Books Shelves
176 stories
Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love You by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 30,833
  • WpVote
    Votes 1,736
  • WpPart
    Parts 39
"You've just made a record, Jenny. Ikaw ang taong kauna-unahang tumawag sa akin ng PJ. Thank you. Kapag close na tayo, saka mo malalaman kung bakit mas gusto ko ng PJ." ***** Jaypee Juan wanted to take a break. Though, his heart was already mended nais pa rin niyang pagbigyan ang sarili sa isang bakasyon. On his way to Tuguegarao, nakatabi niya ang isang babaeng tunay na nakakabighani ang ganda. But he couldn't appreciate her beauty-dahil pinaalis siya nito sa kanyang inuupuan! He hated his new seat-the window seat. Para siyang isiniksik doon at talagang hindi siya komportable. Sa tuwing malilingon siya sa katabi, lalo siyang nainis. And what more, sa isang stopover ay bumaba ang babae. Nang bumalik ito, humahalimuyak ito sa bango. At allergic siya doon! Hindi pa siya nahihimasmasan sa pagbabahing ay hinarap na siya ang babae. Nainsulto ito sa ginawa niya. Kinalimutan na niya ang pagiging gentleman sapagkat sagad na ang inis niya sa babae. Inutusan niya itong alisin ang cologne na ipinaligo yata nito sa katawan. Galit na galit sa kanya ang babae. Habang binubura nito ang cologne sa pamamagitan ng alcohol, nanlilisik naman ang mga mata sa kanya. At pinagbintangan pa siyang virus carrier dahil sa pagbabahing niya na tila wala nang katapusan. Inis laban sa taray. Ang susuko, asar-talo! It was six months later that he found out that it was a rare case of love and hate at first sight...
Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To You by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 23,644
  • WpVote
    Votes 1,160
  • WpPart
    Parts 22
"Gusto kig ligawan, Adrienne. Pero hindi naman ako marunong manligaw. Marunong lang akong mang-asar." ***** Adrienne Isabel Montoya Vargas. Pangalan pa lang niya ay para nang credit card na tinaggap kahit na saang tindahan. She belonged to the upper class of the society. At wala siyang dapat gawin sa buhay niya kung hindi ang daluhan ang iba't ibang party at sosyalan. But she felt that kind of life wasn't for her. She wanted to do some thinking upang ma-realize niya kung ano nga ba ang purpose niya sa buhay. Nagpasya siyang umuwi sa Cagayan, her father's hometown. At para sa kanya, wala nang pinaka-ideyal pang lugar kung hindi ang property nila roon na nasa tabing-dagat. Soon, she spent her time in Cagayan with Sebastian Bergonia, ang lalaking playmate niya during her childhood. Palagi silang magkasama at hindi nangyari ang layunin niya na hanapin roon ang sariling nais. Yet she felt she didn't need to do some thinking. Dahil sa Cagayan, sa piling ni Seb, naramdaman niyang kuntentong-kuntento na ang buhay niya. But there was Rosette. Ang girlfriend ni Seb for more than five years na ayon sa babae, isa lamang siyang bakasyunista na ine-entertain ng binata kaya pansamantala lang ang kaligayahan niya. Kaya?
Places & Souvenirs - CAGAYAN 1 - Enemies At First Sight by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 39,207
  • WpVote
    Votes 1,702
  • WpPart
    Parts 25
"I'm going to marry you whether you like it or not." ***** "Gentleman ka pala," sarkastikong sabi niya at pasalyang inilagay sa backseat ang mga maleta. "Pasalamat ka nga at tinulungan kitang magbuhat," tila naniniryang sabi ni Santi. "Bagahe mo naman ang mga iyan, ah? Dapat lang na mas may malasakit kang bitbitin iyan kaysa sa ibang tao." Naupo na ito sa harap ng manibela. "Ready to ride?" tanong pa nito at kinindatan siya. Padaskol na binuksan niya ang pinto sa backseat. "Bakit hindi mo pa paandarin?" asik niya. "Miss Catherine Abaya, linawin lang natin, okay? Sinundo kita dahil sinalo ko ang dapat sana ay sa papa ko. Pero hindi mo ako kargador at hindi mo rin ako driver. So hindi ko paaandarin itong sasakyan unless lilipat ka dito sa passenger seat." Nanlaki ang mga mata niya pero lumipat din siya ng puwesto. Magkalapat na magkalapat ang mga labi niya at halos mag-abot din ang mga kilay. "Good," pabulong na sabi ni Santi ngunit sadya ring ipinarinig sa kanya.
Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And Destiny by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 24,470
  • WpVote
    Votes 1,188
  • WpPart
    Parts 23
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. The sight of her had taken his breath away. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him. Why he could have stared at her all night. He was Jay. The woman was beautiful. Her face was somewhat illuminated by the dim lights that suddenly switched on. The woman was alluring in the way she stood and the way she held herself. She was elegant. And sexy. Tila isang aparisyon ang babae sa dapithapon. She was Ella. Tumayo si Ella at isang lalaki ang sumalubong dito. At magkayakap pa sa bewang na humakbang ang mga ito. The man was Jaypee. And she was engaged to be married to him. Was it really Jaypee and Ella? Or would be it Jay and Ella? Maaari, kung makikialam ang tadhana.
Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island Magic by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 24,957
  • WpVote
    Votes 1,128
  • WpPart
    Parts 19
In-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang haranahin siya ng mabining hampas ng alon sa dalampasigan. She felt very much relaxed. She let her other senses para madama ang paligid niya. She could inhale the ocean breeze and tropical sun. At bagaman may sumasaging ingay ay hindi iyon nakakasira sa imahinasyong gumagana sa isipan niya. Then suddenly, parang natabunan ng mabibilis na mga yabag ang isip niya. At bago niya nagawang idilat ang mga mata upang alamin ang dahilan niyon ay isang kalabog na ang narinig niya. Napabangon siya nang tila may sumipa sa balakang niya. "I'm sorry." Sinsero ang tinig nito. Napatitig siya dito. The skin was a toasted brown at parang pinaliguan ng pawis. His broad chest was also damp. At sa paghinga nito ay tila lalong nagkakaroon ng karakter ang matitigas na kalamnan nito. His eyes were glowing in its darkest brown. "Hindi mo naman siguro sinasadya," sagot niya at itinapis ang tuwalya sa katawan. "I'm Drigo Valderama." "Maia." Tumuloy na siya sa cottage niya. Mabilis siyang nag-shower at nang nagbibihis na ay saka lang niya naalalang mag-almusal. At habang nag-iisip kung lalabas siya uli o magpapa-room service ay muli na namang pumasok sa isip niya ang estranghero. Hindi niya alam kung bakit. While on shower ay ang lalaki na ang nasa isip niya. Bakit parang ayaw siyang tantanan ng anyo nito? How could she be so much affected by a mere stranger? Oh, well, not really a stranger. He was Drigo Valderama, according to him.
Places & Souvenirs - BORACAY 2 - Not Just Another Brief Summer Affair by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 19,921
  • WpVote
    Votes 926
  • WpPart
    Parts 16
"Palagi na lang ba tayong ganito? Na pagkatapos ng ilang araw na pagsasama ay magkakahiwalay uli ng landas? Kailan tayo uli magkikita? After another six years? Don't you want a long, lasting affair?" Hindi lamang basta espesyal ang unang pagkakataong makarating ni Rachel sa ibang bansa. Sa Hong Kong, doon niya natagpuan ang lalaking nakapagpaibig sa inosente niyang puso. Wala siyang pakialam kung ilang araw pa lamang niyang kakilala si Andrew. She was in love with him. At tila wala nang iba pang mahalaga maliban doon. That was six years ago. Ngayon sa isang feature assignment niya sa isla ng Boracay, wala sa hinagap niyang makakatagpo niyang muli roon si Andrew. At sa pagkabigla niya at pagtataka, tila ito pa ang may ganang magalit sa kanya gayong sa sarili niya ay alam niyang siya ang nasaktan noong nakaraan. Why? At bukod sa tanong na iyon na gumugulo sa isipan niya ay ang realisasyong hindi napagbago ng nakalipas na anim na taon ang pag-ibig niya rito. Maybe she could let herself fall in love with him. Again.
Places and Souvenirs - BORACAY 1 - Perfect Chance by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 27,789
  • WpVote
    Votes 1,298
  • WpPart
    Parts 20
Matigas na matigas ang leeg ni Avery para lingunin si Jake, ang lalaking sinasabi ni Maia na makaka-partner niya sa trabaho. May feature assignment siya sa Boracay at ang lalaki ang underwater photographer na kinontrata ni Maia. Late ang lalaki sa usapan, bagay na nagpapangit ng impresyon niya dito. Lumapit muna siya, sabi pa niya sa sarili habang nakaismid. I don't like your name. I don't like all Jake in this world! Para sa kanya ay tila isang multong gumagambala sa kanya ang pangalang iyon. Subalit sa likod ng isip niya ay malakas ang ahon ng kuryusidad na tingnan ang lalaki. His voice was somewhat familiar. Tumikhim si Maia. "Avery, I'd like you to meet Jake." Gayunman ay taas pa rin ang mga kilay niya nang dahan-dahang lumingon. Sa isang sandaling simbilis ng kisap-mata ay kagyat na napalitan ng pagkabigla ang mataray na ekspresyon niya. Tila tumigil ang inog nang mundo nang magtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Jake? Jake Maravilla! Ang lalaking mismong dahilan kung bakit hindi siya kumportable sa pangalang Jake...
Places & Souvenirs - Ilocos Trilogy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 25,231
  • WpVote
    Votes 1,532
  • WpPart
    Parts 42
Book 1 - Cherilu - Something New In My Life Book 2 - Sandra - Tomorrow You'll Be Mine Book 3 - Jessica - No Flirtation, No Motives
Class Picture Series 5 - Finding Treasure... Finding Love by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 6,043
  • WpVote
    Votes 101
  • WpPart
    Parts 18
Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo ay may nakatagong kayamanan. At sa lugar na iyon, nakilala niya si Art, ang tumulong nang bigla siyang mawalan ng malay sa daan. Dinala siya ng lalaki sa villa na pag-aari ng pamilya nito. Nakalimutan bigla ni Elisa ang pakay sa lugar na iyon. Na-focus ang atensiyon niya sa binata at sa bawat paglipas ng araw ay lalo silang nagkakalapit. Ni hindi nito inilihim ang pagkakagusto sa kanya. Masaya si Elisa na kasama si Art. Sa maikling panahon ay natutuhan niya itong mahalin. Pero hindi siya sigurado kung ganoon din ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya, lalo at nalaman niyang kagagaling lang nito sa isang failed relationship. At iyon ang nagpapagulo sa kanyang isip.
Class Pictures Series 7 - Forever And Always by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 16,115
  • WpVote
    Votes 505
  • WpPart
    Parts 22
"Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...