QkotMan
- Reads 1,466
- Votes 28
- Parts 1
Noong unang panahon, mga 2 days ago, ay may isang babaeng hindi pa nakakaranas ngumiti. Ang pangalan niya ay Jeesa. Si Jeesa ay pinanganak na normal base sa tsismis ng kapitbahay nila. Mula daw noong ipinanganak ito ay hindi pa napagkikitaan ng kahit isang ngiti man lang. Ang sabi ng kanyang Nanay, base din sa aking masugid na pag-uusisa, ay masayahin daw na bata si Jeesa, talaga lang daw hindi niya kayang i-express ang nararamdaman niya gamit ang "facial expression" especially kapag ito ay may kinalaman sa pag-ngiti. Kahit ang mga kapatid nito ay sinasabing medyo nahihirapan daw sila kapag sinusubukan nilang magpatawa sa harap ni Jeesa dahil wala nga daw itong ibang ginawa kundi ang sumimangot. Naglakas-loob kaming kausapin mismo si Jeesa kung totoo ang ganitong paratang laban sa kanya. Pagkarinig ay natawa daw siya sa sinabi ko, pero nakasimangot pa din naman ang itsura niya. Nang itinanong ko kung ano ang ibig sabihin niya na bigla siyang natawa ay ganito ang kanyang pagkakasabi, " Grabe tawa ako ng tawa nung sinabi mo yan. Hindi lang halata sa itsura ko pero I swear I am laughing on the inside. As in grabe laugh out loud talaga. Nagkatinginan agad kami ng Nanay ni Jeesa nang marinig namin iyon. Tumalikod ako at nagkamot ng ulo at pailing-iling sabay walk-out.
Makalipas ang 10 taon, nabalitaan ko na hanggang ngayon tawa pa din daw ng tawa "deep inside" si Jeesa kahit na hindi halata sa mukha niya. And she lived happily ever after.
The end.