula ng pag-aanunsiyo ng sa ilalim ng Presidente McKinley: "Benevolent Assimilation" January 4, 1899 na mapasa-ilalim ang Filipinas sa Estados Unidos. Dinanas ang huwad na kaginhawaan dulot ng kolonyalismo: ang pagsusugal, pagkalango sa alkohol, prostitusyon, at ang pagpipistang walang katuturan; ngunit hindi ito naging hadlang sa pakikipagsabayan ni Ramon sa pamamagitan ng pag-aaral sa tila "masukal" na unibersidad ng mga Amerikano subalit siyang naging daan bilanng susi sa pagkilala sa kanyang talento. Nanatiling ipinaglaban ang sariling kultura laban sa huwad na impluwensiya ng Kanluran, ang patuloy na pagtuklas niya sa paghahanap ng tunay na kasagutan sa pagdiskubre sa nawalay na Ama. "Tulay Isabellita" ay makasaysayan hindi lamang kay Ramon; dito naganap ang paghihiwalay ng kanyang kinagisnang Bayan patungo sa tila bayolenteng lungsod subalit siyang muling pagkabuo ng kanyang mga pangarap sa pagsisimula ng hamon at 'ragasa' sa pagtapak sa putik na nilikha ng huwad at kahabag-habag sa kabila ng kariktang nasasalamin sa bagong tatag na syudad Amerika. Ang Manila sa pagtatapos ng taong 1898.