Ajeomma's stories (finished reading)
19 stories
Ang Bahay ng Lagim by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 446,846
  • WpVote
    Votes 1,988
  • WpPart
    Parts 5
Sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng mahal na araw sa San Ronquillo ay hindi na mapakali ang mga naninirahan dito. Pinaniniwalaang muli na namang makikita ang isang bahay kastila sa pusod ng kagubatang malapit sa kanila. Muli na naman silang makaririnig ng nakakikilabot na panaghoy sa hatinggabi... na nagmumula sa tinatawag nilang bahay ng Lagim! At sa pagsapit ng Biyernes Santo kung saan patay raw ang Diyos ay muling magaganap ang isang malagim na kamatayan para sa mga darayo rito. Sina Aldo, Josh, Butsoy, Reynalyn at Milen ang magkakabarkadang mapupunta sa baryong ito. Ang NOON at NGAYON ay pagtatagpuin sa isang pagkakataon; sa malagim na sitwasyon. Totoo nga kaya ang kuwento tungkol sa Bahay Kastila? May makaligtas kaya sa kanila? cover by: Wacky Mervin ( salamat po) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Katatakutan sa likod ng bawat Alamat by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 17,410
  • WpVote
    Votes 620
  • WpPart
    Parts 3
Mahilig ka ba sa Alamat? May paborito ka ba sa mga Alamat na narinig o nabasa mo na? Paano kung may iba pang kwento sa Alamat na noong bata ka ay gustong-gusto mo na? Kuwentong kababalaghan at lagim ang dala? Magugustuhan mo pa kaya? Halika na at tunghayan ang naiibang bihis ng Alamat ng Pinya. Published under BSPub. (AMALGAMATION) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Ang Higanteng Ibon at Si Gamay by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 8,380
  • WpVote
    Votes 369
  • WpPart
    Parts 4
Isang maikling kwento ng pagkakaibigang nabuo sa pagitan ng isang bata at mahiwagang ibon. A Charity Project of Le Sorelle Publishing LSPuso Project- Book for a Cause Benificiaries: Childrens na may sakit sa Kidney and Liver. PUBLISHED
HHC featuring: SEGUNDA MANO, bibili ka ba? by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 160,573
  • WpVote
    Votes 816
  • WpPart
    Parts 2
Kaya ng budget, sikat ang tatak, may kalidad ang pagkakagawa, nagbuhat sa ibang bansa at maganda pa. Kaya mas pinipiling bilhin ng karamihang nagtitipid at walang pambili ng bago. Subalit kailangan maging maingat at mapagmasid. Dahil hindi mo alam kung sino ang may-ari at naunang gumamit. Segunda mano na nabili baka....., HILAKBOT sa iyo'y ihahatid! Copyright © ajeomma All Rights Reserved
MKNA2 - Imahinasyon by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 188,333
  • WpVote
    Votes 226
  • WpPart
    Parts 1
Ang kwento natin ngayon ay tungkol sa isang dalagang ginagawang bida ang sarili habang nangangarap nang gising. Sa mundo ng pantasya, nangyayari ang lahat ng kanyang nais. Natutupad ang kanyang mga pangarap maging napaka imposible man. Hanggang dumating ang isang pangyayaring nagpalito sa kanyang isipan. Naglalakbay siya sa kanyang pangarap. At sa tuwing magigising, ramdam niya ang pagod at matinding kaba. Ang nakapagtataka... pare-pareho ang panaginip niya; isang mahabang daan na tila walang katapusan ang kanyang tinatahak. Natatakot siya, subalit may bumubulong sa kanya at nagsasabing magpatuloy. Binubuyo siyang alamin ang hangganan, upang malaman kung ano ang doo'y matatagpuan. Totoo ba ang nakita niya o bunga lamang ng imahinasyong maaaring mauwi sa bangungot? Halina at sama-sama nating tuklasin ang lihim ng kanyang pagkatao... Fantasy/Romance/Comedy
Anna Marga Rita (Lagim ng Nakaraan)  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 613,677
  • WpVote
    Votes 2,332
  • WpPart
    Parts 5
Kuwentong ang TWIST ay may iba pang TWIST. Akala mo alam mo na; akala mo nahulaan mo na; akala mo tama ka na... pero may malalaman ka pa. Mas detalyado at siksik sa kaganapan. Sana magustuhan niyo, mga beh. Maraming salamat po. "Tama na Marga! Nakikiusap ako sa'yo, itigil mo na ang lahat ng ito!" umiiyak na pakiusap ni Anna. "Itigil?! Isa kang ipokrita, Ate! Alam mo sa iyong sarili na ito ang gusto nating mangyari!" Galit na galit na sigaw ni Marga. Si Rita naman ay nasa sulok lamang at walang patid sa pag-iyak habang ang dalawang palad ay nakatakip sa magkabilang tainga. "Magbabayad silang lahat! Hindi ako makapapayag na sila ay masaya habang tayo ay patuloy na nagdurusa! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silang lahaaaaat!" Muling sigaw ni Marga na sinabayan ng matinis na halakhak. Umaagos ang luha sa mga matang nanlilisik sa tindi ng poot at pagkasuklam. Magkakapatid na magkakamukha, subalit magkakaiba ang ugali at paniniwala. Ano ang pinag-ugatan ng labis na galit ni Marga? Mapipigilan pa ba siya ng dalawang kapatid? Saan hahantong ang lahat? Credits to momhienidadhie for the cover. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
HHC featuring: LEILAH anak ng diablo by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 193,828
  • WpVote
    Votes 1,553
  • WpPart
    Parts 5
Sa loob ng dalawawpu't limang taong pagsasama ay hindi pa rin mabiyayaan kahit isang supling ang mag-asawang Allen at Rebecca. Lahat ng paraan ay nasubukan na nila subalit paulit-ulit lamang silang nabibigo. Isang araw, narinig ng ginang ang tungkol sa mahusay na faith healer sa probinsiya ng San Martin. Makapangyarihan daw ito at maaaring makatulong sa kanilang suliranin. Dali-dali nilang tinungo ang nasabing lugar. Subalit hindi madaling matagpuan ang Maestro dahil ayon sa napagtanungan, walang lumang San Martin sa probinsyang iyon. Mawawalan na sana ng pag-asa si Rebecca, mabuti na lamang at may matandang babaeng nagturo kung saan matatagpuan ang kanilang pakay. Gusto nilang magka-anak. Isang munting anghel na kukumpleto sa kanilang kaligayahan. Kaligayahan nga kaya ang hatid ng anak na kanilang ninanais? Magagawa kaya nilang patayin ang paslit na sa impyerno nanggaling? Paano nila wawakasan ang... ANAK NG DIABLO? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
The Untold Real Stories by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 219,993
  • WpVote
    Votes 6,378
  • WpPart
    Parts 31
Ang lahat ng pangyayari ay pawang tunay na karanasan ng totoong tao sa totoong lugar at pagkakataon. Ospital Karanasan ng isang ginang sa ospital matapos ng kanyang operasyon. Malik-mata Ano ang pangyayaring naganap sa kanyang asawa na nakita niya sa itaas ng bubungan? Yabag Paano maipapaliwanag ng inyong isipan ang naririnig at nararamdaman, lalo na kung malalaman ninyong narinig din pala ng iba? Terrace May bisita ka ba? Guni-guni bang matatawag kung dalawa kayong nakakita?
The Untold Real Stories 2 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 185,996
  • WpVote
    Votes 6,460
  • WpPart
    Parts 39
Ang mga kwento na inyong matutunghayan ay base sa tunay na karanasan ng mga taong nasasangkot. Sama-sama nating buksan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kasaysayan...... Espiritu Guni-guni o isang katotohanang mahirap ipaliwanag? Alamin ang kwento ni Miguel. Bintana Bunga ba ng mapaglarong imahinasyon, o isang pangitain na magaganap sa tamang panahon? Palengke Biro lamang, o isang babala? Paano kung maganap na ang hindi inaasahan? Pakiramdam May mga pangyayari ba na ikaw mismo ang nakaranas? Masasabi mo bang ito'y isang kalokohan lamang?
Kaluluwang Ligaw by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 174,079
  • WpVote
    Votes 715
  • WpPart
    Parts 2
Mystery/thriller Spiritual Isang pampublikong bus ang bumabaybay sa makitid na kalsada ng Kennon road papanik ng Baguio. Marami sa mga pasaherong lulan nito ay pansamantalang nakaidlip habang ang iba naman ay pinagmamasdan ang mga tanawin na madaanan. Nang lumiko ang bus ay nawalan ito ng kontrol. Nagtilian ang mga pasaherong lulan ng sasakyan nang walang ano-ano ay tumagilid. Nagitla si Milagros, bahagyang naibuka ang bibig subalit walang nanulas ni katiting na tinig. Nasaksihan ng kanyang dalawang mata ang pagbulusok pababa nang sinasakyang bus sa matarik na bangin. Hanggang makita niya ang sarili... nakahandusay at duguan. Patay na ba siya? At... sino ang lalaking biglang sumulpot? May butas ang magkabila nitong palad! Copyright © ajeomma All Rights Reserved