MysticGuRu
Sa bansang Arzenia, hindi mawawala sa mga history books nito si Heneral Hans, nabuhay mula taong 1525 hanggang 1545, s’ya ang itinuturing na “Arzenia’s Greatest Hero”. Isang binatang bumihag sa puso ng maraming babae at ng tiwala ng maraming hari mula sa iba’t-ibang bansa sa kanyang panahon. He led Arzenia to many decisive victories, kasama niya ang iba pang heneral… Pero ang isa sa pinakainteresanteng bahagi sa history ng Arzenia ay ang dalawang buwang pagkawala ni Hans.
Taong 2014, si Iris, isang Grade 9 student ang nainlove sa History subject nila dahil sa topic nila about kay Heneral Hans.. Pa’no kung magtagpo ang mga landas nila ? At ang nakaraan ay maging hinaharap, ang hinaharap ay maging bahagi ng nakaraan?
Witness as Hans, an exceptional guy, with exceptional life tries to have an average life as an average guy in 2014. Ano kaya’ng gagawin n'ya kapag malaman n'ya mula sa history book ang maaga n'yang kamatayan, kamatayang posibleng maidulot ni Iris, na sa mga sandaling iyon ay unti-unti na n'yang minamahal? He's only one mistake away from death....
--- P.S. hindi ako sang-ayon sa hindi happy ending, coz it leaves me crying and thinking about it for years… Maniniwala ba kayo? Puwes tunghayan ang istoryang pumasok sa isip ko nu’ng unang beses kong narinig ang kantang “Melodies of Life” ng Final Fantasy IX… (Actually may nagawa na ‘kong komiks nito, at nasa Volume III palang ako kahit 2006 palang tapos na ‘to sa isip ko, busy eh.. HAHAHA) ---
( ACROSS TIME AND SPACE – Originally titled The Boy From the Past
Second given title: Melodies of Life )