ravenquincy
- Reads 2,187
- Votes 35
- Parts 19
Nagmahal, nakasakit, nagtago.
-Natalia Monte Cielo
Maganda, mayaman,sexy, happy-go-lucky, at palaban : iyan si Natalia. Wala itong ibang gustong gawin sa buhay kundi ang magwalwal at gawin ang iba't-ibang adventure na maisipan nito. Inom dito, party doon. Ganyan lang ang buhay niya. Pero siguro ay may hangganan ang pasensya ng mga magulang kaya naman tinangka nitong bawiin ang lahat ng meron si Natalia. Lagpas na kasi ito sa tamang edad at tapos naman sa pag-aaral pero ayaw nitong magtrabaho. Nabawi naman ng dalaga ang lahat ng yamang taglay dahil sa isang condition. Pero hindi niya inaasahang nang dahil sa condition na ibinigay ng mga magulang ay makikila niya si Ford.
Nagmahal, nasaktan, naghunting.
-Ford Natividad
Strikto, masungit, gwapo pero laging badtrip at patagong manyakis : iyan naman si Ford. Marunong naman itong makisama sa kanyang mga empleyado pero dahil madalas itong stressed bilang Director ng isang pharmaceutical company ay madalas itong maglibang. Trabaho sa umaga, nightout sa gabi. Striktong boss sa trabaho pero pagdating sa babae ay nag-iiba ito. Marami na itong naging karelasyon pero isang babae lang ang nagpatibok ng puso nito at iyon ay si Natalia.
Sinaktan siya nito at saka nagpakalayo-layo. Nang matapos na ang termino ni Ford sa pagiging company director ng kumpanya ng kanyang Tito Agustino ay ginawa niya ang lahat upang mahanap ang babaeng minahal. Nais niya itong bawian dahil sinaktan siya nito pero sadyang taksil ang puso ng taong nagmamahal.
Natividad Series #2 : Ford Natividad
Written By: Raven Quincy