y24773
Hindi sa lahat nang oras ay kung ano ang nakikita nang ating mga mata ay tama,minsan sa likod nang mga ngiti nang isang tao ay may natatanging lungkot,ang ipinapakitang tapang ay may katumbas na takot.Hindi lahat nang tao sa mundo ay nagpapakita nang tunay nilang emosyon,marahil kaya nila ito ginagawa dahil ayaw nilang mag alala ang ibang tao o kaya naman ay sadyang wala lang talagang maaring pagkatiwalaang tao ngayon sa mundo dahil kung sino pa ang mas malapit sa iyo ay siya pa ang naninira sa iyo.Ganito ang naging takbo nang buhay ni Akira M. Briones at ito ang storya nang aking buhay.