silent_asdfghjkl
Prolouge:
Sa love, laging may pinipili yan. Minsan ang pinipili ng mga tao ay yung mayaman at maganda, actually di minsan, madalas ganon. Kaya ako, sobraaaaaaaaaaang lungkot ko. Yung lungkot ko, di mo mawawari. Umiiyak sa isang tabi, nagmumukmok at nakatulala. Ewan ko ba. Na inlove kasi ako sa boybestfriend ko. Di ko alam kung san nagsimula e. Basta ang laman ng utak ko, mahal ko na sya. Kayo? Na inlove na ba kayo sa bestfriend nyo? Kung oo, ang sakit no? Yung tipo na sayo nya sinasabi yung crush nya. Tas, yung crush nya pa ay yung Bestfriend mo din. Huhuhu T_T Diko alam kung aaminin ko ba sa kanya lahat kasi natatakot ako na baka pag umamin ako, umiwas siya at mawala lahat ng pinagsamahan namin. Haysss life nga naman parang buhay -.-