bastirock22's Reading List
5 stories
Finding Me - Puerto O Kahon (COMPLETED) by bastirock22
bastirock22
  • WpView
    Reads 617
  • WpVote
    Votes 34
  • WpPart
    Parts 15
Mag move-on lang ang tanging nasa isipan ni Genesis kaya siya pupunta sa Puerto Gallera. Pero isang kahon ang kanyang mapupulot at magdadala sa kanya sa isang malayong bayan. Dito niya makikilala si Bea ang may ari ng kahon. Makakatulong kaya si Bea sa pagmo-move on ni Genesis o matutulad lang din siya sa kahon na iniwanan na pala ni Bea?
My Love for China Eyes (COMPLETED) by bastirock22
bastirock22
  • WpView
    Reads 20,739
  • WpVote
    Votes 259
  • WpPart
    Parts 15
Isang prostrated beauty queen si Kelly Hope na hindi naranasan ang manalo sa alin mang contest na kanyang sinalihan. Dumagdag pa ang isang aksidente na naging dahilan para hindi siya makalakad at nagpababa ng kanyang moral. Hanggang sa makilala niya si Lyle, ang lalaking babago ng kanyang paniniwala sa buhay at tutulungan siyang muling makalakad. Pero malalaman niya na ito rin pala ang tao na naging dahilan kung bakit siya nabalda. Mapapatawad ba ni Kelly Hope si Lyle na natutunan na niyang mahalin? O magiging huli na ang lahat para sa kanila?
Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED) by bastirock22
bastirock22
  • WpView
    Reads 7,706
  • WpVote
    Votes 148
  • WpPart
    Parts 15
"Mataba, Baboy, Balyena, Butanding, Elepante etc"..ilan lang ang mga ito sa mga panunukso kay Lestat ng mga tao para makaranas siya ng matinding depresyon. Hanggang sa nakilala niya si Daisy, na kanyang naging inspirasyon para simulan ang pagpapapayat. Pero nabigo si Lestat kay Daisy. Dahil dito ay muling lumobo ang kanyang timbang at naglagay para manganib ang kanyang buhay. Pagkalipas ng apat na taon, ang dating overweight na si Lestat ay isa ng maskulado at isa ng gym owner. Dahil sa isang insidente ay nakilala ni Lestat si Chelsea, isang overweight na dalaga na dumaranas din nang matinding depresyon. Tutulungan ni Lestat si Chelsea na muling ibalik ang kumpiyansa nito sa sarili. Pero isang lihim ng dalaga ang kanyang matutuklasan. Kung bakit pinili nito na magtago sa Two Hundred Twenty pounds na katawan.
My Sungit Queen (COMPLETED) by bastirock22
bastirock22
  • WpView
    Reads 1,969
  • WpVote
    Votes 92
  • WpPart
    Parts 17
Sequel ng "My First Love's Funeral". Nagkakilala sina Kiko at Dianne sa isang bakasyon pero dahil sa isang insidente ay naputol ang magandang ugnayan ng dalawa. Isang araw ng pasukan, laking gulat ni Kiko nang makilala ang babae na pinopormahan ng kanyang bestfriend na si Edwardo, si Dianne pala. Hindi inamin ni Kiko ang totoo kay Edwardo at pikit-mata siyang nagparaya. Pero habang tumatagal ay mas lalo siyang nasasaktan na makita na masaya si Dianne sa piling ni Edwardo. Tuluyan bang magpapaubaya si Kiko o ipaglalaban niya si Dianne? Kaya ba niyang ipagpalit ang kanilang samahan ni Edwardo para sa isang babae?
My first love's funeral (COMPLETED) by bastirock22
bastirock22
  • WpView
    Reads 8,261
  • WpVote
    Votes 137
  • WpPart
    Parts 7
Bata pa lang si Allan ay may lihim na siyang pagtingin sa kanyang kaibigan na si Toni. Hanggang isang gabi ay maglalakas loob na sana siyang umamin sa kaibigan, pero isang trahedya ang nangyari para lumayo ang loob sa kanya ni Toni. Nilisan ni Allan ang kaibigan para magsimulang muli sa malayong lugar. Pagkalipas ng Sampung taon, isang text ang kanyang natanggap, "Tsong patay na si Toni". Isang text na nagpagimbal kay Allan at isang text para muli siyang bumalik sa Marikina. Habang nasa bus ay walang ibang nararamdaman si Allan kundi ang manghinayang at malungkot dahil hindi niya nasabi kay Toni ang kanyang tunay na nararamdaman. Pero isang pasahero ang kanyang makakatabi at makakasabay, si Cindy. Ano ang magiging papel ni Cindy sa buhay ni Allan? Matatapos lang ba sa isang biyahe ang kanilang ugnayan o mauuwi sa isang pag-ibig? Nakahanda ba si Allan na papasukin sa kanyang puso si Cindy o ang puso niya ay mapapako lang sa ala-ala ng namayapang kaibigan na si Toni?