HazelLico7's Reading List
200 stories
For There's Only You - Antoinette by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,904
  • WpVote
    Votes 173
  • WpPart
    Parts 11
Pitong taon na ang nakalilipas nang tumakas siya sa kasal na itinakda sa kanya ng kanyang ama at pinili ang makapagtrabaho sa Texas bilang isang nurse. At sa loob ng mga taong iyon, noon lang siya umuwi. Tinapos muna niya ang kanyang kontrata at hindi na muna muling pumirma. Kumusta na kaya ang Daddy? Galit pa kaya ito hanggang ngayon? Ni isa sa mga sulat niya at tawag ay hindi nito tinugon simula nang umalis siya ng San Jose...
Balikan Natin Ang Kahapon - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,809
  • WpVote
    Votes 117
  • WpPart
    Parts 12
Sa Ermita, lugar na dating kinatitirikan ng naggagandahan at nagtatayugang mansivon, unang nakita ni Constantina si Victor. Inibig niya ang binata, ngunit nanatiling nakatago sa dibdib niya ang pag-ibig na iyon dahil may alitan ang kanilang mga ama. Naisip niyang may tamang panahon para sa pag-ibig na iyon at maghihintay siya. Darating ang panahon at magigiba rin ang mataas na pader na naghihiwalay sa kanilang mga tahanan. Ngunit nagkaroon ng digmaan. Nawasak ang lugar na kinalakhan niya. Naglaho ang kayamanan ng kanyang pamilya. At ngayon ay kaharap niyang muli ang binata. Ngunit hindi na siya isang senorita kundi isa nang alila. Paano pa niya sasabihin ditong kailanman ay hindi naglaho ang damdamin niya para dito gayong hindi na lamang pader ang naghihiwaiay sa kanila kundi agwat ng estado nila sa buhay?
Talahib 2: Where It All Began - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,169
  • WpVote
    Votes 70
  • WpPart
    Parts 12
"You're selfish, Andrew. Ayaw mo akong lumigaya. Ikaw ang selfish, Jessica. Pati damdamin ko gusto mong saklawan. I should hate you... How I wish I Could..." Debut ni Jessica. Imbitado ang mga Falcon na taga-Maynila. Masama ang loob ni Jessica kay Andrew dahil sa paninikis nito sa kanya kaya itinuon nito ang buong atensyon sa kapatid nito sa ama, kay Jan. But little dis she know na talagang maakit siya nang husto kay Jan. At sinong babae ang hindi? Mula sa pamilyang Falcon, charming, handsome and debonaire. Ang hindi niya alam ay sadya siyang inakit ni Jan Falcon upang pasakitang higit ang kinasusuklamang kapatid sa labas. Subalit paano matutuklasan ni Jessica ang totoong damdamin ni Jan sa kanya gayong bawat kilos nito ay puno ng pagmamahal? Paano si Andrew?
The Gonzales-Carredano Saga 1: Sweet Attraction - Fiorella by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,746
  • WpVote
    Votes 62
  • WpPart
    Parts 10
Alexis Carredano. A handsome playboy pilot. Isang gigolo na tila walang pakialam sa mundo. He never took anything serious... kabilang na ang mga babae. For him, women were just playthings he could easily discard. At hindi alam ni Jessica kung paano siyang nahulog sa karisma ng binata sa kabila ng taglay nitong mga kapintasan. Walang patutunguhan ang pag-ibig niya rito. Tulad ng iba'y paglalaruan din lamang siya nito. At hindi niya dapat kalimutang ikakasal na siya.
The Gonzalez-Carredano Saga 2: Till I Met You - Fiorella by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,473
  • WpVote
    Votes 65
  • WpPart
    Parts 11
Jaimie Carredano-beautiful, alluring, sexy, but a spoiled rotten rich brat! Sanay siyang nakukuha ang anumang magustuhan nang walang isinasaalang-alang na damdamin. Para sa kanya, isang laro lang ang pag-ibig. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Dr. Bren Austria. In all her life, ngayon lang naranasan ni Jaime na mabale-wala ng isang kabaro ni Adan. Parang walang epekto ang karisma niya kay Bren. The handsome doctor was aloof and distant. At ang problema-she fell in love with him. Ano ang gagawin ni Jaime? Was there a way to win his cold heart, kung mismong ang kanyang ama ay walang tiwala sa damdamin niya sa pagkakataong ito?
Tempting Faith - Almira Jose by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,802
  • WpVote
    Votes 44
  • WpPart
    Parts 10
"I'm guilty of doing a couple of crazy things in the past but not this. Pursuing you is the sanest thing I've done in my life ." Lumaking sheltered sa mundo si Faith. Graduate na siya ng college nang matikman niya ang wika nga ay tamis ng unang pag-ibig. And it was all through the courtesy of Andrew, ang ex-basketball star-turned-sports shop owner na isang araw pagkatapos niyang makilala ay pinaulanan agad siya ng romantikong atensiyon. He was quite a charmer. Walang kalaban-laban ang puso ni Faith. First crush, first suitor, first kiss, first love, first you-know-what-iyon ang binata sa buhay niya. Sa maikling panahon ay naging maligaya siya sa piling ni Andrew. Hanggang sa matuklasan niyang niloloko lamang pala siya ng binata. Pinakyaw na ni Andrew ang lahat ng "first" ni Faith. Pati ba ang first heartache niya ay kailangan din niyang ibigay sa binata?
When Will You Be Mine? - Raquel Panganiban by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,338
  • WpVote
    Votes 72
  • WpPart
    Parts 12
"You were young. Seventeen ka pa lang no'n... Yet, you aroused some kind of a strange feeling deep inside me... That's why I had to leave." Ang simpleng crush na naramdaman ni Shanna para kay Rae noong grade four siya ay umusbong sa isang pag-ibig. When she turned thirteen, she knew it was true love. Ngunit tila isang nakababatang kapatid lang ang turing sa kanya ng binata. Until her eighteenth birthday came. Hinalikan siya ni Rae sa mga labi... matagal at maalab. Pero bakit?
The General's Angel 3: Sterline Subido - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,427
  • WpVote
    Votes 35
  • WpPart
    Parts 10
"You're the most intelligent Subido and you' ve never done a single mistake." Tumimo sa isip ni Sterline ang sinabing iyon ng kanyang papa. Ngunit paano niya sasabihin dito na nagbago na ang lahat? Na mula sa mga libro ay inagaw na ang atensiyon niya ni Roderick Benjamin, ang lalaking sa unang tingin pa lang ay alam niyang hindi niya maaaring ipagmalaki sa kanyang pamilya. Ngunit huli na ang lahat. Hindi na niya ito makalimutan. Para bang nakatagpo ito ng permanenteng tirahan sa isip at puso niya at wala nang planong umalis doon. At ang mahirap sa lahat, palagi niyang natatagpuan ang sariling pumupunta sa bahay nito na alam niyang hindi ikatutuwa ng papa niyang heneral at ubod ng istrikto...
Make Believe That I Love You - Sharmaine Galvez by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,127
  • WpVote
    Votes 136
  • WpPart
    Parts 12
Awang ang mga labing tiningnan ni Abba si Zach. She was fully aware of his thick brows, hot eyes, perfectly pointed nose. And his lips... they were sinfully red. Parang kay sarap halikan nito. "Think he's gay!" Hindi siya/makapaniwala sa sinabing iyon ng sariling kapatid nito dahil masyadong guwapo ito. Sinundan-sundan niya si Zach sa resort para alamin kung ano nga ba ang tunay na gender nito. Pero masyado yata niyang sineryoso ang kanyang misyon dahil walang ligoy na nag-request siya ng halik mula rito. At nang pagbigyan naman siya nito, bukod sa nadiskubre niyang maling-mali ang kapatid nito, nadiskubre din niyang may isa pa siyang malaking problemain love siya rito. Kailangan niyang baguhin ang kanyang naunang misyon. Ngayon ay paiibigin naman niya si Zach.
My Love, My Hero Jared - Fiorella by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,168
  • WpVote
    Votes 92
  • WpPart
    Parts 11
Sa edad na disiotso, nagkaasawa at "nabiyuda" si Aila. Para lamang malaman pagkaraan ng limang taon na buhay si Jared; at nagbabalik ito sa buhay niya. A total stranger, with clear glasses, long hair and a sexy cleft chin with power over her. Isang banayad na haplos at nagagawa nitong paglaruan ang kanyang emosyon. Isang padamping halik at tumutugon ang kanyang katawan sa paraang hindi niya mabigyan ng katuwiran. At hindi niya alam kung bakit... kung bakit lahat ng katinuan niya ay naglalaho sa bawat sandaling ibinibilanggo siya ni Jared sa mga bisig nito. Ngunit sino ang misteryosang babae na may kinalaman sa naging buhay ni Jared sa loob ng nakalipas na limang taon? Ano ang motibo ni Jared sa kanyang pagbabalik?