Tagaleg sweeties
3 stories
11 Klase ng Tao sa Simbahan by mingming19
mingming19
  • WpView
    Reads 82,188
  • WpVote
    Votes 1,977
  • WpPart
    Parts 1
Sa ilang taon ko nang pagsisimba, ilan lang ito sa mga naobserbahan ko. Halina't basahin at tingnan kung alin ka sa listahan.
Kahit Nasaan Ka Man by ninyatippett
ninyatippett
  • WpView
    Reads 360,594
  • WpVote
    Votes 4,896
  • WpPart
    Parts 6
Maraming pangarap si Diana Robles-at hahabulin niya rin ang mga ito pagkatapos niyang tuparin muna ang pangarap ng pamilya niya. Halos tatlong taon siyang nagsipag sa Canada para patapusin ng college ang mga nakababata niyang kapatid. Ngayong abot-kamay na niya ang katuparan ng mga pinangako niya, dadalhin muna siya ng tadhana sa isang malaki at malungkot na bahay para sa isang huling cleaning assignment bago siya magbakasyon. Sa bawat bisita, hindi lang niya nililinis ang bahay ng isang taong walang panahon sa kahit ano maliban sa trabaho-sisimulan niya rin ang isang kakaibang pagkakaibigan sa lalaking tutulak sa kanya na suriin ang lahat ng mga plano niya sa hinaharap. Pero bago masiguro ni Diana ang totoong gusto ng puso niya, may masamang balita na hihila sa kanya pauwi sa Pilipinas. Sa bisig nang mapagmahal niyang pamilya, sa gitna ng mga alaala nang nakaraan at ang tawag nang bagong buhay niya, susubukang tuklasin ni Diana kung saan naghihintay ang puso bago siya unang mahanap nito.
Kampilan: Lihim at Misteryo by JaycDeLente
JaycDeLente
  • WpView
    Reads 26,586
  • WpVote
    Votes 1,784
  • WpPart
    Parts 22
| Fantasy | Mystery | Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Transferee si Arabella sa kilalang unibersidad na kanyang pinapasukan sa Manila. Ngunit hindi lamang ang pagpapatuloy ng kanyang kurso ang kanyang dahilan at pinag-iinteresan kung bakit naroroon siya ngayon. Meron siyang kailangang malaman at maungkat upang mabigyang linaw ang kanyang nakaraan--ang kanyang pamilya at ang taong nagdulot ng pasakit at hirap sa kanya na hanggang ngayon ay patuloy niyang pinagdaraanan. Umaasa siya na kapag nagawa niya iyon ay matatahimik na siya at tuluyan nang magkaroon ng closure ang kanyang nakaraan. Ngunit madaragdagan pa ang komplikasyon sa kanyang mga interes nang makilala niya ang ilang popular na mga estudyante at iba pang kilalang personalidad, pagtripan at pagselosan ng ilang kababaihan dahil sa pagiging kaswal niya sa kilalang guwapong modelo, at maugnay sa mga nilalang na napanood niya sa telebisyon kamakailan lamang: ang Kampilan. COVER: Photos/DigitalArt by © Jay-c de Lente