palmocheeky's Reading List
6 stories
PHR: El Paraiso (Teaser) by YroEno
YroEno
  • WpView
    Reads 119,688
  • WpVote
    Votes 1,635
  • WpPart
    Parts 27
Nang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi niya man lang narinig sa buong buhay niya. While traveling to El Paraiso, she was bewildered by strangers who mistook her for somebody else. Most especially an arrogant, handsome stranger who unnerved her. Natuklasan niyang ang El Paraiso ay akmang pangalan para sa baying iyon. The small town was picture-perfect. Muli silang nagkita ng aroganteng lalaki na siyang may ari ng hotel na tinutuluyan niya. Adrian Olivar was always there in every turn. Subalit paraiso nga ba ang lugar na pinuntahan niya? Paanong unti-unti niyang natutuklasang maraming lihim na itinatago ang maliit na bayang iyon?
PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The Beauty (Teaser) by YroEno
YroEno
  • WpView
    Reads 16,501
  • WpVote
    Votes 174
  • WpPart
    Parts 18
"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkatao ko..." Napatay ang tatay ni Aurora nang pasukin ng masasamang-loob ang kanilang tindahan ng alahas sa Bulacan. At hindi niya mapaniwalaan ang kanyang nalaman-ang mastermind sa panloloob ng kanilang tindahan ay ang lalaking binalak niyang pakasalan. Tumakas siya mula rito. Sa pagtakas niya'y isang lobo ang tumulong sa kanya at sinamahan siya sa buong magdamag sa gitna ng lamig at ulan. Ito rin ang nagkanlong sa kanya mula sa pinsalang maaaring idulot ng hypothermia. How would she know that her life had changed the moment her father was killed? Na ang mga bagay na inakala niyang kathang-isip lamang at napapanood lamang sa sine ay umiiral pala? Na siya ay umiibig sa isang lalaking may lihim na itinatago ang pagkatao? Kaya ba niyang tanggapin ang pagkatao nitong half-man, half-beast?
Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story) (Teaser) by Imperfect_Philozoic
Imperfect_Philozoic
  • WpView
    Reads 86,875
  • WpVote
    Votes 1,234
  • WpPart
    Parts 15
"Sweetheart, I'm yours. And I'll be yours hanggang sa matuyo ang dagat sa San Ignacio. In other words-until I die..." Si Miles ang first crush ni Nadia. Si Miles din ang first love niya at natitiyak niyang si Miles pa rin ang huli niyang mamahalin. They were childhood sweethearts hanggang sa dumating sa buhay nila si Arlyn. Nahati ang atensyon ni Miles. Kalimitan ay ipinagtatanggol nito ang iyaking si Arlyn sa haragang si Nadia. Then came the announcement that shocked Nadia. Mag-on na sina Miles and Arlyn. Pinili niya ang lumayo upang makalimot. Subalit aakalain ba niyang mabibigyan siya ng pagkakataong mapasakanya si Miles nang hindi matuloy ang kasal nito kay Arlyn? Paano? Pipikutin niya si Miles kasabwat ang ina ng binata! But would Miles forgive her?
PHR CLASSICS: Marry Me, Stranger (Teaser) by Imperfect_Philozoic
Imperfect_Philozoic
  • WpView
    Reads 77,220
  • WpVote
    Votes 1,062
  • WpPart
    Parts 13
Desperado ang lolo niyang magpakasal siya sa isang malayong kamag-anak upang mapanatili ang linya ng kanilang angkan. Kung hindi gagawin ni Joanna iyon ay ang lolo niya mismo ang magpapakasal sa nurse nito at ipamana rito ang Villa de Vierre na tatlong henerasyon nang pag-aari ng kanilang angkan. Gagawin niya ang lahat huwag lamang mawala sa angkan niya ang villa kahit na bayaran niya ang isang estranghero upang magpanggap na asawa niya. But when things didn't work to her advantage, she offered the handsome stranger half of her inheritance, pakasalan lamang siya nito nang totoo. She gambled everything, including her heart.
PHR Man of My Dreams - The Passionate Devil by Ryzfair30
Ryzfair30
  • WpView
    Reads 26,276
  • WpVote
    Votes 434
  • WpPart
    Parts 12
A Novel by Cora Clemente PHR "Ako, I'll give up everything just to make you mine." VINCE ZOBEL III-a gorgeous hunk of a millionaire at thirty-three. What he wants, he gets. Pero bakit hindi niya nagawang paamuhin si Avon-ang babaing kung tutuusi'y malayo sa mga babaing nagdaan sa buhay niya? At sa kauna-unahang pagkakataon, nanuyo at nanligaw siya; pero nanatiling mailap ang dalaga. AVON EUSEBIO-simple, unsophisticated yet possessed of a disturbing beaty. Siya ang kauna- Sunahan at nag-isang babaing nagpayukod kay Vince Zobel; ang um- snubat uminsulto rito. Gayong dapat ay maging proud siya dahil siya fang ang babaing sinuyo ni Vice the man who was every woman drem. Masyado nang natapakan ni Avon ang pride ni Vince, Dahilan ang lalong sumidhi ang hangarin nitong mapasakamay ang dalaga. ©️ Cora Clemente ©️ PHR Credits to the rightful owner
Gems 20: This Beautiful Pain (Teaser) by YroEno
YroEno
  • WpView
    Reads 45,541
  • WpVote
    Votes 539
  • WpPart
    Parts 17
Si Danny ang natatangi at nag-iisang pag-ibig sa buhay ni Angela. Walang takot na ipinagkaloob niya rito ang kanyang sarili hanggang sa magbunga ang kanilang pagmamahalan. Subalit nakialam si Milen at binago ang kanilang kapalaran. At sa kagustuhan niyang maabot ni Danny ang mga pangarap nito ay nagtiis siya, at isinakripisyo pansamantala ang sariling kaligayahan. Pitong taon ang lumipas bago siya nagbalik sa Villa Soledad. Muli ay nakaharap niya si Danny; isa na itong magaling at kapita-pitagang abogado. Higit itong naging guwapo at matipuno. At ang mga halik nito ay kasintamis at kasinsidhi pa rin ng dati. Ngunit sumusumpa ang lalaki na pagbabayaran niya ang ginawa niyang pagtalikod dito noon. At kung ang damdamin niya ang balak nitong paglaruan ay hindi malayong magtagumpay ito. Dahil hanggang ngayon, at hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay, wala siyang hahangarin kundi ang pag-ibig nito.