JoyChavezvillaroza's Reading List
20 stories
SECOND CHANCE AT LOVE by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 79,570
  • WpVote
    Votes 3,326
  • WpPart
    Parts 21
"Huwag ka nang magtrabaho, Mommy," ungot nito kanina habang nagbibihis siya. "Hindi puwede, anak. Nakakahiya na kay Tito Ariel mo. Siya pa naman ang nagpasok sa akin." "Dati naman, hindi ka nagtatrabaho," ungol pa ni Mickey. "Malaki ka na at hindi na alagain. Kaya puwede na akong magtrabaho. 'Di ba may mga friends ka na nga na ayaw mong ipakilala sa akin?" kunwa ay sumbat niya rito. Alam niya, nagkakaroon na ng crush si Mickey. At kung hindi pa siya ang nag-ayos ng closet nito ay hindi niya madidiskubre ang pinakatagu-tagong picture ng isang babaeng kaedad nito. The girl was cute. Pamilyar sa kanya. Nakakamatay ang irap na ipinukol sa kanya ni Mickey nang tingnan niya ito mula sa repleksyon ng salamin. "Mommy, ha?" Nanggagalaiti ito. "Why deny her, darling? Wala namang problema sa mommy," madiplomasya niyang tugon. "See, you're growing up. One day, sasabihin mo na lang sa akin, you're getting married. Maiiwan na si Mommy. At least man lang may trabaho ako para hindi naman ako masyadong malungkot, 'di ba?" "You mean, you don't intend to get married again?" Nagban¬gon-sigla si Mickey. Natigilan siya. Matagal na nilang hindi napag-uusapan ng anak ang tungkol sa "pag-aasawa" niya. At matagal na ring hindi iyon sumasagi sa isipan niya. Kung hindi pa iyon nabanggit muli ni Mickey ay lubusan na nga niyang nakalimutan ang tungkol doon. "Mickey, hindi natin alam. 'Di ba, there are things that come unexpectedly?" "Basta. Sa akin, walang kapalit si Daddy." "And who told you na papalitan ko ang daddy mo? No one could replace him, Mickey. Pero, 'di ba, we could give love naman to everybody?" "Basta!" Mas may diin ang tono nito. "I don't want you to get married again."
A Brand-New Christmas For Luis by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 68,651
  • WpVote
    Votes 1,707
  • WpPart
    Parts 23
"I'm moving on. I want to love someone else. And I want it to be you." Paano ba mag-move on? Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Paano magiging madali kay Luis iyon kung mula pagkabata niya ay wala siyang ibang minahal kundi si Lara? Minahal nga siya nito sa bandang huli pero kung kailan huli na ang lahat. Maigsi na lang ang sandali para sa kanilang dalawa. Pero gusto niyang mag-move on pa rin. Sa kabila ng sakit ng pagkabigo, alam ni Luis na kailangan niyang ipagpatuloy pa rin ang buhay niya. He wanted to love again. At hindi naman niya kailangang ilayo masyado ang tingin. There was Grace, ang sekretarya niyang ubod ng ganda at may mina yata ng self-confidence. Palagi pa nitong ipinagmalaking "dikit" ito sa big boss. Ang kaso ay may pagka-misteryosa din ang babaeng iyon. Kung kailan handa na siya para ligawan ito ay saka naman ito biglang nawala. At ang susi lang para mahanap niya si Grace ay ang big boss niyang si Kevin--- guwapo, mayaman at isa sa most sought after eligible bachelor in town. And Kevin was over-protective of Grace. Pero desidido na siya. Kahit harangan pa siya ng big boss, hahanapin niya si Grace. Kung nabasa mo ang kuwento ng Pahiram Ng Isang Pasko, malamang ay kilala mo na si Luis. Kung hindi mo pa nabasa ang kuwentong iyon, mas maganda unahin mo muna bago ito. This is a spin-off of the said novel. This book is published in 2017 by Precious Pages Corporation.
The Queen of Heralds (COMPLETED) by ashlenejavierPHR
ashlenejavierPHR
  • WpView
    Reads 74,331
  • WpVote
    Votes 2,096
  • WpPart
    Parts 22
Cerise Lopez was the editor-in-chief slash queen bitch of 'The Philippine Herald,' a national broadsheet owned by the Delgado family. Ilag ang halos lahat sa kanya, kahit kasi ang mismong publisher nila na si Julian Luis "Ledge" Delgado, inaaway niya. Pero biglang nagulo ang mundo ni Cerise habang nag-iimbestiga sila sa masalimuot na mundo ng isang sindikato na nagpapatakbo ng isang male sex den. She suddenly found her condo unit trashed by unknown people, getting two of her beloved cats killed. Kinailangan niyang makitira sa bahay ni Ledge para sa kaligtasan niya at ng natitira pa niyang mga alagang pusa. Huli na ng maisip niya na mayroon pa pala siyang hindi nagawang paghandaan: ang pagkahulog ng puso niya kay Ledge Delgado. Dahil kahit anong iwas niya, unti-unti pa rin niyang nakasanayan ang set-up nila. And getting used to having Ledge around was simply a trip bound for heartbreak. - Note: This is Book One of 'The Queen Series'
Calle Amor PREVIEW by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 235,120
  • WpVote
    Votes 4,650
  • WpPart
    Parts 29
"Lahat ng mga ginagawa ko, lahat ng bagong pangarap ko, binubuo ko nang kasama ka..." Gareth and Jasmin.
Purple Kisses For the King [PHR] - Completed by phrjelevans
phrjelevans
  • WpView
    Reads 84,629
  • WpVote
    Votes 1,198
  • WpPart
    Parts 14
"Sapat na ang lakas ko para sa ating dalawa. Malaki ang puso ko para magkasaya ka. Adjustable ang sizes ng lahat ng aspeto ng buhay ko kaya sure ako na you will always fit into my life." Kung noong unang panahon ang mga kontrabida sa isang pag-iibigan ay mga matatanda, madrasta, mangkukulam o buong angkan, sa pagmamahalan nilang dalawa ay kakaiba. Nang magsabog ng kamalasan sa mundo, nasapo nilang dalawa. Kaya naman kumunsulta sila sa isang psychic upang itanong kung ano ang dahilan ng kamalasan na nangyayari sa kanila tuwing sila ay magkasama. Malas daw sila. Hindi na raw sila dapat magkita dahil lagi lang silang masasaktan kung ipipilit nila. Paano na ang lovelife nila kung minamalas sila? May mangyayari pa bang swerte para sa kanilang dalawa?
Ivony & Prince   (COMPLETED) by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 131,859
  • WpVote
    Votes 2,441
  • WpPart
    Parts 11
My Lovely Bride book imprint Published in 2016 Unedited
Cath & Doug by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 34,159
  • WpVote
    Votes 781
  • WpPart
    Parts 9
To read the missing chapters for free, go to my blog-- ayilee.com and click the "Novels" on the menu. Published na ang print book nito. Available na sa bookstores near you :) Magbe-bestfriends ang parents nina Catherine at Douglas. Magkatabi pa ang mga bahay nila. Hindi pa man isinisilang sa mundo ay ipinagkasundo na ang dalawa sa isa't-isa na balang araw ay magiging mag-asawa para maging ganap na silang iisang pamilya binded by law. But Cath and Doug were like cats and dogs. They hated each other since they were kids. Hanggang sa lumaki ay nagbabangayan at nag-aasaran sila. Kaya naman sumuko na ang mga magulang nila na i-matchmake sila sa isa't-isa. Hanggang isang umaga, nagising na lang ang dalawa na magkatabi sa iisang kama. Pareho silang hindi maalala ang nangyari nang nagdaang gabing may mamagitan sa kanila dahil kapwa silang nalasing sa isang party. They both decided to forget about what happened and consider that night as just a nightmare. Pero ang "nightmare" na iyon ay hindi pala nagtatapos doon. Dahil after three weeks ay nalaman na lang ni Catherine na may laman na ang sinapupunan niya at si Douglas ang ama ng ipinagbubuntis niya! Puwersahan silang ipinakasal ng mga magulang nila para makaiwas sa kahihiyan. Pero kahit mag-asawa na ay patuloy ang pagbabangayan nila. Until one day, na-realize na lang si Catherine na may iba na siyang nararamdaman para sa ama ng anak niya. Can someone love and hate someone at the same time? *Note: Unedited version. Watch out for the published book soon.
This Man My Enemy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 115,019
  • WpVote
    Votes 2,682
  • WpPart
    Parts 10
PHR # 1319 First impressions last. At paano magiging impressive kay Rachel ang lalaking tila nagpapalipad ng sasakyan nang dumaan sa harapan niya kaya napasadlak siya kalsada. At hindi lang iyon, saktong-sakto na sa dumi ng aso pa siya bumagsak. So... eeewwww!!!! "Okay ka lang ba, miss?" he asked. At nakadagdag pa sa pag-usok ng bumbunan niya ang tanong na iyon. Sino ang magiging okay? My goodness! Ready na pati ngala-ngala niya para paulanan ito ng pagtataray pero parang nalulon niya ang anumang sasabihin nang mag-angat ng paningin dito. Bakit naman kayguwapo ng lalaking aawayin niya? published by Precious Pages Corporation
My One And Only Queen by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 194,931
  • WpVote
    Votes 7,221
  • WpPart
    Parts 23
Four years ago, halos kay RGL lang umiinog ang mundo ni Abie. Ito ang sentro ng lahat ng pangarap niya. Pero biglang nagbago ang lahat ng makita niya itong kahalikan ang ex-girlfriend nito. Her world crumbled before her every eyes. Kasabay ng pagkawasak ng puso niya ay ang pagkasira din ng relasyon ng kanilang mga pamilya. Tuluyan niyang tinalikuran si RGL. Isinara niya ang anumang komunikasyon dito. Nang lumaban siya bilang kandidata sa Mutya ng San Clemente, hindi niya agad naisip na magiging dahilan iyon para magkalapit uli ang landas nila. Pero paano pa siya iiwas lalo at nanalo siya at nakahanda na rin siyang lumaban para sa Lakambini Ng Nueva Ecija? Imposibleng dedmahin niya ito lalo at ito ang kasalukuyang mayor ng kanilang bayan. Binatang mayor na nagpapalipad-hangin na magkaroon na daw sana ng first lady. Iyon na kaya ang magiging daan para sila magkabalikan? Pero paano ang hindi humuhupang galit ng kanyang ama sa pamilya nito? Author's Note: My One And Only Queen is a PHR-approved manuscript. Kung gusto ninyo pong mapabilis na maisalibro ang kuwentong ito, sana po suportahan nating makaani ng madaming reads, votes at comments dito sa wattpad. Marami pong salamat.
Sa Panaginip Nga Lang Ba? by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 224,302
  • WpVote
    Votes 5,103
  • WpPart
    Parts 11
"I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar." Tricia had a great crush on him. High school pa lamang siya ay inalagaan na niya ang damdaming iyon para kay Marco. Kung kailan nauwi sa isang pag-ibig ang damdaming iyon ay hindi niya alam. But she was just a plain face to him. Until one night. One adventurous night with him na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Lumayo siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahang magku-krus agad ang kanilang landas ni Marco. At hindi kayang burahin ng lumipas na limang taon ang espesyal na alaala niya sa naturang lalaki. Not ever when she had the living memory of him. cover photo from Google images