JonalynValdez829's Reading List
65 stories
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 275,029
  • WpVote
    Votes 4,979
  • WpPart
    Parts 39
"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony. Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal. Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!" Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony. Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.
The Knight of My Life (COMPLETED) by ashlenejavierPHR
ashlenejavierPHR
  • WpView
    Reads 199,263
  • WpVote
    Votes 5,370
  • WpPart
    Parts 25
Isang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena ba naman ng ginang na maging manugang siya?! Buti sana kung walang sosyalerang girlfriend ang anak nitong si Raniel na inirereto nito sa kanya...
WORTH THE WAIT (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 99,169
  • WpVote
    Votes 1,585
  • WpPart
    Parts 13
Isang sutil na binatilyo pa lang si Greyson nang makilala ito ni Leila. Leila was tasked to look after him. Tinanggap niya ang alok na iyon dahil nawalan siya ng trabaho at mapapalayas na sa inuupahang apartment. Pinagtiyagaan niya ang mga kalokohan ni Greyson dahil wala namang ibang nakatagal sa binatilyo. Sa katunayan si Leila lang ang nakapagpatino kay Greyson at sa kanya lang naramdaman ng binatilyo ang concern na hindi nito nadama sa sariling mga magulang. The inevitable happened. Nagpahayag ng pag-ibig si Greyson kay Leila. Una na iyong tinutulan ni Leila. Greyson was far too young for her. Seven years ang gap ng kanilang mga edad. Ngunit mapilit si Greyson. Dumating ang panahong hindi na rin mapigil ni Leila na mahulog ang damdamin sa binatilyo. Inaasahan na ang pagtutol ng ina ni Greyson kaya gumawa ito ng paraan upang mapilitang umalis ni Leila. Iyon nga ang ginawa ni Leila sa pag-aakalang makabubuti iyon sa kanilang relasyon. Umasa rin siya na sa muli nilang pagkikita ni Greyson ay magiging tama na ang panahon para sa kanilang pagmamahalan. Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita. At taliwas sa inaasahan ni Leila, kabaligtaran ang nangyari. Dahil ibang Greyson na ang kaharap niya-mula sa isang binatilyong labis na nagmamahal sa kanya ay isa na itong lalaking abot-langit ang pagkamuhi sa kanya...
IBIGIN MO AKO, LALAKING MATAPANG (MEN IN BLUE#26) COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 134,687
  • WpVote
    Votes 2,068
  • WpPart
    Parts 11
Kung ano-anong masasakit na salita ang palaging ibinabato ni Happy sa kababata niyang si Garret. Ngunit kung anong inis niya rito, siya namang pagkagiliw ng tatay niya rito. Si Garret ang palaging kasa-kasama ng tatay niya sa pagkakarpintero. "Kahit ano'ng sabihin n'yo, ayoko pa rin sa Garret na 'yon. Ayoko sa lahat iyong taong walang modo, basagulero, at walang ambisyon sa buhay." Lumipas ang mga taon. Isa na siyang matagumpay na arkitekto. Sa pagkakataong iyon ay muling nagkrus ang mga landas nila Garret. Ibang-iba na ang lalaki sa Garret na nakilala niya noon. Mukhang kakainin yata ni Happy ang mga sinabi niya noon tungkol sa lalaki dahil sa kakaibang damdaming nararamdaman niya rito...
Trapped in a Vengeful Heart by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 430,612
  • WpVote
    Votes 6,218
  • WpPart
    Parts 33
(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay dinukot at binihag niya ang pinakamamahal nitong fiancée na si Gianna at dinala sa kanyang pribadong isla. Pero sa araw-araw na nakakasama niya ang dalaga ay siya rin ang nahuhulog sa sariling bitag. He fell in love along the way with Gianna. Sa panibagong laban nilang iyon ng kanyang kakambal, masiguro pa kaya ni Caleb ang kanyang pagkapanalo?
I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 106,910
  • WpVote
    Votes 1,311
  • WpPart
    Parts 11
Nakatakda nang ikasal si Ciarra nang muling sumulpot sa landas niya si Miguel, ang kanyang kababata at ex-boyfriend. Ang malditong si Miguel ang kanyang first enemy, ang kanyang first love, first kiss at ang kanyang first heartbreak. Gaano man katagal ang lumipas na panahon, at gaano man niyang pilit na ikaila sa sarili ay na-realize niyang hindi pa rin nagbabago ang epekto ni Miguel sa kanya. Ito lang ang may kakayahang magpatuliro ng isip niya, ang magpa-excite sa kanya nang bonggang-bongga. Kaya lang, alam niyang hindi makatarungan na magpatuloy pa ang kahiwagaang dulot ni Miguel. Kailangan niyang iwasan ito dahil ikakasal na siya sa lalaking sa tingin niya ay mas karapat-dapat sa kanya.
That One True Thing by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 261,949
  • WpVote
    Votes 5,806
  • WpPart
    Parts 40
Nang magkaproblema si Psyche dahil sa inirereto ng mga magulang niya, i-v-in-olunteer ni Tep ang sarili nito na tulungan siya. Nag-click ang "loveteam" nila ni Tep. Napaniwala nila ang mga magulang niya, naitaboy ang inirereto sa kanya. At dahil yata masyadong na-internalize ni Tep ang role bilang boyfriend niya, tuluyan nang nahulog pati ang loob niya. Dahil sa nararamdaman niya, hindi na siya nag-isip. And they found themselves caught in a situation a lot more complicated than what they had initially planned.
Ang Aking Happy Ending  by Vanessa by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 741,305
  • WpVote
    Votes 11,861
  • WpPart
    Parts 32
"Just when you were all set to forget what you feel for me because I told you I can never love you did I realize that I'm in love with you. How's that for irony?"
My Favorite Bully by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 93,079
  • WpVote
    Votes 2,672
  • WpPart
    Parts 22
Colin is in love with Tyra, always has been and always will be. Simula pa lang no'ng matabang teenager pa siya hanggang ngayong hunk na siya, ito pa rin ang babaeng gusto niyang makasama. Pero aloof sa kanya si Tyra kahit alam naman niyang gusto rin siya nito. Ayon kasi dito, may "sumpa" raw ito at lahat ng lalaking napapalapit dito ay napapahamak. And she was right. Biglang nalagay sa panganib ang buhay niya na para bang may gustong pumatay sa kanya. Kung sino man ang mastermind niyon, sorry na lang pero wala siyang balak isuko si Tyra. Kahit pa literal niyang ikamatay ang pagiging malapit sa babae. He would die without her anyway since she is the love of his life.
MY STUPID BOSS by: Lee Ann Pradas by HeartRomances
HeartRomances
  • WpView
    Reads 311,321
  • WpVote
    Votes 7,082
  • WpPart
    Parts 31
LYKA SANDOVAL. Simple, maunawain, matulungin at mapagmahal. Pinalaki sa luho at itinuring na prinsesa ng ama, pero hindi siya masaya dahil ang gusto niya ay mamuhay ng simple at payapa. Nang isang lihim ang kanyang natuklasan sa ama, tumakas siya at lumayo dito. WESLEY ARIOLA. Mayabang, womanizer, tamad, spoiled, walang pakialam sa kapwa. He gets what he wants. He even fear no one maliban sa lola nito. Sa isang pagkakataon, napilitan si Lyka sa hiling ni Donya Leticia na maging tagabantay at tagaturo ng apo upang matuto ito sa buhay pati na rin sa larangan ng NEGOSYO. Mapapasunod at mapapabago kaya ito ng dalaga o magiging katulad din siya ng ibang babae na mahuhulog ang puso sa binata?