Anggecallme
- Reads 1,185
- Votes 121
- Parts 52
Namatay sa harapan ni Ahlen ang ama,naulila silang magkakapatid sa gitna ng malakas na ulan. Ang kanilang ina ay bigla na lamang nawala na hindi nila alam kung saan na ito dinala ng mga lobong sumugod sa kanilang bahay.
Lumipas ang dalawang dekada ay hindi pa rin alam ni Ahlen kung nasaan ang ina. Hindi siya tumigil sa paghahanap rito. Tahimik na namuhay sila magkakapatid sa probinsya ng kanilang Lolo na kalauanan ay pumanaw din dahil sa katandaan.
Naging abala si Ahlen sa pagmamanage na naiwan na negosyo ng abuelo hanggang sa dumating sa probinsya ang apo ng matandang katiwala ng mansyon.
Si Elis. Sa isang iskandalo na nasangkutan nito sa pinagtatrabuhan eskwelahan ay nagpasya ang dalaga na lumayo muna at magbakasyon sa probinsya ng kanyang Lola Ising kung saan nakilala niya ang binatang apo ng amo ng kanyang Lola.
Sa pagtagal na nakikilala ni Ahlen ang dalaga nakitaan niya ito ng ilan pagkakapareho ugali ng kanyang pinangungulilaan ina. Malambing,masiyahin at higit sa lahat tanggap nito ang hindi pagkaperpekto niya. Isang bagay na mas lalong nagpahulog ng loob kay Ahlen sa dalaga.
Aaminin kaya ni Ahlen na siya ang lobong nakita ni Elis ng gabing iyun? O ililihim na lamang dahil sa takot na baka iyun ang maging dahilan upang tuluyan bumalik sa siyudad ang dalaga.
Matagpuan na kaya ni Ahlen ang kanilang ina o gaya ng nangyari sa kanilang ama ay kailangan may magbuwis muna ng buhay bago maligtas ang buhay ng kanilang ina.
Magiging happy ending kaya ang pagmamahalan nina Elis at Ahlen? O mananatiling isang kwento lamang iyun at magiging isang nakaraan na parehong kakalimutan.