TheLionheartProject
- Reads 58,704
- Votes 1,380
- Parts 38
Naranasan mo na ba yung pakiramdam na may mahal ka pero hindi pwedeng maging kayo kasi maraming masasaktan?
Eh yung mahal nyo yung isa't isa, kayo nga, pero hindi nyo pwedeng ipagsigawan sa buong mundo kasi may image kayong iniingatan?
Yung mahal mo sya pero may mahal syang iba?
Tska yung mga babae na sa kaunting away o tampuhan, naiisipan nang makipag break?
Paano naman yung binigay mo na lahat pero hindi ka padin nya kayang mahalin?
At yung alam mong dalawa kayo pero hindi mo maiwan kasi sobrang mahal mo?
Walang perpektong relasyon.
Walang perpektong tao.
Walang forever.
Pero pwede kayang mag work ang isang relasyon kahit madaming hadlang?
Paano?
Paano kung magising ka na lang isang araw at malaman mong wala na ang mahal mo?
Sabi nila, ang pag ibig ay hindi dapat hinahanap. Dahil kusa yang dadating.
Sa tamang oras, sa tamang panahon.
Sa taong hindi mo inaakala na mamahalin mo ng buo.
Ako si Kate at ito ang aking kwento.