Penelope_DB
- Reads 816
- Votes 130
- Parts 9
Bata pa lamang sina Sandra Torres at Frio Torres ay ulila na sa kanilang mga magulang. Nasaksihan ng mag kapatid ang pag paslang ng mga hindi kilalang tao sa mga magulang nila. Ngunit walang nagawa ang mga ito kundi ang mag tago dahil sa takot.
Nang umalis ang mga taong ito, binalikan ng mag kapatid ang bangkay ng kanilang mga magulang ngunit laking gulat ng mga ito na sa ilang minuto lamang ay wala na ang mga katawan nila roon. Labis nila itong ipinag tataka. Maya maya pa ay may nakita silang ipit na hugis araw sa lugar kung saan nila huling nakita ang kanilang mga magulang.
Lumipas ang ilang taon at hindi parin tumitigil ang mag kapatid sa pag hahanap sa kanilang magulang. Naroon din ang pag asa na baka buhay pa ang mga ito at hindi naman tuluyang namatay. Hanggang sa isang araw, mayroong lalaki na dumating at sinasabing alam niya kung nasaan ang mga magulang nina Sandra at Frio.
Dinala ng lalaki ang magkapatid sa kaharian ng Orion. Ang lugar na ito ay kakaiba kumpara sa mundo na kinalakihan ng magkapatid. Hindi rin pang karaniwan ang mga nilalang na naninirahan dito.
Sa pag dating nina Sandra at Frio ay hindi lamang pag hanap sa kanilang mga magulang ang kanilang magiging layunin. Tutuklasin din nila ang mga misteryo sa kaharian at haharapin ang mga panganib na nandirito.
Alamin ang kwento ng pakikipagsapalaran, pagibig, pag kakaisa at mga misteryo na mangyayari sa kaharian ng Orion.