Anthologies by zandcruzher
3 stories
Komyut Diaries by zandcruzher
zandcruzher
  • WpView
    Reads 93
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 9
Ang aklat na ito ay tungkol sa mga dakilang komyuter. Mga samu't-saring sanaysay tungkol sa pagkokomyut. Salamin ng pagiging Pilipino. Ikaw na walang sariling sasakyan. Ikaw na araw-araw nale-late dahil sa traffic. Ikaw na umaasang may daraan pang Jeepney. Ikaw na ginawa na ang lahat kahit na ang sumabit sa jeepney para lang makauwi. Ikaw na sobrang ingay na akala mo inarkila mo na ang buong sasakyan. Ikaw na nadukutan, hindi nagbayad, o nagmatigas na umisod ng upuan. Ikaw na naligaw. Ikaw na hindi pa nakakauwi. Para sa'yo 'to.
Immortal Words:Flash Fictions by zandcruzher
zandcruzher
  • WpView
    Reads 2,186
  • WpVote
    Votes 95
  • WpPart
    Parts 15
Collection of Flash Fiction Stories.
Amaging Obra Maestra by zandcruzher
zandcruzher
  • WpView
    Reads 2,366
  • WpVote
    Votes 255
  • WpPart
    Parts 64
Sa puso ng manunulat nananahan ang bumubukal niyang imahinasyon at ang damdaming inuukit ng kanyang walang hanggang kamalayan. Sa pamamagitan ng kanyang mayuming kamay at malikhaing kaisipan ay naisasalin sa panulat ang mga akdang nilililok ng panahon, lipunan, kasawian, pag-asa, at samu't saring inspirasyong nagpapaigting sa kanyang dugo. Nilulunod ng mga salitang ito ang tunay niyang suliranin at hinanakit sa daigdig. Hindi patas ang mundo para sa tulad niyang manunulat. Sapagkat gaano man siya maghangad na matunghayan rin ng iba ang kanyang likha, at maramdaman din ang emosyong nakapaloob sa bawat hibla ng kanyang dila, wala talagang pumapansin. Pinaglipasan na ng panahon at unti-unti nang tinutubuan ng amag. Marahil nga'y may mali. Marahil nga'y may kulang. Marahil nga'y may tamang pagkakataon para sa lahat. Gayunpaman, walang humpay pa rin sa pagpintig ang kanyang puso, at hindi pa rin nagwawakas ang kanyang sariling kwento. Hindi siya titigil sa pagbuo ng mga kwentong magmumulat sa mata ng iba, kahit wala mang magbasa. Patuloy pa rin siya sa pangangarap at pananalig, na sa pagdating ng tamang panahon, ay magisnan rin ang kanyang amaging obra maestra. (The compiled version of my short stories)