vladraven's Reading List
3 stories
Sweetheart 1 COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 905,910
  • WpVote
    Votes 13,584
  • WpPart
    Parts 21
Sweetheart 1 By Martha Cecilia "Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gifts, waltz and a song, promises and the very first kiss. All grew into a beautiful love noong eighteen siya under the stars and the moonlight. Mananatili ba ang magandang pag-ibig when she was already pregnant at eighteen at si Renz at tumalikod sa pangako?
Be My Valentine - Be My Honey by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 147,924
  • WpVote
    Votes 3,132
  • WpPart
    Parts 40
Meet Ico Abella, celebrity chef. Paano niya susuyuin si Missy na labis nagmahal sa kanya at labis ding nasaktan sa masakit na bintang niya? Namasukan si Missy kay Teddy na isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng halos buong isla. Iisa lang ang hangarin niya. Ang makapaghanap-buhay nang maayos para sa kanyang pamilya. *** Niligawan at minahal niya si Ico na pamangkin ni Teddy. Dahil akala niya, totoo ang pagtingin na iyon. Wala siyang kamalay-malay na bitag lang iyon. Sa paniniwala ni Ico, kagaya din siya ng ibang nauna. Kunwaring sekretarya pero mismong si Teddy ang puntirya. Isang oportunista na manghuhuthot sa batang-bata at binata pa ring negosyante. Lumayo siya na sugatan ang puso. Sumama siya kay Flint at gamit ang talento nila pareho sa pagkanta ay nagpalipat-lipat sila ng lugar para sa mga gigs. Hanggang sa muli ay magpakita sa kanya si Ico. He wanted to win her back. He even proposed marriage. Pero paano ba muling magtitiwala ang pusong labis na nasaktan? Tinanggihan niya ang alok nitong kasal. Pero pursigido si Ico na mabawi siya kay Flint... Be My Honey is the last installment of Be My Valentine mini-series. Cover credit: Yrecka Mei
I Love You To Death [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 157,030
  • WpVote
    Votes 5,498
  • WpPart
    Parts 46
Imbyernang-imbyerna si Marian sa mahaderang may-ari ng kakompetensiya niyang funeral parlor na si Aling Poleng. Tumitindi ang kompetensiya sa pagitan ng mga punerarya nila. Pabonggahan at iba't-ibang gimik ang ginawa nila para magpasiklaban at makakuha ng customers. Nang sa palagay niya ay nakakaungos na siya ay bigla namang sumulpot si Miguel, ang super hot guy na bagong embalsamador sa punerarya ni Aling Poleng. Kaya tuloy dinumog ng mga mahaharot na babae ang punerarya ng matanda at mukhang willing ang mga babae na mamatayan ng kapamilya para lang makapagpa-cute sa guwapong embalsamador. Bigla ay nauungusan na siya ng kalaban. Hindi niya matatanggap kung sakaling ma-bankrupt ang business niya nang dahil lang sa six-pack abs ni Miguel. Kaya naman sinubukan niyang i-pirate ito ngunit hindi pumayag ang binata. Sukdulang gamitin niya ang kanyang alindog para akitin si Miguel upang lumipat ang binata sa kanya. Kaya lang imbes na maakit sa kanya si Miguel ay siya ang naakit dito. Bigla ay natuklasan na lang niyang "patay na patay" na siya sa binata. Buhayin kaya ni Miguel ang pag-asa niyang umibig muli o patayin na nito nang tuluyan ang puso niya? ***THIS IS THE UNEDITED VERSION***