Kinta428's Reading List
195 historias
Legend of Divine God (Vol 16: The Thirteenth Emperor) por GinoongOso
Legend of Divine God (Vol 16: The Thirteenth Emperor)
GinoongOso
  • LECTURAS 896,333
  • Votos 129,140
  • Partes 152
Synopsis: Kinilala na ang ikalabintatlong emperador, at iyon ay walang iba kung hindi si Finn. Siya ang pinili ng kalangitan na magtaglay ng espesyal na kapangyarihan at titulo dahil napagtagumpayan niya ang huling hamon ng Land of Origins na talunin ang Evil Jinn. At sa kaniyang pagdating sa divine realm, samu't saring pagsubok kaagad ang kaniyang kahaharapin upang maprotektahan ang kaniyang mga kasama, kayamanan, at titulo. Bagong mga kalaban ang kaniyang makakaharap, at bagong mga kakampi ang kaniyang makakasama sa pagsasakatuparan niya sa kaniyang mga layunin. Sa pamamagitan ng espesyal na kapangyarihang kaniyang natanggap, maghahatid siya ng malaking pagbabago sa divine realm. Ipapakita niya na hindi siya dapat kalabanin, at ipapaalam niya kung bakit siya ang pinili ng kalangitan bilang magiging pinakamakapangyarihang nilalang sa hinaharap. -- Date Started - July 1, 2024 (Wattpad) Date Ended - ??
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy) por GinoongOso
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)
GinoongOso
  • LECTURAS 1,034,722
  • Votos 155,159
  • Partes 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isang malaking delubyo. Kaniya-kaniya nang pagpapalakas ang bawat naghahangad ng kapangyarihan at katanyagan. Si Brien Latter na hanggang ngayon ay may misteryosong katauhan ay mayroong binabalak para si Finn ay wakasan. Palaki na nang palaki at palakas na nang palakas ang hukbong pinamumunuan nina Ashe at Tiffanya. Habang si Finn, sinisimulan niya na ang pagpapaunlad sa kaniyang sarili at sa New Order para paghandaan ang nalalapit na9 digmaan. Sa huli kung saan isa lang ang maaaring hiranging karapat-dapat, sino kina Finn, Brien, Ashe, at Tiffanya ang magwawagi? Isa ba sa kanilang apat...o mayroon pang ibang karapat-dapat? -- Date Started(Wattpad): December 10, 2023 Date Ended(Wattpad): June 7, 2024
Dark Link por grimmreaper18
Dark Link
grimmreaper18
  • LECTURAS 965
  • Votos 96
  • Partes 12
Metaverses are immersive three-dimensional virtual worlds in which people interact as avatars with each other and with software agents, using the metaphor of the real world but without its physical limitations. The "Dark Link" universe is an unknown world of gaming which pops out of knowhere and turns it into livelihoods of everybody when treasures they can find inside can be produced as real moneys in the real world. Egroeg is one of the special boy that can link himself directly into this world and with his new partner, Liam, they explore the hidden depths of the Links hoping to find clues of where and what exactly is the real truth behind this world, they got involved with.
Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods] por GinoongOso
Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]
GinoongOso
  • LECTURAS 560,455
  • Votos 95,614
  • Partes 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng pinagmulan. Dahil sa mga napagtagumpayan ni Finn, tatlo sa kilalang puwersa sa Land of Origins ay kaniya nang kaibigan. Mayroon silang kalamangan na wala ang ibang tagalabas; mayroon na silang pagkakaintindi sa kung ano man ang mayroon sa mundong kanilang ginagalawan. Ganoon man, marami pang hiwaga ang hindi pa nila natutuklasan-at isa na sa mga iyon ang mga naiwan ng mga diyos sa Land of Origins na ngayon ay isa-isang tutuklasin ni Finn at New Order. -- Date started: August 1, 2023 (Wattpad) Date ended: November 8, 2023 (Wattpad) --
Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden Spell por 1tedcrow
Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden Spell
1tedcrow
  • LECTURAS 7,318
  • Votos 981
  • Partes 9
(Volume 2 of 3) Treasure Hunter Volume 2: Book of Forbidden Spell. Matapos na malaman ni Kian at ng kaniyang mga kaibigan na wala ang mahiwagang libro sa toreng kanilang pinuntahan, kaagad nakapagdisiyon si Kian na hanapin ito. Ayon kay Averi, ang Elf na tagapagbantay ng libro, kinuha ito ng isang matandang wizard na namamahala ng isang sikat na paaralan. Walang ibang paraan kung hindi ang hanapin ang libro sa paaralang iyon. Naghiwalay na sila ng landas na tatahakin sa pagkakataong ito. Nakapagdisiyon na si Kian na magaral sa paaralang ito. Ang Faunus Academy na matatagpuan sa kaharian ng Norteria. Hindi siya pupunta doon upang matutunan ang ibat ibang spell. Papasok siya upang gawin ang isang misyon. Ang hanapin ang mahiwagang libro.
Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed) por 1tedcrow
Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)
1tedcrow
  • LECTURAS 59,984
  • Votos 7,059
  • Partes 43
(Volume 1 of 3) Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map Synopsis: Isang mundo, limang kontenente, at ibat ibang nilalang. Mga kayamanang hindi pa natatagpuan, at mga bagay hindi pa nadidiskubre. Tunghayan natin ang pakikipagsapalaran ni Kian, isang treasure hunter na pangarap ang tuklasin ang misteryong nababalot sa mundo ng Terratron. Matutupad niya kaya ang kaniyang pangarap sa tulong ng pambihira niyang kakayahan? Basahin ang unang yugto ng kaniyang pakikipagsapalaran.
Legend of Divine God [Vol 13: Land of Origins] por GinoongOso
Legend of Divine God [Vol 13: Land of Origins]
GinoongOso
  • LECTURAS 801,148
  • Votos 145,479
  • Partes 142
Synopsis Sa pagpapakita ng Land of Origins o ang tinatawag ding mundo ng pinagmulan ng lahat bagay, si Finn at ang New Order ay naghahanda na para sa isang mapanganib na pakikipagsapalaran sa mundong ito. Tutuklasin nila ang misteryong bumabalot lupaing ito, at gagamitin nilang magandang oportunidad ang paglalakbay rito upang ipakilala ang New Order sa sanlibutan. Iba't ibang puwersa mula sa iba't ibang upper realm ang kanilang makakasalamuha. Nakatakda na silang magkaroon ng mga kakampi at kaaway, at handa silang gawin ang lahat upang mapili sila ng Land of Origins bilang magiging pinakamalakas na adventurer sa hinaharap. -- Started on wattpad February 1, 2023 - ??
Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia] por GinoongOso
Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia]
GinoongOso
  • LECTURAS 432,029
  • Votos 84,462
  • Partes 102
Synopsis Dahil sa kagustuhang makasama ang kanyang tiyuhin at kapatid, tinanggap ni Finn ang misyon ni Auberon para sa pitong pangunahing miyembro ng Order of the Holy Light na magtungo sa Holy Land of Erekia para imbestigan ang hindi pagpaparamdam ng grupo ni Oriyel. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa lugar na iyon, pero buong tapang nilang tinanggap ang misyon dahil sa kanilang responsibilidad na protektahan ang nasasakupan ng Order of the Holy Light. Magagawa ba nila ang kanilang misyon sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong impormasyon? O mapapagaya sila sa grupo ni Oriyel na hindi na nakapagparamdan dahil sa isang trahedya? --
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3 por Jilib480
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3
Jilib480
  • LECTURAS 11,732
  • Votos 1,525
  • Partes 34
Sa mundong ginagalawan ni Wong Ming sa kasalukuyan, ano ang maaari niyang gawin upang maisalba at maisaayos ang mga bagay na maaaring ikapahamak ng sarili niya, ng Wong Family at ng buong Golden Crane City sa hinaharap. Paano na lamang kung ang pagtulong niya sa ama niya sa loob ng Ashfall Forest ay maghahatid sa kaniya ng matinding panganib na ngayon niya lamang mararanasan. Makakaya niya kayang lampasan at maunawaan ang kakaiba ngunit nakakapangilabot na mga pangyayaring babago at huhubog sa sarili niyang pag-unawa?
REION: The Immortal Adventurer por Binibining_Bi-po09
REION: The Immortal Adventurer
Binibining_Bi-po09
  • LECTURAS 9,824
  • Votos 1,900
  • Partes 18
Si Reion ay isang batang nagmula sa angkan ng mga karaniwang adventurer na may mga mabababang kultibasyon, hindi nya nakilala ang kanyang ama at tanging ang kanyang ina lamang ang nagtaguyod sa kanya kasama ang kanilang mga kaangkan. Sa murang edad ay pinangarap nya ring maging malakas katulad ng mga kwentong naririnig nya sa kanyang mga tiyuhin na marami daw malalakas na adventurer sa kaharian. At upang maiahon din ang kanyang angkan sa pagiging mahina. Kaya nagsisikap sya at nagsasanay araw araw ng sa gayon ay makapasok sya sa pinakakilalang akademya sa kanilang lugar, at para mahanap din nya ang kanyang ama. Halina at samahan natin si Reion sa kanyang paglalakbay at pakikipagsapalaran upang maging pinakamalakas na adventurer sa kasaysayan. Sa lugar kung saan, ranggo at kayamanan ang basehan ng pagiging malakas. Sa lugar kung saan walang puwang ang mahihina at mabababang uring nilalang. Date started: June 12 2021 Date finished: