RamApostol05
- Reads 1,032
- Votes 81
- Parts 12
Isang linggo nang may malubha at kakaibang karamdaman ang nobya ni Reynan na si Emmy. Makating-makati ang buong katawan nito kaya hindi nito mapigilan na magkamut nang magkamot na nagiging dahilan upang magsugat-sugat ang buong katawan nito.
Marami na silang napuntahang doktor subalit walang makapagpaliwanag sa nangyayari sa kanyang kasintahan. Wala rin ni isang espesyalistang makapagpagaling sa kanyang nobya. Dala ng kadesperaduhan, lumapit si Reynan sa isang albularyo, dahil sa isip-isip niya, kung hindi mapagaling si Emmy ng mga doktor na may kaalaman sa siyensya baka mapagaling ito ng "doktor" na may kaalaman sa mga supernatural na bagay.
Nang oras na makita ni mang Ramon si Emmy, nasabi nito na kinukulam ang minamahal niyang dalaga. May mga ibinilin ito sa kanya at isa na rito ay ang huwag na muna niyang palapitin ang kanyang nobya sa salamin. Huwag na huwag muna niya itong patitinginin sa salamin! 🎃
***
Date Started : August 21, 2022