iamJonquil
- Reads 5,193
- Votes 283
- Parts 14
Wala sa hinagap ni Hershey na ang simpleng panonood niya ng larong basketball ay ang simula rin pala ng pagtibok ng puso niya para sa magaling na basketball player na si Clert Bateronia.
Ang tinaguriang Mr. MVP sa kanilang buong campus. Parehas silang first year college. Iyon nga lang, mailap sa kaniya si Clert. Hindi nagpapadala sa pagpapa-cute niya.
Ngumingiti ito sa iba. Pero pagdating sa kaniya? Bokya. Hindi siya nito binibigyan kahit hilaw na ngiti.
Ang dahilan? Ayaw nito sa mayamang babae dahil na rin sa estado ng buhay nito. Kung ipinanganak siyang mayaman, kabaliktaran naman niya si Clert.
Ganoon pa man, hindi sumuko si Hershey. Tuloy ang pagpapapansin niya kay Clert. Dahil naniniwala siya na kapag may tiyaga, may isang Clert Bateronia!