ArishaBlissa
- LETTURE 6,308
- Voti 44
- Parti 3
Sa larangan ng psychiatry, iisa ang pangalang kinatatakutan at hinahangaan-Dr. Feliz Lynnel Vallejos, o mas kilala bilang Dr. Flynn. Isa siyang world-renowned psychiatrist na dalubhasa sa mga pinakamahirap gamutin na kaso ng Dissociative Identity Disorder (DID), matitinding psychological disorders, at psycho-hypnosis. Ilang beses na niyang isinugal ang sariling buhay upang iligtas ang isip ng mga pasyenteng unti-unti nang nilalamon ng kanilang mga trauma.
Matapos ang ilang taong pagpapakadalubhasa sa America, nagbalik siya sa Pilipinas na may iisang layunin-hanapin ang babaeng minsang naging buong mundo niya, si Astrid Viencantador. Ngunit ayon sa lahat ng kanyang pinagtanungan, matagal na itong nawawala sa Cebu.
Hanggang sa makilala niya ang pinakasikat na rising actress ng henerasyon, si Sefira Lawther-isang babaeng halos kapareho ng mukha, boses, at mga matang minsan na niyang minahal.
Sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ni Sefira na hindi siya si Astrid, hindi mapigilan ni Dr. Flynn ang paniwala niyang may itinatagong katotohanan ang babae. At habang pilit niyang binubuksan ang nakaraan, isa-isang mabubunyag ang mga lihim na matagal nang ibinaon sa limot-mga lihim na kayang sirain ang bawat katotohanang pinaniniwalaan niya.
Sino nga ba talaga si Sefira Lawther? At kung hindi siya si Astrid... nasaan na ang babaeng ipinangako niyang hinding-hindi niya titigilang hanapin?
---