VYMSESTY
- Membaca 2,667
- Vote 34
- Bab 7
DORMITORYO DE MUERTE
Ang Dormitoryo De Qilió ay naitayo noong 1927 na pagmamay-ari nina Lusteña Qilió at Solvinio Qilió.
Sa kasamaang palad, si Lusteña Qilió ay nasawi sampong taon pagkatapos naitatag ang Dormitoryo De Qilió, Ilang Buwan matapos ang pagkawala ni Lusteña Qilió ay nag-umpisa na ang trahedyang hindi akalain ng sino man.
Nagkanda sunud-sunod ang kamalasan at pagpatay sa naturang Dormitoryo, Kahit ang mga katabing bahay ng Dormitoryo ay nagsi-alisan dahil para sakanila ang Dormitoryo ay may sumpa at dalang kamalasan.
Kalaunan ang masigla at makulay na Dormitoryo ay unti-unti ng nawasak at naglaho. Madalang nalamang ang magkaka-interest na mangupahan sa nasabing Dormitoryo, at lahat ng mga nangupahan ay namamatay at nakakaramdam ng katakut-takot na pangyayari.
Sa mga nangyaring kagimbal-gimbal, Ang natitirang taga pamahala ng Dormitoryo De Qilió na si Solvinio Qilió ay ipinamana niya sa kanyang anak na si Viola Qilió, Ang nagiisang anak nina Lusteña at Solvinio Qilió, bago siya namaalam.
Pinalitan ni Viola Qilió ang pangalan ng Dormitoryo na DORMITORYO DE MUERTE, Nangangahulugang DORMITORYO NG KAMATAYAN.
Bakit nga ba pinangalanan ni Viola Qilió ng Dormitoryo De Muerte ang Dormitoryo De Qilió? Ano ang kanyang Dahilan?
ANG DORMITORYO by Vymsesty 2022.