VincentTroaCarandang
Ito ay isang kapana-panabik na malaking kuwento tungkol sa paglalakbay ng isang ama sa iba't-ibang panahon upang pursigidong lutasin ang kaso ng pagkamatay ng kanyang anak at asawa na isinara na makaraan ang mahabang panahon. Matalino niyang nilutas ang iba't-ibang palaisipan hanggang sa katapusan sa kabila ng mga balakid ng makapangyarihang panahon. Kanyang matapang na tinawid ang tulay ng oras patungo sa iba't-ibang lugar at kapanahunan upang matuklasan ang mga bagay na makatutulong sa kanya sa paglutas sa misteryo ng pagkamatay ng kanyang asawa't anak. Ngunit aksidente siyang nahulog sa tulay ng oras nang siya'y babalik na sa kasalukuyang panahon dahilan ng kakulangan ng ibedensya sa kaso. Paano kaya niya malalampasan ang napakalaking suliraning ito na magdadala sa kanya sa kapahamakan? Saang panahon kaya siya dadalhin ng pangyayaring ito? Paano kaya niya malulutas ang kaso ng pagkamatay ng kanyang asawa't anak?Samahan niyo akong alamin ang buong kwento ng paglalakbay ng isang ama.