MostLike Reading list
15 stories
BLACK SOULS SERIES BOOK 1: KENTON DEL TIERRO (Ongoing) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 12,470
  • WpVote
    Votes 326
  • WpPart
    Parts 16
Nagulo ang tahimik na buhay ni Bullet mula nang tulungan niya ang isang kaklase sa pambubully ng isang mayabang na schoolmate nila. Sa pag aakalang kasabwat ng mga bully si Kent ay aksidenteng nasuntok niya ito sa mukha. Mula noon ay naging magulo na ang buhay niya dahil ang mismong leader pala ng Black Souls ang kinalaban niya. Kilala at kinatatakutan ang grupo ng Black Souls dahil ang mga ito ang mismong kumakalaban sa mga bully sa campus nila. Naging 'alipin' siya ng leader ng Black Souls na si Kent dahil na rin sa pagkakamaling nagawa niya. Hindi naman sana iyon problema sa kaniya dahil kayang kaya niyang harapin ang galit ng masungit na si Kenton Del Tierro. Pero unti unti ay nagbago ang tingin ni Bullet kay Kent nang makasama niya ito at mas nakilala pa. May soft side din naman pala ang suplado at gwapong leader na kinatatakutan ng marami sa campus nila. Natagpuan na lang niya ang sarili na naaaliw na sa mga pagsusungit ni Kent sa kaniya. Hinahanap hanap na niya ito kapag hindi niya ito nakikita. Pero kung kailan naman natutunan na niyang mahalin si Kent ay saka naman nila natuklasan na hindi sila pwede. Sa paglipas ng maraming taon ay muli itong bumalik. Nakahanda na raw si Kent na ipaglaban siya. Pero magagawa bang tanggapin ni Bullet ang isang katotohanan na pwedeng sumira sa pamilya niya? -soon to be published under PHR-
ETERNAL LOVE by BETHANY SY by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 1,491
  • WpVote
    Votes 30
  • WpPart
    Parts 4
Anong gagawin mo kapag bumalik si 'The Past'? Paano kung kahit anong iwas mo ay para kayong magnet na palaging pinagtatagpo ng tadhana? Yan ang malaking problema ngayon ni Jinee Park. Bumalik ang lalaking nag iisang minahal niya, si Trace. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkita ulit sila. Ang mas nakakagulat pa ay nalaman niya na magkapitbahay pala sila ni Trace. Gusto niyang sisihan ang tadhana dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan siya niyon. Problemado na si Jinee. Paano niya lalayuan si Trace kung ang mismong puso niya ang may ayaw na sundin ang utos ng utak niya?
A GANGSTER'S STORY (Soon To Be Published Under LIFEBOOKS publishing) UNEDITED  by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 494
  • WpVote
    Votes 13
  • WpPart
    Parts 2
Ako si Jackie. Isang simple at masipag na estudyante. Tahimik naman ang buhay ko magmula gradeschool hanggang ngayon na 4th year highschool na ako. Para sa iba ay boring ang buhay na mayroon ako. Nerd kasi ang tingin sa akin ng lahat. Eskwelahan at bahay lang kasi ang alam kong lugar. Kapag walang klase ay madalas na sa library ako nakatambay para magbasa ng libro. Pero isang araw habang wala pa kaming klase at abala ako sa pagbabasa ng paborito kong libro ay dumating ang teacher ko kasama ang isang matangkad at nakasimangot na lalaki. "Siya si Kenzo Charles Natividad, ang bagong kaklase ninyo." pagpapakilala ng teacher ko. Hindi ako nakapagsalita at tulalang nakatingin lang sa bago naming kaklase. Napakagwapo nito kahit tahimik lamang ito at matalim na nakatingin sa amin. Narinig ko ang pagkahulog ng libro sa mga kamay ko at ang pagtataka sa boses ng mga kaklase ko. Bigla ay parang nablangko ako. Iyon na ba ang tinatawag na love at first sight? Sa mura kong edad ay pwede na ba akong tamaan ng pana ni kupido? Tinamaan ako ng pana ni kupido sa isang ----napabuntonghininga ako---- sa isang gangster? At dito... dito nagsimula ang isang magulong kwento ng buhay ko kasama ang isang gangster na nagngangalang KENZO.
BE MY GIRL (COMPLETED)  by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 112,886
  • WpVote
    Votes 2,978
  • WpPart
    Parts 32
"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi siya naniniwala sa mahikang meron ang bracelet na ibinigay sa kaniya ng mabait na ginang. Kamalasan pa nga siguro ang dala ng bracelet sa kaniya dahil ng unang beses na ginamit niya iyon ay bigla na lang iyon natanggal sa kamay niya matapos siyang pasukin ng isang manyakis na lalaki sa loob ng restroom cubicle. Naulit ang kamalasan niya nang muli ay magtagpo ang landas nila sa university kung saan siya nag aaral. Tristan Kai San Miguel pala ang pangalan ng manyakis na lalaki at nag iisang anak pa ito ng may ari ng eskwelahan nila. Aminado si Charity na totoong gwapo nga si Kai. Mestiso, matangkad at perpekto ang mukha nito. Lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang lalaki ay mayroon si Kai. Pero napakayabang nito at spoiled brat pa. Sa inis niya dahil palagi siya nitong tinatawag na babaeng mangkukulam ay bumigkas siya ng isang spell sa harap nito. "Magmula ngayon sa tuwing sasapit ang oras na 11:11 wala kang ibang iisipin kundi ako. Walang ibang sasagi sa isip mo kundi ang maganda kong mukha." seryosong sabi niya kay Kai habang nakatingin siya ng matiim sa mga mata nito at nakalapat ang isang palad niya sa kaliwang dibdib nito. Ang akala niya ay nagtagumpay siya na inisin ito. Pero bakit kahit siya ay apektado na rin sa gawa-gawa niyang spell? Hindi lang kasi niya naiisip si Kai tuwing sumasapit ang oras na 11:11. Minu-minuto pa!
THE HEIRS SERIES book 1: JACOB MENENCIO LEE (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 5,609
  • WpVote
    Votes 75
  • WpPart
    Parts 4
Dahil sa misyon na ibinigay ni don Alberto Lee kaya nagpunta si Lala sa Menencio Farm na matatagpuan sa Virac, Catanduanes. Kapalit ng negosyo na ipinangako sa kaniya ng mayamang Don ay kailangan niyang isama pabalik ng Maynila ang anak nito. Noong una ay inakala niya na madali lang ang misyon niya. Sino ba naman ang mag aakala na maliban sa napakagwapo ng tagapagmana ni don Alberto ay ubod din pala ito ng sungit. Parang palaging galit sa mundo si Jacob kaya hindi siya makalapit agad dito. May trust issue ang tagapagmana kaya daig pa niya ang dumadaan sa butas ng karayom sa tuwing susubukan niyang lapitan ito. Dahil hindi madaan sa pakiusap si Jacob ay isang paraan na lang ang naisip ni Lala para magtagumpay sa misyon niya. Aakitin niya ang gwapong tagapagmana. Pero maakit naman kaya si Jacob sa alindog niya?
BITTERELLA TRILOGY: BETTER DAYS WITH YOU by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 11,655
  • WpVote
    Votes 192
  • WpPart
    Parts 12
BITTERELLA TRILOGY BOOK 1: BETTER DAYS WITH YOU (Soon to be Published under PHR) Iniwan si Rubi ng ex boyfriend niyang manloloko kaya dumating siya sa point ng buhay niya na ayaw na niyang maniwala sa LOVE. Bitter siya sa pag ibig, pero hindi niya akalain na may aagaw sa trono niya. Si Luke, ang older brother ng kaibigan niyang si Ella. Prinsipe ng kasungitan si Luke kaya hindi niya akalain na magtatagpo ang mga landas nila at magigising na lang isang araw na mahal na niya ito. Pero paano niya aaminin kay Luke na mahal niya ito kung may hinihintay pala itong bumalik?
KISS ME UNDER THE RAIN by: BETHANY SY by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 614
  • WpVote
    Votes 9
  • WpPart
    Parts 5
Galit si Ashton sa sarili niyang ama. Mula pagkabata ay hindi kasi niya naramdaman ang pagmamahal nito. Nasa point na siya ng buhay niya na gusto na lang niyang magalit sa mundo at sirain ang buhay niya ng dumating si Miles. Binago siya ni Miles. Binago siya ng pagmamahal nito. Pero hindi pala sapat ang pagmamahal at pagbabago niya kay Miles. He need to sacrifice and forget his first love. Kung sana lang ay ganoon kadali 'yun....
LOVE FOR HIRE (COMPLETED) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 119,338
  • WpVote
    Votes 2,906
  • WpPart
    Parts 20
Itinuturing na isa sa pinakamaganda at matalino sa campus si Melody kaya hindi na nakapagtataka na magulat ang lahat ng maging malapit siya kay Train. May pagka-introvert at nerd kasi ang lalaki na kabaliktaran naman niya. Pero sa kabila ng lahat nang naririnig niya mula sa ibang tao ay pinilit pa rin ni Melody na pasukin ang tahimik na mundo ni Train. Nabigo man ng ilang beses ay nagtagumpay naman siya sa huliat naging close sila. Mabilis na nahulog ang loob niya kay Train at nang magtapat ito ng damdamin sa kaniya ay walang pag aatubiling sinagot niya ito. Inakala niya na wala silang magiging problema at habang buhay na magiging masaya s Pero nagkamali siya. Dahil dumating siya sa punto na kailangan niyang magdesisyon at iwan ito. Pagkalipas ng maraming taon ay muling bumalik si Train. Ibang iba na ito sa tahimik at nerd na Train na nakilala at minahal niya noon. Muli ay gusto ni Melody na pasukin ang mundo nito. Hahayaan pa rin kaya siya ni Train na gawin ang plano niya sa kabila nang ginawa niyang pagkakamali noon? ****** SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR PUBLISHING
THE FAKE SOCIALITE by BETHANY SY by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 3,783
  • WpVote
    Votes 62
  • WpPart
    Parts 6
Isang kilalang socialite sa bansa si Paris Del Roman. Sa kabila ng taglay niyang kagandahan at magandang buhay na tinatamasa ay nanatiling lihim sa lahat ang tungkol sa madilim niyang nakaraan. Lumaki siya sa lansangan at natutong magnakaw sa napakabatang edad. Sa tulong ng isang matandang lalaki ay nagawa niyang baguhin ang takbo ng buhay niya. Itinuring siya nitong parang isang tunay na anak. Ngunit wala pa siyang isang taon sa poder nito ay isang pangyayari ang kamuntik nang sumira sa buhay niya. May ipinainom sa kaniyang alak ang lalaking kadate niya at huli na nang matuklasan niya na may inilagay pala itong gamot sa inumin niya. Tumakas siya sa party habang nararamdaman niya ang epekto ng gamot sa katawan niya. Nag iinit ang pakiramdam niya at ang tanging paraan lang para mapawi ang init na iyon ay ang makipagtalik siya sa isang lalaki, kay Kiel. Isang gabi nang pagkalimot, iyon ang nangyari sa kanila ni Kiel. Pinilit siya nitong magpakasal pero naging matindi ang pagtutol niya. Ipinamukha niya dito na hindi niya ito gusto dahil maliban sa tauhan lang ito ng daddy Moises niya ay ayaw na rin niyang bumalik pa sa hirap. Pagkalipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang mga landas nila. Dahil sa kalokohang ginawa niya ay kay Kiel siya ipinagkatiwala ng daddy niya. Nawala ang yaman na tinatamasa niya. Ang magagarang damit at mamahaling mga alahas niya. Para siyang bumalik ulit sa hirap sa isang kisapmata lang. Kailangan daw siyang maturuan ni Kiel kung papaano mamuhay ng simple at matutong kalimutan ang pagiging sosyal niya. Ayos lang naman sana sa kaniya iyon, pero biglang naiba ang usapan ng isang araw ay matuklasan niya na pati ang puso niya ay tinuruan na rin nitong magmahal...
BLOSSOM IN MY HEART BY BETHANY SY by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 5,156
  • WpVote
    Votes 84
  • WpPart
    Parts 6
Hindi makapaniwala si Blossom na tuluyan nang mauubos ang pasensiya sa kaniya ng lolo Calixto niya. Laking gulat niya nang sabihin nito na ikinuha daw siya nito ng bodyguard na siyang magbabantay sa kaniya, twenty four--seven. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang makilala na niya ang bodyguard niya. Ang lalaking may kulay berdeng mga mata na si Claud. Kulang ang salitang 'gwapo' kung ide-describe niya ito, aminado naman siya sa bagay na iyon. Pero mas tuod pa ito sa robot at ang mas nakakainis ay parang walang dating sa lalaki ang beauty niya! Pero sa kabila nang pagpapahirap niya ay parang wala naman iyon epekto kay Claud. Madalas pa nga ay pinagtatakpan siya nito sa lolo niya. Ang sabi ng iba ay hindi daw posible na magkagusto ang isang prinsesang katulad niya sa isang katulad ni Claud. Pero hindi naman niya mapigilan ang puso niya na mahalin ito. At kung may hero at heroine ay may kontrabida din. Ang akala ni Blossom ay ang lolo niya ang magiging malaking problema sa pagmamahalan nila ni Claud, hindi pala. Nakialam ang tadhana at sinubok ang tiwala nila sa isa't isa. Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita ni Claud. Dapat na ba niyang aminin dito ang buong katotohanan nang paglayo niya noon o hahayaan na lang ito lalo pa at alam niya na hindi na siya ang prinsesa na nababagay kay Claud?