JorieFernandez9's Reading List
144 stories
Substitute Groom [COMPLETED] by REDShuffy
REDShuffy
  • WpView
    Reads 514,392
  • WpVote
    Votes 9,507
  • WpPart
    Parts 43
Naranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung totoo, pero may nararamdaman ka na sa kanya? At sa panahon na yun, makikita mo ulit ang real groom mo na inaakala mong first love mo. Aalisin mo ba sa buhay mo ang substitute groom mo at ipapalit mo ang real groom mo? O gagawin mo siyang permanent husband mo si substitute groom?
Grow Old with You (published by PHR) by maryruthwrites
maryruthwrites
  • WpView
    Reads 155,568
  • WpVote
    Votes 2,555
  • WpPart
    Parts 11
Written: 2008 Published: 2009 under Precious Hearts Romances Ela hated Valentine's Day. Para kasing ipinamumukha ng araw na iyon na tigang ang kanyang buhay-pag-ibig-since birth. Habang ang kanyang mga kapatid at kaibigan ay masayang-masaya sa kanya-kanyang love life, siya ay nagmumukmok at tinatanong ang kapalaran kung kailan niya matatagpuan ang kanyang "The One." Hanggang isang araw, napansin niyang may nag-iiba sa kanya. Tinutubuan siya ng pagnanasa sa guwapong si Cyprien Sy. Nagsimula siyang maging aware dito at sa mga magagandang physical attributes nito na dati naman ay dead-ma lang sa kanya. Naiisip niya kung gaano kasuwerte ang babaeng magiging prinsesa nito sa resort na pamamahalaan nito balang-araw. Sa wakas yata ay sinagot na ng kapalaran ang tanong niya tungkol sa kanyang "The One." Okay lang sana ang lahat kung hindi lang nagkataong si Cyprien Sy ay ang kanyang best friend...
The One That Got Away  (Unedited) (Completed) by xoKALELxo
xoKALELxo
  • WpView
    Reads 64,028
  • WpVote
    Votes 1,289
  • WpPart
    Parts 9
Sa edad na sixteen, Toni was madly in love with Jun. Ngunit tutol ang kanyang mga magulang na makipagrelasyon siya rito. Napagpasyahan ng mga itong pag-aralin siya sa ibang bansa. Nang malaman iyon ni Jun ay niyaya siya nitong magtanan sila. For months they lived happily like a real married couple. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay bed of roses ang pagsasama nila. Sinubok iyon, lalo na ng problemang pampinansiyal. Still, they held on to each other. Hanggang sa isang araw, dumating ang ina ni Jun at pinakiusapan siyang layuan ang anak nito. Marami pa raw magagandang pangarap ang anak nito at hindi raw makakamit ni Jun ang mga iyon kung nakahadlang siya. Dahil sa pagmamahal niya kay Jun ay pinagbigyan niya ang hiling ng ina nito. Iniwan niya ito nang hindi nito nalalaman ang sakripisyong ginawa niya para sa pagmamahal niya rito... (This story contains mature scenes) (Published under PHR - 2012
Doctor, Heal My Heart (Published by PHR) Unedited Version by KaytWP
KaytWP
  • WpView
    Reads 112,121
  • WpVote
    Votes 1,931
  • WpPart
    Parts 15
"What have you done to my heart? Why can't I love anyone but you?" Hindi pa man nakikilala ni Hansen si Joanna, ang babaeng pinag-aaral ng kanyang mga magulang, mainit na ang dugo niya rito. Nagseselos siya sa atensiyong ibinibigay rito ng kanyang mama. Nalaman pa niya na pansamantalang ipinagamit sa babae ang kanyang kuwarto. Pagpasok nga niya roon ay iba na ang ayos ng kuwarto. Wala na rin ang kanyang mga gamit. Lalabas na sana si Hansen nang may pumihit sa doorknob. In-off niya ang lamp shade at nagtago sa likod ng pinto. Bumukas iyon at pumasok ang isang babae. Hindi man lang yata nito napansin na may ibang tao roon kaya basta na lang naghubad ng damit. Nanlaki ang mga mata ni Hansen at biglang nagbawi ng tingin. Ilang beses na siyang nakakita ng hubad na katawan ng babae, pero sa pagkakataong iyon ay parang nahiya siya. Pagkatapos magbihis ay binuksan ng babae ang lamp shade. At ganoon na lang ang pagkagulat ni Hansen nang si Joanna ang makita. Sisigaw na sana si Joanna pero mabilis niyang natakpan ang bibig nito. Kasabay niyon, parang may mainit na bagay na bumalot sa kanya sa pagdidikit ng kanilang mga katawan. Dahil ba sa kagandahang tumambad sa kanya? At bago pa ma-realize ni Hansen, hinahalikan na niya si Joanna sa mga labi...
I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 67,041
  • WpVote
    Votes 1,335
  • WpPart
    Parts 11
Unang na-in love si Zia sa boses ni DJ Gino. Taglay nito ang pinakamaganda, masuyo, at baritonong boses na narinig niya sa buong buhay niya. At nang makilala niya ito, hindi niya napigilang tuluyang mahulog ang loob dito. Ngunit may malaking problema - may mahal na itong iba. Nagmamahal ito sa isang babaeng may mahal namang iba. Sa kabila ng lahat, nakipaglapit siya rito. Para siyang gamugamo na patuloy sa paglipad sa paligid ng maliwanag na lampara, sa kabila ng kaalaman niyang baka mapaso siya sa huli. May pag-asa bang masungkit niya ang puso ng lalaking pinakamamahal?
Books & Plane Tickets & Us by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 62,061
  • WpVote
    Votes 2,230
  • WpPart
    Parts 17
#Lifegoals ang nangyari kay Hera pagkatapos niyang manalo sa isang raffle draw. Isang buwang adventure sa Malaysia, Singapore South Korea, San Francisco, USA ang nasungkit niya sa raffle. Sagot niyon ang hotel accommodation at ang pocket money niya. Pero may isang heavy baggage sa biyahe ni Hera, ang Spanish-Filipino tour guide niya na may deep-set blue eyes, adorable dimples, at sexy stubble beard: si Ymas. Mukhang Indio si Hera kapag itintabi rito. Vain, Iyon ang perfect description kay Ymas. Akala mo stepmother ito ni Snow White kung manalamin. Napag-alaman ni Hera na ka-share niya si Ymas sa lahat ng hotel accommodations nila. "Would it really kill you to sleep with me?" asik ng lalaki. "Oo! Madamot ako at ayaw ko ng sharing." Pero habang tumatagal na nakakasama niya si Ymas, nahuhuli ni Hera ang sariling mga mata na naglalakabay sa Spanish Adonis nitong katawan. Anak ng tipaklong! Nabubuo ang magnet atraction sa pagitan nilang dalawa. Hindi nagtagal, nabunyag ang sikreto sa pagkatao ni Ymas. At may anti-feminist agenda pala ito kay Hera.
The Cursed Bride (Published under PHR/Unedited Version)  by celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Reads 151,367
  • WpVote
    Votes 1,819
  • WpPart
    Parts 7
Published under PHR
Under Your Spell (Published under PHR/Unedited Version)  by celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Reads 80,441
  • WpVote
    Votes 1,818
  • WpPart
    Parts 11
Published under PHR
NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 75,357
  • WpVote
    Votes 1,470
  • WpPart
    Parts 18
"Bale-wala sa akin ang anumang haharapin ko para bumalik ka sa akin. Alam kong mahirap pero hindi ko kayang isuko ka nang basta-basta nang hindi man lang lumalaban." Dahil sa biglaang pagkamatay ng mga magulang, pinili ni Rakel na manirahan sa lola niya sa San Alfonso. Doon niya nakilala ang isang delinquent student sa kanilang eskuwelahan na walang ibang pinagkaabalahan kundi ang tumugtog ng gitara at kumanta-si MJ. Dahil sa mga di-inaasahang pangyayari, naging malapit sila sa isa't isa at lubusang nakilala ni Rakel ang binata na walang ibang pangarap kundi ang maging isang singer. Pero dahil sa murang edad, marami ang humadlang sa kanilang pag-iibigan at di-nagtagal ay nagkahiwalay sila ng landas. Sampung taon ang lumipas at may kanya-kanya na silang buhay. Si Rakel, isa nang journalist at malapit nang ikasal sa boyfriend niyang si Wallace. At si MJ, isa nang sikat na vocalist ng isang international rock band. Pero naging mapagbiro ang tadhana dahil muling nagtagpo ang kanilang mga landas. At sa pagkakataong iyon, haharapin na nila ang anumang hadlang para maituloy ang naudlot na pag-iibigan.
NIGHTINGALE TRILOGY book 2: MAGBALIK (UNEDITED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 99,399
  • WpVote
    Votes 1,615
  • WpPart
    Parts 23
"Handa akong pagbayaran nang buong buhay ko ang lahat ng kasalanan ko sa 'yo. Please, Bianchi Villanueva, pakasalan mo ako at maging alipin mo ako habang-buhay." Self-proclaimed man-hater si Bianchi. Bakit? Dahil wala namang idinudulot na maganda sa buhay ng mga babae ang mga lalaki! Mga paasa lang sila! Mga manloloko! Mga manggagamit! Bakit pa ba siya maniniwala sa mga lalaki kung buong buhay niya, namulat siya sa pagloloko ng isang lalaki. Hindi nga ba't kaya wala siyang kinagisnang ama ay dahil iniwan lang nito ang kanyang ina? At siyempre, may sariling pinaghuhugutan din si Bianchi dahil minsan na rin siyang naloko ng isang lalaki. Ang ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at guwapong si Taylor! Oo, inaamin niya, guwapo si Taylor. Eh, ano naman? Manloloko naman ito! Iniwan na lang siya basta, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila. Kaya hinding-hindi na siya maniniwala sa kahit kaninong lalaki! Kaya lang, pagkalipas ng limang taon, bumalik si Taylor sa buhay niya. Ito pa rin ang dating ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at oo, ubod ng guwapong si Taylor. Panay ang pa-cute ni Taylor sa kanya. Duh! As if naman magpapaapekto siya. Not in this lifetime. Lalo pa't ang puso niyang traidor ay tumitibok pa rin sa binata kahit na anong kaila ang gawin niya. But never will she ever admit it to him. Baka masaktan lang uli siya. Iyon nga lang, hindi pa man nalalaman ni Taylor na mahal pa rin ito ni Bianchi, nasaktan na agad siya. Paano, ang sabi ni Taylor, ibalik na lang daw nila ang dati nilang samahan. 'Yong samahan kung kailan naging mabuti silang magkaibigan. Ouch!