AoMizuki's Reading List
4 stories
Tula by slykay
Tula
slykay
  • Reads 191,521
  • Votes 2,598
  • Parts 64
Wattys 2017 Winner Published under Lifebooks TATANGAYIN kita patungo sa karagatan ng pag-ibig gamit ang mga salita hanggang sa muli kang malunod sa sakit at mga bakit. Pero ipapadama kong muli sa'yo ang sayang hatid ng piliin mong umibig. Kung papaanong kuminang ang mga mata mo ng una siyang masilayan. Balikan natin ang mga salitang bumuo sa kwento niyo pati na rin ang pait ng piliin mong lumayo. UURONG ka pa rin ba kapag iminulat ko na ang iyong mga mata? Tuklasin ang mga talinhagang sadyang pinagtakpan ang katotohanan. Ang mga saan na hindi mo natagpuan. Ang mga kailan na hindi mo naabutan. Ang mga paano na hindi mo naintindihan. At ang sino na hindi mo inasahan na papalit sa'yo. Katotohanang minsang binulag ng pagmamahal. LAKARIN mo ang hardin ng mga tugma na naging mitsya nang pagpapalaya mo sa kanya. Ang mga tanong na kailanman ay hindi niya binigyang kasagutan. Ang sakit na hindi mawala-wala. Mga luhang nag-iwan ng bakas sa iyong mukha. AT gamit ang mga tulang inilaan ko para sa'yo, ipapaalala kong muli ang iba't ibang uri ng pag-ibig na namamayagpag sa lipunang hindi natin namamalayan ay natin na palang nililimot kasama ng dating pag-ibig.
The Nine Wishes by BraveGoddess
The Nine Wishes
BraveGoddess
  • Reads 91,417
  • Votes 1,404
  • Parts 29
(Finished) Hindi mo malalaman ang halaga ng buhay hanggang sa minuto na lang ang matira sa iyo. Paano pag nalaman mong may taning na ang buhay mo? Hihintayin mo na lang ba hanggang sa mawala ka na lang na parang bula o tulad ni Cynthia Mendoza na tutuparin ang mga kahilingan niya. All rights reserved 2015 (c)Bravegoddess
BOYS OF EDEN (COMPLETED) by Pilyosopher
BOYS OF EDEN (COMPLETED)
Pilyosopher
  • Reads 2,217,295
  • Votes 37,614
  • Parts 75
Pumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekada, ay nagkakaroon ng palabunutan kung saan lahat ng mga babae mula sa iba't ibang parte ng mundo ang hindi makapaghintay. Ang mananalo sa palabunutan ay magkakaroon ng tiyansa na mag-aral sa mala-paraisong eskwelahan. Siya'y magsisilbing hukom sa mga natatanging aktibidades na ginagawa sa paaralan upang malaman kung kaninong grupo o paksyon ang susunod na makikinabang sa mga yaman ng naturang eskwelahan sa loob ng sampung taon. Ngunit nang mabunot ang pangalan ni Serene dahil sa kagagawan ng kanyang ina at kapatid ay tila babagsak ang kanyang mundo dahil sa siya'y Arrhenophobic. Tama! Siya ay takot sa mga lalake kaya gaano man naiinggit ang ibang mga babae ay kabaligtaran ito sa kanya dahil ang pag-aaral sa Eden Academy ay maituturing niyang bangungot. Makatagal kaya si Serene?
Avah Maldita (Aarte pa?) - Book Version by simplychummy
Avah Maldita (Aarte pa?) - Book Version
simplychummy
  • Reads 39,746,605
  • Votes 933,509
  • Parts 37
Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita.