MissElements
- Reads 526
- Votes 53
- Parts 13
Si Rush Kyree Luna.. Isa sa pinakasikat na artista at singer ngayong panahon. Nasa kanya na ang lahat ng M, sabi nga nila.. Mayaman, Matalino, Matangkad, at higit sa lahat, MAYABANG. 'Yung 'Mabait' nga lang, depende sa tao.'Di rin matatawaran ang angkin niyang kagwapuhan. Siya rin ang ipinapanalangin ng bawat babae sa kilala nilang dios or dyosa, mapa santo man yan or santa, na mapasakanila.
Pero isang araw, napagdesisyunan niya nalang biglang tumigil sa pagiging artista at tumiwalag sa kinabibilangan niyang boyband para mag-aral muli sa kolehiyo, dahil ito ang tanging paraan para maibalik niya ang pinakamamahal niyang babae..
Si Ivana Mireah Everleigh.. Saksakan ng ganda, matalino, mayaman, mahinhin, mabait, at talentado rin talagang tunay. Isa na siyang sikat na fashion designer na tanyag na rin sa buong mundo. Siya rin ang pinapangarap ng bawat lalaking nakakakilala sa kanya. Hindi lang siya magaling na fashion designer, magaling din siyang kumanta saka tumugtog ng cello.
Malapit na sanang maayos ang nasira nilang relasyon, kung hindi lang pumasok sa buhay nila ang isang babaeng biglang sumulpot lang isang araw sa kanilang eskwelahan.. Isang babaeng kabaliktaran ng babaeng kanyang pinakamamahal.. Malamig, mayabang at.. MATON.
Ngunit napa-ibig siya sa kabila nang hindi nito kaaya-ayang ugali..
Si Yalexis Francisco, ang babaeng nagawang baguhin ang kanyang nararamdaman nang hindi nilang pareho namalayan..
"Nagpapatawa ka ba? Halos isumpa mo na 'ko sa lahat ng kinikilala mong dios at sabihing ginawa ka para kamuhian ako't pahirapan ang buhay ko at gawin 'tong impyerno. Pa'no mo nasasabi ang mga iyan?"
"No, Alex."
"Ano'ng no? Gusto mong masapak ng malakas nang maalog 'yang maliit mong utak at matandaan ang mga pinagsasasabi mo?"
"Alex, the only reason why I was made is to love you, only you."