IreneMaglasang's Reading List
2 stories
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 130,194
  • WpVote
    Votes 1,754
  • WpPart
    Parts 41
"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang nakaraan at kapareho rin niya ng hilig sa musika. Dahil doon, madaling gumaan ang loob nila sa isa't isa. Madali siyang nagtiwala kay Fritz. Madaling nahulog ang loob dito. Nangako si Fritz na hindi siya iiwan, hindi sasaktan. Naniwala siya. Dahil sa labis na pagmamahal sa binata, alam ni Elise na hindi niya makakaya na mawala ito sa kanya. Iyon nga lang, hindi lahat ng pangako ay nakatadhanang matupad. Bumalik ang best friend niyang si Kate at nalaman niyang ito ang ex-girlfriend ng nobyo niya. Ngunit dahil mahal niya si Fritz, anuman ang sabihin ni Kate, handa siyang tanggapin ang nakaraan ng binata. Hindi magbabago ang tingin niya rito. Ngunit si Fritz pala ang nagbago. Dahil bigla na lang nitong sinabi na nais na nitong makipaghiwalay sa kanya dahil mahal pa rin daw nito si Kate at kahit minsan ay hindi man lang siya nito minahal.
NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 75,348
  • WpVote
    Votes 1,470
  • WpPart
    Parts 18
"Bale-wala sa akin ang anumang haharapin ko para bumalik ka sa akin. Alam kong mahirap pero hindi ko kayang isuko ka nang basta-basta nang hindi man lang lumalaban." Dahil sa biglaang pagkamatay ng mga magulang, pinili ni Rakel na manirahan sa lola niya sa San Alfonso. Doon niya nakilala ang isang delinquent student sa kanilang eskuwelahan na walang ibang pinagkaabalahan kundi ang tumugtog ng gitara at kumanta-si MJ. Dahil sa mga di-inaasahang pangyayari, naging malapit sila sa isa't isa at lubusang nakilala ni Rakel ang binata na walang ibang pangarap kundi ang maging isang singer. Pero dahil sa murang edad, marami ang humadlang sa kanilang pag-iibigan at di-nagtagal ay nagkahiwalay sila ng landas. Sampung taon ang lumipas at may kanya-kanya na silang buhay. Si Rakel, isa nang journalist at malapit nang ikasal sa boyfriend niyang si Wallace. At si MJ, isa nang sikat na vocalist ng isang international rock band. Pero naging mapagbiro ang tadhana dahil muling nagtagpo ang kanilang mga landas. At sa pagkakataong iyon, haharapin na nila ang anumang hadlang para maituloy ang naudlot na pag-iibigan.