Lunar Blue
Christianxx3
- Reads 1,990
- Votes 242
- Parts 88
Bihira mang masilayan, mala-paraiso ang pakiramdam ng kambal na sina Deisy at Daina tuwing makikita nila ang blue moon. Isang buwan matapos pumanaw ang kanilang ama, nagkaroon sila ng alitan sa kanilang ina.
Bagamat nasasaktan, natuwa silang muling masisilayan ang blue moon kaya nagtungo sila sa simbahan ng Sta. Ana upang doon ito pagmasdan. Pagpasok nila sa loob ng simbahan upang manalangin, nawalan sila ng malay.
Pagdilat ng kanilang mga mata, isang binibining nagngangalang Florentina ang gumising sa kanila. Dito nila napagtantong sila'y nasa taong 1890. Ipinakilala sila ni Florentina sa kaniyang inang si Isabela, may-ari ng isang carinderia. Nang patuluyin sila ni Isabela, nakilala rin nila ang tatlo niyang anak na lalaki: sina Cordero, Claudio, at Crisanto.
Sa paglalim ng kanilang samahan, tila pag-ibig ang unti-unting umuusbong. Matututuhan din ng kambal ang sinaunang paraan ng pagluluto ng mga Filipino sa lumang kusina. Magiging daan kaya ito sa pag-ibig na maaaring mamagitan sa pagitan ng kambal at ng mga anak ni Isabela?
Gaano sila katatag upang harapin ang mga pagsubok na naghihintay sa kanila?
At paano nga ba magiging susi ang blue moon sa kanilang pagbabalik sa kasalukuyan?
Rankings!
#1-Nakaraan
#1-Panahon
#7-Oras
#10-Pinoy
Started: June 5, 2021
Published: July 4, 2021
Finished: December 26, 2021
Estimated Reading Time: 9h 56m
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT! Thank you so much!😍