anonimaximum
Sa lumang hacienda, ang kapangyarihan ay laro ng kalupitan, sikreto, at dugo.
Sa araw-araw na pagyuko nina Ruel at Pia sa isang mayamang pamilyang walang puso, bawat segundo ay laban para sa dangal. Pero sa ilalim ng lumang lupa, may mas matagal nang nag-aabang-isang dilim na ikinulong ng isang matandang mangkukulam mahigit isang siglo na ang nakalipas.
Ang pangalan nito: Voghlirium.
Kapag ito'y nagising, walang kalupitan ng tao ang makakatalo sa gutom na dala nito.
Isang mabagal ngunit nakapapasong kwento ng libog, pagtataksil, at kababalaghan-kung saan ang buhay ay mapanganib, ngunit ang patay ay mas mapanganib pa.