My works (complete)
4 stories
32 in Calendar by unvividstar
unvividstar
  • WpView
    Reads 17,802
  • WpVote
    Votes 3,130
  • WpPart
    Parts 61
Hindi makapaniwala si Sarah na mahal din siya ng matalik na kaibigang si Ethan na hinahangaan ng maraming kababaihan dahil sa taglay nitong kabutihan at kaguwapuhan. Akala nga rin niya, suntok sa buwan na magiging nobyo niya ito ngunit nagkamali siya. Kaya nga nang ligawan siya nito ay agad niya itong sinagot sa takot na magbago pa ang desisyon nito kung patatagalin pa niya bago ito sagutin. Naging masaya ang relasyon ni Sarah at Ethan ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Sinira nito ang mga pangarap nilang dalawa. Mapagbibigyan pa kaya sila ng tadhana upang sa unang pagkakataon ay magkasama nilang maipagdiwang ang araw ng kanilang anibersaryo kahit pa wala ito sa kalendaryo? Tunghayan ang nakaaantig na istoryang magpapasibol sa panibagong petsa sa kalendaryo... Best Romance Stories Awards 2017 = Grand Winner Scarlet Awards = Genre Winner
Turo Game by unvividstar
unvividstar
  • WpView
    Reads 33,598
  • WpVote
    Votes 1,094
  • WpPart
    Parts 25
Matapos ang bangungot na naranasan nina Marissa at Kevin sa bayan ng Kalu ay namuhay sila nang payapa at bumuo ng isang masayang pamilya. Lahat ng mga kabanata na may kalakip na hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay ay pinilas nila. Ngunit habang namumuhay nang payapa sina Marissa at Kevin ay may palihim na kumikilos upang muling iparanas ang pinakamasamang bangungot na higit pa sa dinanas nila sa bayan ng Kalu. Ito ay sa pamamagitan ng laro, ang bagong laro na hindi tatangkaing laruin ninuman, ang Turo Game. -Sequel of Karen Deryahan
The Sleeping Chaka by unvividstar
unvividstar
  • WpView
    Reads 38,988
  • WpVote
    Votes 2,063
  • WpPart
    Parts 35
Sa isang lugar na malayo sa makabagong buhay matatagpuan ang palasyo ng Maganlahi. Naninirahan dito ang isang prinsesa na bukod tangi, bukod tanging pangit sa palasyo, walang iba kundi si Prinsesa Impa. Dahil sa taglay na kapangitan, uhaw siya sa pagmamahal ng isang lalaki at sa kaligayahan. Gusto na niyang makakita sa personal ng isang malaking ibon na dala-dala ang dalawang itlog nito. Gusto na rin niyang magawa ang mga posisyon na sa isip lang niya nangyayari. Kaya naman labis ang kasiyahan niya nang bigyan siya ng sumpa na makakatulog siya at ang makapagpapagising sa kaniya ay ang halik ng guwapong lalaki. Hindi lang iyon, kung sino ang humalik sa kaniya at siya ay magising, iyon ang lalaking mapapangasawa niya. May hahalik kaya kay Prinsesa Impa? Makikilala na kaya niya ang kaniyang mapapangasawa sa kabila ng itsura niya? Kilalanin si Impa, ang gaga at loka-lokang prinsesa. Siya ay tatawaging, "The Sleeping Chaka" Book cover made by: Princess_Alicia29 Penmasters League Writing Contest 2018 3rd Place and Genre Winner
Karen Deryahan by unvividstar
unvividstar
  • WpView
    Reads 96,522
  • WpVote
    Votes 3,622
  • WpPart
    Parts 29
Dahil sa isang mananaliksik si Marissa, kailangan niyang humanap ng lugar na maaari niyang maging asignatura para sa kaniyang trabaho. Ang bayan ng Kalu ang lugar na kaniyang sasaliksikin upang alamin ang natatagong ganda nito. Ang nasabing bayan ay probinsya ng isa sa kaniyang mga kaibigan. Ni minsan ay hindi pa niya narinig ang lugar na iyon kaya iyon ang naging tulay upang puntahan niya ang bayan na iyon. Sa pagpunta niya roon ay saka pa lang niya nalaman na maraming kaso ng pagkawala ng mga naninirahan sa bayan na iyon at iyon ang hindi nabanggit sa kaniya ng kaibigan. Ni isa ay walang nakakaalam sa likod ng sunod-sunod na pagkawala ng mga tao roon. Lingid sa kaniyang kaalaman na sa kaniyang pagtuklas sa natatagong ganda ng lugar ay matutuklasan din niya ang dahilan sa likod ng pagkawala ng mga tao roon. May misteryo sa likod ng 'Karen Deryahan'. Handa ka na bang alamin kung ano ito? Book Cover Made By: stuck_n_silence