_elliemnopi
Sa tahimik ngunit misteryosong lungsod ng Mournstead, ang buhay ng magkapatid na Dice at Sandy Laperal ay umiikot sa simpleng pangarap at pag-aarod para sa kinabukasan. Ngunit ang normal nilang mundo ay magugulo sa pagdating ng bago nilang kapitbahay-si Stacey Panganiban, isang bampirang nabubuhay sa dilim, may bitbit na dantaong sikreto.
Nagsimulang gumuho ang realidad nang isang gabi, masangkot si Dice sa isang brutal na krimen gamit ang sarili niyang martilyo na hiniram ni Stacey. Sa gitna ng gabi, ulan, at naglalakihang puno ng Bougainvillea, nasaksihan ni Dice ang mga bagay na hindi dapat makita ng isang mortal-mga patay na muling nabubuhay tulad ng nawawalang estudyanteng si Sam, at ang nakakatakot na lakas ni Stacey.
Sa pagitan ng mga tinik ng panganib at mga talulot ng nakaraang pilit ibinabaon, kailangang malaman ni Dice: Sino nga ba siya sa buhay ni Stacey? At kaya ba niyang baguhin ang nakasulat na sa kasaysayan bago siya tuluyang lamunin ng dilim?