Reading List ni alphabangkura
3 stories
Evil Greninja Strikes (The Sequel) by SylveonThePokemon25
SylveonThePokemon25
  • WpView
    Reads 2,241
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 2
This is the Sequel to "Evil Greninja Strikes"! I hope ya enjoy!~ (And p.s: if ya don't wanna see the naughty parts, or if your that naughty guy/girl who wants to see it....read it if u dare~)
Zack and Sab ( Original Story ) by Toyantz by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 414,471
  • WpVote
    Votes 5,246
  • WpPart
    Parts 37
Zackarias Hidalgo - Mahirap ngunit pursigidong makapag aral. Mabait at masunuring anak. Tapat at maasahang kaibigan. Sabina Robles - Anak ng amo ni Zack. Spoiled. - - Lumaki si Zack sa poder ni Ditas. Sa dami ng hirap na pinagdaanan nito, tumatak na sa kanyang isip na kailangan nyang ibalik ang paghihirap na pinuhunan ng ina. At ito ay sa pamamagitan ng pagtatapos ng pag aaral. Sinuwerte namang may isang mabait na lalaking tumulong sa kanya. Si Saimon Robles, isang negosyante. Dahil sa kabutihang loob at awa ng lalake, kinupkop nya ang mag ina kapalit ng pagsisilbi nito bilang kasambahay. Tuwang tuwa si Zack at Ditas sa ideya. Makakapag ipon sila para sa pag aaral ng binatilyo. Ngunit may mas magandang offer si Saimon. Libreng pag aaral ni Zack kapalit ng pag aalaga nito sa kanyang nag iisang anak. Si Sabina. - - Kung tutuusin, madali lamang kay Zack ang lahat. Babantayan lamang nya ang mga kilos ni Sab habang nag aaral. Madali lang ito dahil sa iisang eskwelahan lamang sila. .. Planado na ang lahat. Kapag nakatapos sya ng pag aaral, gagawa sya ng paaran para matupad ang pangarap na maging Doktor. Ngunit nagkamali si Zack. Ang simpleng pagbabantay nya kay Sab ay naging kalbaryo. Ang pagtinging kapatid na inuukol nya para dito ay nagbago sa paglipas ng panahon. Ang pagtinging kapatid ay napalitan ng paghanga sa unti unting paglitaw ng ganda ng dalagita. Hanggang ang paghanga ay nauwi sa pagmamahal. - - Ito ang pinakamalaking suliranin ni Zack. Paano nya ipagtatapat ang nararamdaman sa among si Sab ? Kung sakaling maipagtapat nya, may pag asa ba syang mahalin din nito ? Paano na ang mga magulang ng dalagita ? Paano kung magalit ang mga ito sa kanya ? Paano na ang kanyang pag aaral ? Paano na ang kanyang pangarap ? Bakit maraming tanong ang author na alam naman nya ang sagot ? ? Di ba parang tanga na lang ? Pwedeng basahin nyo na lang ?
Zack and Sab - Book 2 by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 28,297
  • WpVote
    Votes 424
  • WpPart
    Parts 4
Dahil na rin sa kasipagan at pagtyatyaga, dagdag pa ang tulong ng mga tapat na kaibigan, naabot na ni Zack ang matagal na nyang pinapangarap, ang maging Doktor. Nagkaroon sya ng anak sa nag iisang babaeng kanyang inalayan ng wagas na pagmamahal. Ngunit may isang pangyayaring hindi nya akalaing magagawa nito. At dahil dito, sinumpa ni Zack ang hindi na muling magkikita pa ang mag ina. - - Sa tulong ulit ng mga kaibigan, lumipas si Zackarias patungo sa America para duon na manirahan. Kasama ang anak, sinikap nyang mamuhay ng normal at masaya. Sinikap nyang kalimutan ang naging sanhi ng pagkapira piraso ng kanyang pagkatao. - - Maraming taon ang lumipas. Na-miss ni Zack ang buhay sa Pinas kaya nagpasya syang umuwi dala ang anak. Naisip nya ring kunin ang ina na matapat pa ring naninilbihan sa dati nilang amo. Maayos na ang kanyang mga plano. Magsasama sila ng anak at ina sa bagong biling bahay malapit sa mga kaibigan. Kalilimutan ang mapait na nakaraan at magbabagong buhay. - - Ngunit nagkamali si Zack. Ang akalang maibabaon nya sa limot ang nag iisang babaeng dumurog sa kanyang puso at pagkatao ay hindi nya pala magagawa. Dahil may buhay na alaala ito na nasa kanyang pangangalaga. Yun ay walang iba kundi ang kanyang nag iisang anak. Mahal na mahal ni Zack ang bunga ng kanyang pag ibig sa babaeng minsan nyang sinamba. At para dito, kailangan nyang harapin ang pinakamalaki nyang takot. Kailangan nyang harapin ang ina ni Zab. Kailangan nyang harapin si Sabina.