JonisPunzalan's Reading List
2 stories
Without Wings by JonisPunzalan
JonisPunzalan
  • WpView
    Reads 245
  • WpVote
    Votes 11
  • WpPart
    Parts 3
Ano ang una mong gagawin kung nakakita ka ng anghel sa lupa? Oo sa lupa! Kung ako ang tatanungin mo ito ang gagawin ko, grab a cellphone and take a selfie. Pero hindi naman kasi ako ang bida. Kung si Juzo ang tatanungin, bilang isang lalaking feeling manly pero ang totoo'y isang "slight duwag." Ang una niyang gagawin ay sumigaw ng hindi nag-iisip. Mula sa malikot, at mas lilikot pang utak ni Jonis, kayo'y aking inaanyayahan upang samahan si Juzo. Maging saksi kayo sa kung paano dadaigin ng ating bida ang mga suliranin na darating sakanyang buhay. At kung papaano papasukin ng isang anghel ang magulo na buhay ni Juzo
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 747,623
  • WpVote
    Votes 46,626
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!