ImAristocrat
❝Wag kang maniniwala kay UNKNOWN❞
Si Azrael ay Diyos ng Tubig at isa sa 'Labintatlong Mahestradong' Diyos at Diyosa na nakatira sa Bundok Pasipiko. Hindi tulad ng ibang Diyos at Diyosa, siya lamang ang kaisa-isang pangit at halos halimaw ang itsura. Siya'y pinalayas ng kanyang Ina na si Herica (Reyna ng mga Diyos. Dyosa ng Kagandahan at ng Kalikasan) mula sa kanilang tirahan sa Bundok Pasipiko. Pinalayas siya nito dahil ayaw ni Herica ng may nakikitang pangit sa kaharian nila.
Dahil doon, lumapit siya sa isang Matandang Ermito upang tulungan kung papaano maaayos ang kanyang itsura. Ang Matandang Ermito na si Tata Custodio ay isa ring Diyos na nakakakita ng Kapalaran at nakaraan ng isang tao. Pero hindi tulad nila Azrael at Herica, siya'y nakatira lang sa paanan ng Bundok Paasipiko.
❝Ang kailangan mo lamang gawin ay sumunog ng limang magagandang mukha ng tao at ilagay ito sa boteng ito❞
Biglang nawala ang Matandang Ermito ng abutin na nito ang bote sa binata. At doon di'y dali-dali siyang pumunta sa portal papunta sa daigdig ng nga mortal.