02StarPrincess
- Reads 3,459
- Votes 287
- Parts 46
Mayroong isang dilag na nagngangalang Mariel Louise Dy na mula sa Maynila. Isa siya sa mga myembro ng isang barkadahan na matatawag mong "solid". Binubuo ito nina Therese, Thea, KC, Francine, Issay, Raphael, Harvey, at Ryan Terial.
Masaya silang lahat, hinahangaan pa nga sila ng mga estudyante sa bawat paaralan na pinapasukan nila. Mula pagkabata ay natutuwa na ang mga tao dahil sa pagkakaibigan nila. Sa lungkot man o saya, magkakasama sila. Problema ng isa, problema ng lahat. Lahat may mga angking katangian na talagang mapapahanga ka.
Ngunit sa dilag na hangad lamang ay kasiyahan para sa mga tao sa paligid niya.. may hindi inaasahang pangyayari na sumubok sa samahan nila at sa takbo ng kanilang buhay.
Ang pagkabura nga ba ng alaala ay katapusan ng lahat? Siya ay nanirahan sa Estados Unidos upang mamuhay. Isang tao lamang ang kanyang kasama ngunit hindi ito naging parte ng kanyang nakaraan bago pa ito maaksidente.
Pagbalik niya muli sa Pilipinas, mai-ayos kaya ng tadhana ang mantsa sa kanyang utak? Maibalik kaya ang lahat? O may mga taong sadyang hahadlang sa kanilang buhay?
Nag-aral siya ng medisina nang hindi pa rin naibabalik ang memorya. Ang mga kaibigan niyang pilit siyang ibinabalik sa dati ngunit hindi sila nagtagumpay.
Ngunit pagdating sa iba't-ibang larangan.. sila'y lumaban. Tagumpay sa lahat ng bagay. Inabot ang pangarap kahit na may kakulangan sa kanilang grupo. Naging inspirasyon nila ang pagkawala ni Mariel Louise Dy. Ang nagpatatag sa kanilang samahan. Ang babaeng sumubok kung kaya ba nilang lagpasan ang ganitong problema.
Sa pagbabalik ng dilag, napagtanto na niya ang mga taong hindi niya mawari kung sino pero naging inspirasyon din niya upang maging matagumpay na isang mamamayan at hinahangaan na ng karamihan.
"Who are they?"
"They are my inspirations."