author: cold_deee
8 historias
Christmas Lights por cold_deee
Christmas Lights
cold_deee
  • LECTURAS 33,359
  • Votos 2,948
  • Partes 26
Tatlong taon - sa mahabang panahon na ito ay nagkukulong lamang si Jam sa sariling mundo nila ng kanyang nobyo. Sa bawat araw na lumilipas, iisa lang ang uri ng pamumuhay na mayroon ito. Paulit-ulit. Walang nagbago. Ngunit, sino si Kim na biglang papasok sa buhay ni Jam bago sumapit ang Pasko? Ano ang magiging papel nito sa buhay ng bida nitong kwento? Si Kim ba ang magbabago sa pananaw ni Jam? Si Kim ba ang magiging dahilan para iwan ang kanyang nakasanayan? Kung ganoon nga ang kaganapan, paano ni Jam pakakawalan ang nobyo niyang si Sam? Magagawa niya bang kalimutan ang kanyang kasintahan? Ang kanyang kasintahan na matagal na niyang hinihintay na mayakap at mahagkan? Tunghayan ang isang kwento na magbibigay kulay sa ating Pasko. Kilalanin ang tatlong tao na tanging pagmamahal at inspirasyon ang magiging hatid sa inyo. **** This story luckily took the first spot and declared as the grand winner from the writing contest of Wattpad LGBTPh in the year 2016.
RESTRICTED CHAPTERS por cold_deee
RESTRICTED CHAPTERS
cold_deee
  • LECTURAS 102,061
  • Votos 2,025
  • Partes 10
Compilation po ito ng mga sensitibong bahagi ng ilang chapters ng sinulat ko. Dito ko nilagay ang mga eksenang hindi dapat mabasa ng bagets! hahahaha!
DUYAN por cold_deee
DUYAN
cold_deee
  • LECTURAS 24,820
  • Votos 1,458
  • Partes 15
[ Note: Ang kuwentong ito ay una kong inanunsiyo na may titulong 'POSITIVE'. ] Synopsis: Sa buhay ng tao, ang mga pagkakamali ay normal lamang. Ito rin ang mabisang daan upang tayo ay makakuha ng aral. Pero paano kung ang resulta ng mga pagkakamali sa nakaraan ay madadala na natin habang-buhay? Isang halimbawa na lamang ang nangyari kay Rex. Dahil sa pagiging mapusok at mapaglaro ay nakuha nito ang isa sa mga itinuturing na pinakamatinding sakit sa mundo. Hindi niya ito matanggap. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas. Pinili na lamang niyang sumuko lalo na at tinalikuran na siya ng lahat. Ngunit sa kalagitnaan ng pakikibaka niyang iyon, dumating naman ang isang taong handa siyang tanggapin sa kabila ng kanyang kondisyon ---- si Alexis. Ano-ano pa kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Rex? Sinadya ba ito o itinadhana? Pinagtagpo ba sila upang may mabuksang isipan? Nangyari rin ba ang pagkikita upang ang isang pangarap ay mabigyan ng katuparan? Tunghayan ang isang kuwentong maaaring magmulat sa atin sa reyalidad. Alamin ang pinagdadaanan ng mga taong nabibilang sa itinuturing ng marami na nasa ibang komunidad. Kilalanin sila at bigyan ng pagkakataon na sarili nila ay maihayag. COMPLETED: MAY 2018 PUBLISHED: AUGUST 12, 2018
The Forgotten Prince por cold_deee
The Forgotten Prince
cold_deee
  • LECTURAS 6,634
  • Votos 316
  • Partes 1
Short story nina Ian at Angelo. Paano kung sa paglipas ng panahon ay maramdaman mong tuluyan nang nawala ang pagmamahal mo sa isang tao? Handa ka bang iwan siya at magsimula ng panibagong buhay na hindi kasama ito? Ngunit, paano kung tuluyan na siyang nawala sa buhay mo? Paano kung sa pagkawala niya ay doon mo lang naisip ang halaga nito? Aasa ka pa bang maiibalik ang dati kahit alam mo nang ito ay imposible?
One Shot Stories by cold_deee por cold_deee
One Shot Stories by cold_deee
cold_deee
  • LECTURAS 17,572
  • Votos 785
  • Partes 6
Collection of short stories na bigla ko na lang naiisip. S'yempre, BXB po ito o may kinalaman sa LGBT. Maraming salamat sa mga magbabasa!
Taste of a True Love II (COMPLETED) por cold_deee
Taste of a True Love II (COMPLETED)
cold_deee
  • LECTURAS 651,914
  • Votos 23,817
  • Partes 42
|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan? Paano kung ang akala mong taong kinalimutan ka na ay magbabalik sa buhay mo para muling ipadama ang pagmamahal n'ya? **** Book 2 po ito ng story nina Xander at Tom. Bago n'yo po basahin ito, basahin n'yo muna po sa profile ko ang Book 1. Thanks guys! WARNING: Karamihan sa mga chapters na inyong mababasa ay drama. Kaya kung hindi n'yo po gustong maluha kahit isang beses, pag-isipan n'yo po muna kung itutuloy n'yo pa. Maraming salamat po! *MAY 2016 - NOVEMBER 2016* HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #154
NO STRINGS ATTACHED por cold_deee
NO STRINGS ATTACHED
cold_deee
  • LECTURAS 512,050
  • Votos 19,604
  • Partes 50
-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan nina Randy at Rigo na higit pa sa magkaibigan ngunit hindi nila mabigyan ng titulo? Si Randy Liam de Torres --- Matalinong tao kaya madaling naabot ang pangarap sa buhay na hinangad nito. Ngunit, sa kabila ng tagumpay ay iilan lamang ang nagmamalasakit dito. Iilang kaibigan lamang ang mayroon dahil sa hindi magandang pag-uugali nito. Mas ikinatutuwa niya kung siya ay isusumpa o kagagalitan. Pero sa kabilang banda, mayroon kayang nagtatago sa personalidad niyang ito? Mayroon kaya siyang mabigat na pinagdaanan sa buhay upang maging ganito? Kung mayroon man at atin iyong malalaman, patuloy pa rin kaya natin siyang kamumuhian? Si Rigo Silvestre --- Isang mayaman at tanyag sa larangan ng pagmomodelo at pagluluto. Iniidolo ng lahat dahil sa taglay na kababaang-loob. Maaari niyang makuha ang ano mang bagay o ang kahit sino kung gugustuhin lamang nito. Ngunit sa kanyang sarili, may isang bagay lang siyang gusto --- ito ay ang makuha at mapaibig ang taong sampung taon na niyang binabantayan dahil sa ito ang itinitibok ng kanyang puso. Tunghayan ang kanilang kwento na magbibigay kahulugan sa tunay na pag-iibigan. Saksihan ang samahang puno ng kulay tulad ng isang bahaghari na maaaring magbigay inspirasyon at magandang karanasan. Kilalanin si Randy na bida-kontrabida sa kwentong ito, at si Rigo na magpapa-ibig sa inyo. ***Side story po ito ng una kong isinulat na 'Taste of a True Love'. Pero maaari n'yo rin po itong basahin kahit hindi n'yo pa iyon nababasa. Salamat. HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #185 GENERAL FICTION: #82 Started: December 2016 Completed: December 2017
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED) por cold_deee
TASTE OF A TRUE LOVE (COMPLETED)
cold_deee
  • LECTURAS 768,486
  • Votos 24,720
  • Partes 35
[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging malaki ang parte ng pagiging buhay waiter ko. Trabaho lang naman ang gusto ko, pero bakit kailangan kong pakisamahan ang arogante at paiba-ibang ugali ng lalaking ito? [XANDER] Ano ba ang meron sa'yo at para kang tumatambay sa utak ko?! Lalaki ako! Nabigo man ako sa unang relasyon ay hindi naman dahilan 'yon para mapukaw mo ang atensyon ko dahil lalaki ako! Sige, tingnan ko na lang kung hanggang saan ang itatagal mo!! | Paano babaguhin ang buhay ng dalawang taong ito kung sa simula pa lamang ay mali na ang kanilang naging pagkikita? FEBRUARY 2016 - APRIL 2016 HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #138