MithyGale's Reading List
1 story
Book 1 (My Madame Lady) : A Dreamer by MithyGale
MithyGale
  • WpView
    Reads 39
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 2
Mahirap maging mahirap. Hindi n'yo maiintindihan ang mga salitang ito kung hindi kayo nagmula o isang mahirap. Paano mo ba masasabing isa kang mahirap? Kapag isang beses lang ang kaya nyong pagkain ng kanin sa loob ng isang araw, at isang putaheng ulam ang nakalapag sa hapag kainan. Aba e, maswerte na ang buhay mo kapag ito ang naranasan mo. Dahil ang iba, ni ultimo bigas ay wala. Ulam pa kaya? Kapag ang ulam mo ay bagoong, o di kaya'y datu puti toyo na hinaluan ng konting mantika, o bangus na kapag binuhos mo sa mainit na kanin ay lalambot ng kusa, oo tama ka, bangus na sitsirya nga, well kapag sawa kana sa bangus may tilapia at LaLa pa naman na pagpipilian. Sa halagang piso, solve kana. Sa pagkain palang, mahirap na talaga. Mahirap kung saan at paano kukuha? Saan magsisimula? Paano ang gagawin? Unti-unti, sa panahong lumilipas, at sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ito at ito lagi ang nasa isip ko. Paano ang mamuhay? Kung ni ang pagkain ay napaka hirap? Nabuhay lang ba ako sa mundong ito para maghirap araw-araw maka-kain lang? May dapat ba akong sisihin? Kung oo, sino?