loveairaj
Bawat tao sa mundo ay may iba't ibang tadhana sa buhay na hanggang tumatanda sila ay 'saka lang nila nadidiskubre. Ang iba ay nagiging matagumpay sa larangan ng trabaho ngunit kabaliktaran naman sa pag ibig habang ang iba ay panalo sa sugal ng pag ibig pero wala naman binatbat pagdating sa trabaho. Hindi balanse ang mundo at kahit bali baliktarin man ang bilog na mundo ay hinding hindi ito magiging pantay.
Bilog ang mundo. Minsan nasa north pole ka, minsan naman nasa south pole ka. Isugal mo 'man ang lahat ay hindi sapat iyon para maging sang ayon sayo ang tadhanang hinihiling mo. Isipin mo nalang na nagmahal ka kaya nagkaganun at matatapos din lahat ng hirap kasi may kapalit itong maganda... pero bakit sa'min? Parehas kaming masaya at walang problema na magpapasira sa pag ibig namin dalawa.
Pero bakit humantong sa ganito? 'Yung dating maayos na domino na tinayo namin ay mabilis na natumba. Hindi na naisalba, hindi na...
#JonaxxLovers1stAnnivGame4