Red's Reading List
2 stories
SAPPHIRE: Battle Of A Heiress [ COMPLETED ] by red8hearts
red8hearts
  • WpView
    Reads 3,479
  • WpVote
    Votes 322
  • WpPart
    Parts 46
Siya si Sapphire, ang matagal nang nawawalang Mafia Heiress. Ngunit ang totoo niyan ay hindi naman talaga siya nawala. Nagtago siya, hindi dahil sa natatakot siya, kundi ang paghandaan ang araw ng kaniyang muling paglabas upang ipaghiganti ang taong naging dahil ng kaniyang pagkaulila sa magulang. Lalong-lalong na ang pumatay sa kaniyang mahal na ina. Sa kaniyang paglabas sa mundo ng reyalidad. Isang pagsubok sa kaniya ang pakikipagsalamuha sa mga taong hindi niya kilala. Nagkunwari siyang mag-enroll sa isang eskwelahan na pagmamay-ari ng kaniyang magulang noong nabubuhay pa ang mga ito. Dahil nga sa wala na sila, ngayon ay nasa pangalan na niya ito. Noong mawala ang mga magulang niya na dating nagpapatakbo ng eskwelahan ay hindi na alam ng mga tauhan dito kung sino ang humahawak ng eskwelahan. Sa kaniyang unang araw ng pagpasok ay mayroon siyang makikilalang dalawang taong magpapabago sa kaniyang buhay. Ang dalawang ito ay ang "nerd" na si Jade at ang "hyper" na si Steff. Sa panahon ng kanilang pagkakaibigan ay unti-unting magbabago ang pananaw niya sa buhay at ang kakayahan ng kaniyang pag-iisip. Isang araw, biglang magugulo ang lahat, dahil sa isang rebelasiyon tungkol sa mga totoong pumatay sa kaniyang ina. Wala siyang kaalam-alam na ang isa rito ay malapit lang pala sa kaniya. Paano niya tatanggapin ang katutuhan na isa sa mga pinagkakatiwalaan niya ay mayroon palang lihim na agenda tungkol sa kaniya? Paano niya haharapin ang mga taong naging dahilan ng pagkaulila niya? Anong desisyon ang kaniyang gagawin sa huli?
Fixing My Broken Heart [COMPLETED] by red8hearts
red8hearts
  • WpView
    Reads 724
  • WpVote
    Votes 33
  • WpPart
    Parts 20
Si Andrea at Vince ay masasabing match made in heaven. May almost perfect na relasyon. Kahit sino ay maiinggit sa pagmamahalan nilang dalawa. Legal at suportado na ng magkabilang magulang ang relasyon ng nila. Wala na silang hahanapin at mahihiling pa. Hanggang sa dumating ang araw na kinakailangang umalis ni Vince patungong States at doon na rin siya magpapatuloy ng kanyang pag-aaral at para na rin i-manage ang isa sa mga branches ng company nila kasama ang kanyang Daddy. Mahirap man ang Long Distance Relationship ay tiniis ng dalawang magkasintahan ang sitwasyong iyon para sa pagmamahalan nilang dalawa. Talaga bagang walang makakapagpigil sa kanilang nararamdaman para sa isa't isa kahit na ang distansya. Araw ng kaarawan ni Andrea, nangakong susurpresahin sya ni Vince sa araw na ito. Ngunit hindi sumipot ang nangakong binata. Umasa siyang uuwi ang binata para makasama siya sa araw ng kanyang mahalagang araw pero walang Vince na nagpakita. Makalipas ang isang araw ay bigla siyang pinadalhan ng mensahe ng kanyang Tita Olivia, ina ni Vince. Magkita raw sila at may ibinigay siyang isang liham galing sa kanyang anak na si Vince. Ano kaya ang nilalaman ng liham na iyon?